Chapter 9: Here We Go!

3.1K 145 5
                                    


"Katara! Hurry, nagsisimula na ang Coronation Celebration!" pagmamadali ni Korra sa akin.

"Mauna ka na doon, Korra" sabi ko sa kaniya.

"Ano ba iyang ginagawa mo?" tanong ni Korra sa akin.

"Basta! Mauna ka na doon" pagpilit ko sa kaniya.

"Bakit ka nag-iimpake, saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.

"Hahanapin ko ang kapangyarihan ko Korra!" sabi ko sa kaniya.

"Ano, kailangan bang umalis ka pa!" tanong ni Korra. "Ano iyan?" tanong ni Korra habang hawak ang libro.

"The Book of Clarity?" ano ito. Binuksan niya ang libro at nabasa niya ang tungkol sa paghanap ng kapangyarihan. "Sigurado ka bang totoo ito Katara!" Tanong ni Korra sa akin.

"Ang hiling ko naman ay huwag mo akong isusumbong kay Queen Olivia, please!" sabi ko sa kaniya. Kita ko naman na naguguluhan na siya.

Biglang may paparating...

"Korra?" rinig namin ang tinig ni Keiara. Parang hinahanap na si Korra.

"Katara?" ang sigaw naman ni Keiana. At ako naman ang hinahanap.

"Sige mauna na ako Korra. Baka kanina pa naghihintay sila Terri doon" pagpapaalam ko sa kaniya.

"Katara wait!" ang sabi ni Korra.

"Ikaw na ang gagawa ng palusot para sa akin, SALAMAT!" ang pakiusap ko sa kanila. Umalis ako , habang naiwan naman si Korra sa kinatatayuan niya. Dala- dala ko ang isang bag na punong- puno sa mga gamit ko. Ito lang ang paraang nalalaman ko Korra! Paalam...

******************

KORRA's POINT OF VIEW

Pagkatapos umalis ni Katara, mabilis namang dumating sina Keiara at Keiana.

"Korra, mabuti naman nahanap ka namin" sabi ni Keiana habang nakatiklop ang dalawang braso.

"Nasaan ba si Katara? Nakita mo ba siya? Kanina pa kayo hinahanap ni Queen Olivia" ang mga tanong ni Keiara. Hindi ko alam kung pagtatakpan ko si Katara o sasabihin ko na lang ang totoo sa kanila.

"Ganon ba? Hindi ko nakita si Katara eh! Sa katunayan nga hinahanap ko rin siya para sabay na kami sa pumunta sa Coronation Celebration!" ang pagsisinungaling ko para matakpan lang si Katara. Kailangan ko munang sundin si Katara lalo na't kawawa siya dahil hindi pa lumalabas ang kaniyang kapangyarihan.

"Ganun ba! Tara na kanina pa tayo hinahanap ni Mom!" sabi ni Keiara.

"Baka nauna na si Katara doon" sabi naman ni Keiana.

***************

KATARA's POINT OF VIEW.

"Katara!" ang sigaw ni Terri nang nakita niya ako na papalapit sa kaniya.

Nakita ko rin sina Gerome na nakaupo lang sa may malaking bato sa tabi at si Mateo na panay ngiti at pasulyap- sulyap sa akin.

Masyado na ba akong assuming?

Or I'm just, Ugh! Nothing!

"Buti naman hindi ka nahuli ni Queen Olivia!" ang sabi ni Gerome.

"Hindi nga, pero nakita ako ni Korra. Nakiusap naman ako sa kaniya na huwag niya akong isusumbong kay Queen Olivia" ang sabi ko sa kanila. Sana nga hindi magsusumbong si Korra!

"Teka lang saan ba tayo pupunta?" ang tanong ni Mateo. Ang akala ko sinabi na nila Terri at Gerome kung saan tayo pupunta hindi pa pala?

"Hindi mo pa sinabi?" ang tanong ko kay Terri.

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Where stories live. Discover now