Chapter 53: Die Beautiful, Die Young

1.5K 40 0
                                    




Sa kalagitnaan ng paghahanap namin kina Liana, Keiara at Keiana, bigla na lamang tumulo ang luha ko at napanganga dahil sa nasilayan. Nakita ko na lang na nakahiga si Liana sa lupa na punong-puno ng pasa, sugat at dugo ang katawan. Habang nakasabit naman sa puno sina Keiara ay Keiana, may nakataling lubid sa leeg at sumusuka ng dugo mula sa bibig.

Hindi ko maipinta ang mukha ko ngayon dahil sa nararamdaman at pagkadismaya. Bakit sila namatay? Paano sila namatay? Sino? Sino ang pumatay sa kanila? Magbabayad ang gumawa nito. Wala silang awa, magbabayad sila.

Pero... Kasalanan ko ito e. Dahil sa akin namatay ang mga kapatid ko. Dahil sa akin nawala tuloy sila at nabawasan pa kami ng tatlo. Kung hindi sana ako nagbigay ng suhesyon di sana mangyayari ito.

Yumulo ulit ang luha ko. Di ko maiwasan na umungol dahil itong tatlong kapatid ko ay malapit sa akin. Kahit na medyo panig si Liana kina Tiara pero alam kong may natatagong kabutihan sa puso niya at nagsisimula na ang pagkakaibigan namin. Pero ano ang nangyari? Bigla na lang siya nawala, bigla na lang sila pumanaw.

Kamp Site

Kahit huling panahon na nila ngayon sa mundo. Gagawin kong maganda ang paglisan nila, kahit puno ng poot at kapangitan ang pag-alis nila sa mundo, sa buhay namin.

Sa halip na malulungkot at magagalit kami sa nangyari, ay pinilit namin na maging masaya at paghandaan ang magandang pamamaalam nila.

Dahil sa pagiging kikay ni Fiona at talento nito sa pagpapaganda, pinilit ko siyang pagandahin silang tatlo. Pumayag naman siya. Wala namang magawa sina Terri, Gerome at Mateo, kaya inutusan ko silang tumulong sa pag-aayos ng dekorasiyon. Si Mom naman ang bahala sa pagluluto ng pagkain, dahil siya lang naman ang marunong sa pagluluto. Nagbulontaryo naman si Korra na maghuhugas ng pinggan, at masaya ako sa kaniya dahil gagawin niya iyon lalo na't kauna-unang paghuhugas niya ng pinggan. Wala namang magawa sina Tiara at Veola kaya sila na ang bahala sa iba pang pagkain para mas marami pa ang handa namin. Si Prince Hanz naman ang humanap at nag-hunt ng mga hayop.

Wala naman akong magawa dahil parang wala ng gawain na gagawin ko dahil parang ginagawa na nila. Paano ako tutulong sa kanila? Sa anong paraan?

Kaya napag-isipan kong puntahan si Mom para tulongan sa pagluluto. May alam naman ako sa pagluluto, prito o di kaya ay nilaga.

"Mom? Tulungan na po kita? Ako na po ang gagawa niyan?" ang pakiusap ko kay Mom.

"Huwag na Katara , magpahinga ka na lang. Alam kong pagod ka na kaya magpahinga ka at marami ka namang naitulong dito e. Kaya huwag na" sabi ni Mom.

"But I..."

"Bye Katara, magpahinga ka na." sabi niya. Hays.

"Hays, ano pa ba ang magagawa ko?" sabi ko. Napansin ko ang konting ngiti na namuo sa mga labi ni Mom.

So... Hindi naman pwede na tutunganga lang ako dito at walang gagawin, kundi papanuorin sila. Sino pa ba?

Pinuntahan ko sila Terri. Doon sa lugar na paglilibingan nilang Liana at kambal kong kapatid na sina Keiara at Keiana. Di pa nga ako nakarating, ang ganda ng tignan sa malayo ang lokasiyon dahil sa mga palamuti at dekorasiyon na dinesenyo nila Terri.

"Tulungan ko na kayo Terri. Ano ba ang pwede kong gawin?" tanong ko kay Terri.

"ng pwede mong gawin ay ang magpahinga at maghanda na lamang para sa gaganapin mamaya. Okay?" sabi niya.

"Oo nga" sang-ayon ni Mateo.

"Pero..."

"Huwag ka ng tumulong Katara. Alam naming pagod na pagod ka na. Kami na ang bahala dito, hayaan mo na kami" sabi ni Gerome.

"Hayyys."

Di naman pwede na habulin ko sila Tiara at Veola. O pupuntahan ko si Prince Hanz, ang layo naman. Sino pa kaya ang pwede kong tulungan? Who?

Oo nga pala--- si Fiona. Lalo na't siya lang isa ang nagpapaganda kina Liana. Isa lang siya at tatlo ang pagagandahin niya, syempre kelangan niya ng tulong ko. Kaya pumunta na ako sa isang silid na naroroon si Fiona... I will help her. I should.

Hindi pa nga ako nakapasok at nasa labas pa ng isang silid. Rinig ko na ang pinagsasabi ni Fiona.


Hahahahahahaha!!! Pumanaw na kayo. Marami na rin ang nagawa niyo sa mundo. Masyado kayong nagpakabayani. Kaya oras na para........


"Oras na para saan? Para ano? Fiona?" ang sabi. Agad ako pumasok at tinanong siya tungkol sa sinabi niya.

"Katara? Andito ka pala?" ang tanong niya. Medyo nagulat siya sa pagdating ko kaya may hinala ako at pagtataka tungkol sa kaniya.

"Yes, I'm here, NOT THERE. So answer me, Fiona. Oras na para?" tanong ko sa kaniya.

"Ahm, ahh.... Oras na... Para.... Oras na para manghingi ako ng tawad kahit na wala na sila. Alam kong may pagtatampuan kami kaya nanghihingi ako ng tawad sa kanila kung sa gayon malaman nila na mahal ko pa rin sila, kahit na sa langit na sila" ang sabi niya sa akin.

"Aahhh, ganun ba?" ang sabi ko....

Pinagpatuloy na niya ang pagpapaganda kina Liana, Keiara at Keiana.



Time for us to say good bye....

Nandito kami ngayon sa lugar na paglilibingan nilang tatlo. Maayos naman ang pagkakaayos ni Fiona sa tatlo kong kapatid. Maganda naman ang mga dekorasiyon, masasarap na pagkain na hinanda ni Mom. Kumpleto kami ngayon, handa na at tinanggap na namin ang nangyari kahit labag iyon sa kalooban namin.

Baga pa man ilibing sila. Kumain muna kami at nag-alay ng makakain sa kanila.


Kahit na bata pa sila para mamatay, pero plano iyon ng Diyos at hindi natin iyon mapipigilan.

DIE YOUNG

Mamatay sila na maganda. Mamamaalam sila aa mundong ito na maganda at kaaya-ayang tignan. Masaya na rin ako dahil makakapagpahinga sila doon sa langit at magkakaroon sila ng maganda at panibagong buhay sa kabilang mundo.

DIE BEAUTIFUL


Farewell.....

Paalam na....

Tumulo muli ang luha ko dahil wala na sila. Oras na para sa pamamaalan nila. Bye!










--mr_dedenne--
Thank you for reading.

Wala na nga sina Keiara, Keiana at Liana. Nabawasan na sila Katara. Ano kaya ang susunod na mangyayari.

PLEASE: VOTE AND COMMENT
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Where stories live. Discover now