Chapter 45: Ruby & Garnet Gemstone, The Two Ferocious Gemstones.

1.3K 72 2
                                    

"Is that the..."

"Yes, tama ka Mateo. Iyan na nga ang huling dalawang gemstones na kukumpleto sa sampung Gemstones na hinahanap natin" ang sabi ko sa kaniya. Laki ang itinuwa ni Mateo dahil sa magandang balita. Sino ba naman ang hindi matutuwa? Sa kay tagal namin naglakbay at hanapin ang sampung gemstones, sa wakas makukumpleto na namin iyon.

"The Ruby Gemstone, the Gem of Fire" ang wika ni Prince Hanz habang tinitignan ang Ruby na nakadikit sa bato.

"And the Garnet Gemstone, the Gem of Darkness" ang dugtong ko naman. Tumingin ako sa kaniya, at nakita ko ang masaya niyang ngiti.

"Ano pa ba ang hinihintay natin? Tara na! Kunin na natin, Time is like Gemstones, di ba?" wika ni Mateo na parang hindi na makapaghintay at nais ng hawakan ang dalawang gemstones. Na parang pinagnanasaan o pinagpapantasyahan, ewan ko sa kaniya.

Nagulat na lang ako ng tinangka niyang kunin ang dalawang gemstones. Buti na lamang nahagip agad ni Prince Hanz ang kamay niya. Talagang hindi talaga nag-iisip si Mateo, Baka ano pa ang mangyari a atin kung hindi siya nag-iisip.

"Mateo wait!" sigaw ni Hanz habang nakuha na ang kamay ni Mateo. Buti na lamang.

"Why? What's wrong? Anong mali sa ginagawa ko. Nagsasayang kayo ng oras e. Bakit hindi pa kinukuha ang mga gems na ito, kanina pa kayo tingin-tingin dito. Ano ba?" ang hindi mawaring wika ni Mateo. Sasagot na sana ako ng bigla na lamang nagpaliwanag si Hanz kay Mateo.

"Hindi mo ba naisip Mateo?" tanong ni Hanz na para bang hinihintay ang sagot ni Mateo. Bakit di na niya sinabi agad? Dami pang pakana.

"Ang ano?" ang tanong ni Mateo. Nangunot ang kaniyang mukha, nakasalubong ang kaniyang kilay, at hindi ko maipaliwanag ang kaniyang mga mata.

"Na baka mapahamak tayo sa ginagawa mo. Maaaring guguho itong lugar na ito o sasabog ulit ang bulkan lalo na't nasa loob tayo. Delikado na baka mahulog pa tayo saka masunog pa tayo sa nagliliyab na lava at magma sa ibaba" ang mahabang paliwanag ni Prince Hanz. Natahimik naman si Mateo, na parang ngayon pa niya na realize ang ganun na ideya.

"Ahh! Okay" ang matipid na sagot ni Mateo. Ewan ko sa kaniya.

"Tama na nga iyan." ang pagputol ko sa usapan nila. Alam niyo na baka umabot pa sa away. Mas mabuti nang ako na lanh ang titigil sa kanila.

"Okay, so ano na? Ano na ang gagawin natin? Tutunganga lang ba tayo dito? Maghihintay na lang ba tayo ng himala? O di kaya ay FOREVER? Hanggang kailan ba tayo maghihintay" ang maraming reklamo at tanong ni Mateo. May point naman siya doon, kanina pa kami nakatayo sa harapan ng dalawang gems. At naghihintay lang ako kay Prince Hanz kung ano ang susunod naming kilos. Ano kaya ang gagawin namin? Ano kaya ang iniisip ni Prince Hanz?

Bigla na lang nag-iba ang mukha ni Prince Hanz at naging kaaya-aya itong tignan dahil sa ngiti niyang nakabibighani.

"Ano may naisip ka na?" ang tanong ko kay Prince Hanz.

"Yes!"

"Ano iyon?"

"May dala ba kayong patalim?" ang tanong ni Prince Hanz.

"Meron ako dito." ang sagot ni Mateo. Kinuha niya mula sa kaniyang bag ang sickle at knife na sa tingin ko ay iyon ang binili nila noong bumili sila nh kahit ano sa Department Store sa Ice Floe. Malaki rin ang naitulong sa pagnanakaw nila ng kayamanan sa Pyramid of Gaza, buti na lang hindi sila ginambala ni King Khufu. Agad niya binigay ang isang sickle kay Prince Hanz at ang knife naman ay hawak pa niya. Ako lang ang walang hawak ngayon. OP (-_-)

"So... ano ang maitutulong ko?" ang tanong ko sa kanila. Sila lang ang may hawak na patalim e. Siguro kukutkutin nila ito para makuha ang dalawang gem na nakadikit sa bato. Pero dahan dahan lang ha! Baka mabigla at yumanig na naman.

"Huwag na kanang tumulong Katara, malaki na ang natulong mo. Hayaan mo na lanh kami na gawin ito para sa iyo" ang sabi ni Prince Hanz sa akin. Wala na akong magagawa. Sige!

"K fine"

"Ano ang gagawin natin Hanz?" ang tanong ni Mateo kay Hanz habang hawak-hawak ang knife, halatang excited na mahawakan ang gem. Bakit kaya excited siya? Isang gem lang naman iyon? Saka pinahiram ko naman siya noon. Yeah! Naalala ko nga na gusto niya ang Ruby Gemstone. Okay!

"Ako bahala sa Garnet Gemstone, at ikaw naman sa Ruby, Mateo" ang plano ni Prince Hanz. Nag-uusap sila habang ako parang may ibang mundo. OP! (+_+)

"Okay!" sabi ni Mateo. Agad naman siya kumilos at nagsimula ng...

"Wait Mateo" ang sigaw ni Prince Hanz. Pinigilan na naman niya si Mateo. Bakit kaya?

"Ano na naman!?" ang sigaw na tanong ni Mateo.

"Huwag kang basta-basta kumilos ng hindi nag-iingat dahan-dahan lang." sabi ni Prince Hanz.

"Okay!"

"Duh!"

Nagsimula ng kumilos silang dalawa. At hindi ko maiwasang mag-alala baka may maling magawa si Mateo. Hindi ko naman sinasabi na wala akong tiwala kay Mateo pero naninigurado lang ang tao. Para sa ikabubuti lang namin ito.

Pagkalipas ng ilang minuto sa paghihintay sa kanila.

"Done!" ang masayang sabi ni Hanz. Payapa niyang kinuha ang Garnet Gemstone nang walang masamang nangyari.

"Hindi ka pa tapos Mateo?" ang pagtatakang tanong ni Hanz kay Mateo.

Napansin ko naman si Mateo na malapit na makuha ang Ruby Gemstone. Bakit kaya nahuli siya? Siya pa nga ang nag-aatubili kanina!

"Di ba sabi mo dahan-dahan lang." Ang sagot ni Mateo kay Hanz. Tama naman siya.

"Well, bilisan mo na diyan Mateo dahil kanina pa naghihintay sina Terri at Gerome doon" ang wika ko kay Mateo. Binilisan nga niya ang pagkuha ng Ruby Gemstone.

"Wait! Dahan-dahan lang!" Sigaw ni Prince Hanz.

Hindi tumigil si Mateo sa pagkuha sa Ruby at patuloy lang ito. Hanggang...

"Hay! Sa wakas natapos na rin"  sabi ni Mateo. Hawak na niya ang Ruby Gemstone. Ilang sandali.

"Uh-ooh!"

Bigla na lang yumanig at pang sasabog na ang bulkan...

"Takbo!"

Tumakbo nga kami, as fast as we can.. Kung nag-ingat lang sana si Mateo, tigas talaga ng ulo. Ang kailangan naming gawin ngayon ay ang makalabas sa lugar na ito.


Natagpuan namin sina Terri at Gerome na naghihintay. Nagtaka sila kung bakit yumayanig na naman.

"Anong nangyari?" ang nakakunot na na tanong ni Terri.

"Mamaya ko na lang sasabihin sa iyo. Tumakbo na kayo palabas. Dali!" utos ko sa kanilang dalawa.

Tumakbo na nga silang dalawa.

Makakalabas pa kaya kami?

Mabubuhay pa kaya kami?

Makakauwi pa kaya ako?




--mr_dedenne--

Thank you for reading!

Ano kaya ang susunod na mangyayari? Maliligtas kaya sila? Mababawasan kaya ang grupo? Oh! No.

PLEASE: VOTE AND COMMENT
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Where stories live. Discover now