Chapter 11: Who is he?

2.9K 147 5
                                    

"What did he just say?" Terri asked me. Parang nabigla at nagulat yata siya ng sinabi ng lalaki na HE IS A ROYAL, HE IS A PRINCE.

"Totoo ang narinig mo Katara. Huwag kang mag- aalala dahil hindi ka bingi" ang sabi ko sa kaniya habang hawak ko ang kanang balikat niya.

"Obvious naman oh! May espada siya sa kaniyang likuran" ang sabi ko. Ngayon ko lang napansin ang espada niya sobrang COOL!

"Baka naman ISA LANG SIYANG KAWAL" ang kontra ni Gerome. May naaamoy ako kay Gerome, amoy pagseselos.

"Sa GWAPONG iyan isa lang siyang kawal. Too Impossible" pagsalungat ni Terri.

Napangiti si.. sino nga ba siya?

"Ano nga ang pangalan mo?" ang tanong ko sa kaniya.

"Ahh! I'm Prince Hanz of Veranda" ang sagot niya. Oops, narinig ko na iyang Veranda noon, isa iyang kilalang kaharian ng mga kilalang royal family. Nakangiti na naman siya ulit.

Gumagwapo siya kapag nakangiti.

"Ang ganda naman ng espada mo?" ang puri ko sa espada niya. Napansin ko kasi iyong hawakan na may ionic style at saka napakakintab nito.

"Ahh! Ito. Binigay lang ito sa akin." ang sagot niya. "Ang ganda rin sa iyo!" ang sukling puri ni Prince Hanz.

"Ahh! Ito bigay rin ito sa akin" ang sagot ko naman sa tanong niya. "Sino ba ang nagbigay ninyan?" tanong ko ulit.

"Si King Anthon!" ang sagot niya. Ama niya ba si King Anthon. It means siya iyong nawawalang Prince. Kaya pala pito lang ang prinsepeng nasa palasyo ngayon.

"Anak ka ba ni King Anthon?" ang tanong ko sa kaniya.

"Nope! Kilala mo ba siya?" tanong niya sa akin sabay kunot ng kaniyang noo.

"Yes, the truth is, siya ay nasa palasyo namin ngayon" ang sabi ko.

"It means, you're a princess?", ang masiglang tanong ni Prince Hanz. Ngumiti na naman siya ulit. Hayy! Tama na sa pagngiti mo Prince Hanz dahil lalo akong nahuhulog. Nahuhulog na nga ba ako, Am I falling in love? Am I?

"Uhm! Yeah!" sagot ko.

"You're the daughter of Queen Olivia?" tanong ni Prince Hanz.

Naupo kami sa mga bato na malapit sa well.

"Yes!" sagot ko.

"Teka lang pano ka ba nahulog dito" tanong ko sa kaniya sabay turo sa well na kinahuhulogan niya.

PRINCE HANZ'S POINT of VIEW

Walo kaming magkakapatid, ngunit parang ako lang yata ang walang kapatid sa aming walo.

Ang totoo niyan inampon lang ako ni King Anthon.

17 years ago ng isinilang ako ng aking Mom na si Queen Elisabeth of Veranda at ang araw kung kailan ako isinilang ay araw din ng gulo at labanan ng aming kaharian na "Kingdom of Veranda" at ang kaharian ng "Kingdom of North" na pinamumunuan ng Reyna na si Queen Emilla.

Duguan ang labanan at marami ang namatay noon.  At ang malungkot pa doon ay ang dalawa sa mga namatay ay ang aking Mom at Dad na sina Queen Elisabeth at King William.

Si King Anthon ay kapatid ng aking Ama na si King William. Siya ang naging Hari ng napatay sa labanan ang aking Amang si King William. Ngayon I'm seventeen years old, then until now, I'm waiting a year para umabot ako sa 18 years old para maging hari ng Veranda lalo na't may balak na maging hari si King Anthon sa inyong kaharian.

Isang araw...

"Tawagin ang walong prinsepe at ipapunta sila sa Kaharian ng Valor." ang utos ni King Anthon sa mga utusan.

Nauna na nga si King Anthon at handa na kami na sumunod sa Kaharian ng Valor.

Kaming walong magkakapatid ay sabay pumunta patungo sa kaharian ngunit sa kasamaang- palad. 

Hindi ko alam na may masamang pagtatangka pala sina PRINCE; Albert, Brendon, Carlos, Daniel, Elbert, Felbert at si Gerald sa akin.

Nang umabot kami dito, nagtraydor sila sa akin. Pinagtutulongan nila ako, hanggang hinulog nila ako dito sa well na ito.

Hindi ko maintindihan bakit nila ako ginaganito, wala naman akong ginagawa sa kanila. Buti na lamang dumating kayo.

*************

"Kaya pala nahulog ka sa well dahil sinadyang hinulog ka ng mga step brothers mo" ang wika ko. "Okay lang iyan, pareha naman tayo inaapi rin ako ng mga nakakatandang kapatid ko kaya sana naman huwag kang mawalan ng pag- asa" ang payo ko sa kaniya.

"Salamat ulit!" sabi niya.

"Okay lang, Prince Hanz" ang pahabok na sabi ni Terri.

"Ahamm!" ang panamang senyas ni Gerome.

"May powers ka rin ba gaya ng mga kapatid ni Katara?" ang masayang tanong ni Terri. Oo nga noh? Kanina pa kami nag- uusap ngunit hindi ko man lang nabanggit ang tungkol sa kapangyarihan ng mga maharlika.

"Katara pala ang pangalan mo, ang ganda" ang puri ni Prince Hanz. " gaya mo" ang pahabol niyang sabi ngunit hindi ko medyo narinig kasi masyadong mahina ang pagkakasabi niya.

"Ano iyong sinabi mo?" ang tanong ko. Gusto ko marinig muli iyon kahit isang beses lang. Ang ganda kaya pakinggan na may pumupuri sa iyo lalo na kapag patungkol ito sa pisikal na kaanyuan.

"Ano iyong tanong mo kanina, at sino ka nga pala?"  ang tanong ni Prince Hanz kay Terri.

"Ha?" ang sabi ni Terri, bumingi na naman si Terri.

"Tanong mo raw ta's pangalan mo" ang sabi ko kay Terri.

"Ako nga pala si Terri" ang pagpapakilala ni Terri. "Sila nga pala si Gerome at si Mateo" pagpapakilala naman niya kina Gerome at Mateo.

"Ahh!"

"Ang tanong ko, May powers ka rin ba?" ang tanong niya ulit pero mas klaro pakinggan kumpara kanina.

"Ahm! Actually, Yes!" sagot ni Prince Hanz.

"Magaling lang iyan dahil may powers siya" ang mahinang sabi ni Gerome. Talagang nagseselos na talaga ito si Gerome.

"Ano ba ang powerful powers mo? What kind of Quirk?" ang tanong ko.

"It's Knives Quirks" ang sagot niya. "Kaya kong magpalabas ng mga matutulis na kagamitan gamit itong espada ko"

"Awesome!"

"Tanong ko lang, may tubig ba sa baba. Kanina pa kami nauuhaw eh!" ang tanong ni Terri.

"Kanina pa tayo nauuhaw o kanina ka pa nauuhaw? Huwag mo kaming idamay Terri. Ikaw ang kasalanan kung bakit naubos ang tubig natin at at kung bakit hanggang ngayon nauuhaw ka pa rin" ang sabi ko kay Terri.

"Yes! May tubig doon. Buti nga may bato doon sa baba kung hindi natapakan ko na ang malinis na tubig doon" sagot ni Prince Hanz.

"Buti naman.."

Nag- igib nga kami ng tubig mula sa well. Kaya hindi na kami mauuhaw at hindi na rin uubosin ni Terri ang tubig. Sana nga hindi niya ito uubosin! Sana nga?

Napansin kong kanina pa tahimik si Mateo. Nagseselos nga ba siya?

Wait masyado na akong assuming ngayon!

Eh! Parang gusto nga niya si Korra eh!

Ano kaya ang iniisip ni Mateo ngayon..



--mr_dedenne--

Chapter 12: The Beginning of Our Journey.

Thank you for reading!

Good Luck!

PLEASE: VOTE AND COMMENT.
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Where stories live. Discover now