Chapter 35: The Seven Stones.

1.5K 91 2
                                    

Maya-maya tumigil na sa wakas ang ulan. Kaya pwede na kaming maglakbay pero masyado ng madilim dahil ala sais na ng gabi.

"Katara? Saan ba makikita ang ikapitong gemstone? " ang tanong ni Mateo sa akin. Binuksan ko ang dala kong libro, binuklat ko ito sa pahina kung saan namin makikita ang Topaz Gemstone.

"Sabi dito sa libro, makikita raw ang Topaz Gemstone sa Seven Stones" ang pagkakabas ko sa libro.

"SEVEN STONES ika mo?" ang tanong ni Hanz sa akin. Nanlaki ang mata niya, halatang may alam siya patungkol dito.

"Bakit?"

"Ibig sabihin malapit na tayo sa Kaharian namin. Sa Kingdom of Veranda" ang sabi ni Hanz. "Ang Seven Stones kasi ang palatandaan na malapit na sa Veranda. Marami na rin ang sabi-sabi na may kayamanan daw doon, baka ang kayamanan na iyon ay ang Topaz Gemstone" ang sabi ni Hanz. Nabuhayan ako at nagkaroon ng pag-asa talagang hindi na kami maliligaw nito.

"It means, hindi na tayo magugutom dahil malapit na tayo sa kaharian ni Hanz?" ang masayang tanong ni Terri.

"Makakain na rin ako ng masarap" sabi naman ni Gerome.

"Ako makakapagpahinga na rin sa wakas!" ang wika ni Mateo.

"Magagawa niyo lahat iyan kapag makapunta na tayo doon!" Nakangiting sabi ni Hanz.

"Hanz?"

"What?"

"Alam mo ba Hanz kung saan ang daan papuntang SEVEN STONES?" tanong ko.

"I know it... before , pero sana natatandaan ko pa. Basta malapit na tayo" ang sabi ni Hanz.

"Pwes tayo na!" Ang kampante kong sabi.

"Wait Katara! Talagang pupunta na tayo e gabi na!" ang reklamo ni Gerome.

I know... alam kong gabi na pero para sa kanila lang naman iyon 'di ba? Hindi lang nila ako naiintindihan, okay ipaintindi ko sa kanila.

"GEROME--, para sa inyo rin naman ang gagawin natin dahil kapag ngayon tayo pupunta sa seven stones at makukuha natin ang Topaz Gemstone ng mabilis, e buong araw tayo magsiyahan bukas sa kaharian nila Hanz" ang pagpapaliwanag ko sa kanila. Sana naintindihan nila iyong paliwanag ko, minsan kasi ang slow nila.

"Parang magandang ideya iyan a." sabi ni Gerome habang nanlaki ang mata.

Amazing!

"Tara!" ang aniyaya ni Gerome. Siya pa talaga ang nag-anyaya sa amin huh!

Naglakad kami at si Hanz ang leader namin sa paglalakad dahil siya lang naman ang may alam kung nasaan ang Seven Stone. Saka hindi masyado malinaw ang pagkaka-illustrate ng libro tungkol sa SEVEN STONES.

"Parang dito lang iyon e. Nakapunta na kami sa Seven Stones at dito namin iyon nakita" ang hindi mawaring salita ni Prince Hanz.

"Nawawala ba kayo mga BATA?" tanong ng  matandang parang isang pulubi, may dalang sungkod na gawa sa kahoy, kahoy na parang pinulot lang sa tabi pero magandang kahoy. "May maitutulong ba ako sa inyo?" ang tanong ng matandang babae.

Lumapit ako sa matanda....

"Magandang Gabi po lola, nawawala po kasi kami. Hinahanap po namin ang SEVEN STONES. Alam niyo po ba kung saan ang daan? Alam niyo po bang may SEVEN STONES dito?" ang sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

"Seven Stones?" ang tanong niya. "Alam ko kung nasaan ang seven stones bakit? Bakit kayo pupunta doon?" ibinalik niya sa amin ang tanong. Aba! Hindi ko sasagotin ang tanong niya. Baka maging interesado siya kung, sasabihin kong may Gemstone sa lugar na iyon, baka hindi niya pa kami tulongan at magsolo na lang para maangkin ang gem na iyon.

"Basta po, saan po makikita?" ang tanong ko.

"Ipikit niyo ang mga mata ninyo at ihahatid ko kayo" ang sabi niya.

"Paano niyo po kami ihahatid kung nakapikit po kami? Madilim na po, hindi po namin makikita ang dinadaanan namin" ang sabi ko.

"Basta gawin niyo lang. Pagmulat niyo ng nandoon na tayo. Nasa SEVEN STONES na tayo" ang wika niya.

Wala namang mawawala kung susubukan namin 'di ba? Ewan ko ba sa matandang ito ang rami pang pakana.

Bakit kailangan pa namin ipikit ang mga mata namin?

Paano kami makakakita kung ipipikit namin ang mga mata namin?

Ano kaya ang gagawin niya sa amin?

"Sige na guys ipikit niyo na ang mga mata niyo. Wala namang mawawala sa atin kung susundin natin siya" ang sabi ko sa kanila.

"Okay!"

"Sige na nga!"

Pinikit namin ang aming mga mata. Tahimik ang paligid.... Malamig ang simoy ng hangin.... Madilim ang paligid.... Wala kibuan at pikit lang ng mata.

"Lola?" sabi ko. Ngunit walang sumagot...

"Lola?" Pangalawa. Wala pa ring sumagot sa ikalawang pagkakataon.

"Lola!?" Pangatlo na. Nilakasan ko na ngunit wala pa ring sumasagot.

We open our eyes and CHARAN! Magic! Nawala na lang bigla ang matanda. Ano iyon? Iniwan lang kami ng walang pasabi?

"Saan na iyong matanda?" tanong ni Terri habang tinitignan ang paligid pero wala kaming makitang matanda.

"I dunno e."

"Katara! Andito na tayo!" ang sigaw ni Hanz. Nakita ko ang pitong malalaking bato, iba't ibang hugis, iba't ibang sukat at iba't ibang uri ng bato. Ang ganda!

"WELCOME TO THE SEVEN STONES!" Sabi ni Hanz habang nakaturo ang palad niya sa SEVEN STONES.

"Wow! Hindi ko alam na ganito pala kaganda!" ang sabi ko. Nanlaki ang mata ko sa tuwa at pagkamangha. Ang ganda talaga ng lugar para kang nasa fantasy world.

Lumapit kami sa SEVEN STONES at nakita namin ang mga ano?

"Bakit may pitong Topaz Gemstone dito?" Ang sigaw ko. Bawat bato ay may nakapatong na SEVEN TOPAZ GEMSTONES. Pero isa lang ang tunay sa kanila.

"Saan sa kanila ang tunay na Topaz Gemstone?"



--mr_dedenne--

Thank you for reading!

Next chapter! May kakaibang mangyayari!

Are you ready for it?

PLEASE: VOTE AND COMMENT.
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon