Chapter 20: Department Store on the Ice Floe.

1.9K 112 0
                                    


Guys maglalakbay na tayo papunta sa Ice Kingdom para hanapin ang ikaapat na gemstone ang Aquamarine Gemstone of Ice Quirk.

"Guys, kailangan natin ang mga makakapal na mga damit gaya ng mga jacket para sa panlaban sa lamig" ang sabi ko sa kanila.

"Saan naman tayo maghahanap ng mga makakapal na damit aber?" ang tanong ni Terri.

"Hindi ko alam, kaya magdasal kayo na makakita tayo ng isang department store" ang sabi ko sa kanila.

"Sige magdadasal kami na may department store sa lugar nito! Katara hindi mo ba naisip? May magtatayo pa ng Department Store sa lugar na ito nga wala ngang taong dumadaan dito eh!" ang tanong ni Terri.

"Ano ba ang tingin mo sa akin Katara? Ano ka ba? Anong walang taong dumadaan dito eh, ano tayo? Unggoy?" ang sabi ko sa kaniya.

"Tao!" ang sabi niya.

"Iyon pala eh!" ang sabi ko. "Walang imposible sa mundong ito Terri, ang kailangan mo lang gawin ay ang maniwala. Kaya't magTRUST ka muna" ang dagdag ko.

"Okay sabi mo eh!" ang sabi ni Terri sa akin.

Naglakad na kami hanggang...

"Nararamdaman niyo ba ang nararamdaman ko?" Ang tanong ko sa kanila.

"Ang ano?" ang tanong ni Terri habang nakatingin sa malayo.

"Unti- unting lumalamig ang temperatura" ang sabi ko sa kanila.

"Ibig sabihin ba niyan ay.." sabi ni Gerome.

"Yes Gerome, ibig sabihin malapit na tayo sa pupuntahan natin. Makakarating na rin tayo sa.." ang naputol kong sabi ng biglang uminsert si Terri.

"Sa NORTH POLE? " ang tanong ni Terri.

"Anong North Pole? 'Di kasasabi ko pa lang na pupunta tayo sa Ice Kingdom para hanapin ang Aquamarine Gemstone" ang sabi ko kay Terri. Ito talaga si Terri, hindi nakikinig sa akin.

"Akala ko kasi makikita ko na si Santa Clause" ang wika ni Terri.

"Sa ngayon, kailangan nating maghanap ng makakapal na damit dahil mas lumalamig na ang klima sa lugar na ito" ang sabi ko.

"I wish!" ang sabi ni Terri.

Is it possible na makakakita pa kami ng Department Store dito?

May kutob ako eh!

"Katara!" ang sigaw ni Prince Hanz sabay turo sa lugar na may..

"What a miracle! Sabi ko sa inyo eh! Walanh imposible ang kailangan lang natin ay ang maniwala" ang sabi ko sa kanila.

"Ang tanong, Paano tayo makakapunta doon? Eh! Nakatayo ang Department Store sa isang Ice na palutang-lutang sa tubig, Or should I say DEPARTMENT STORE ON THE ICE FLOE" ang sabi ni Terri.

"Terri, 'di ba nga sabi nila kung ano ang bunga siya rin ang puno"  ang sabi ko.

"Eh! Paano nga?" ang tanong ni Terri.....

"Simple, kung ano ang ginamit nila para makalutang ang Store ganun din ang gagamitin natin para lumutang rin tayo" ang sabi ko sa kanila.

"Ang ibig mong sabihin sasakay tayo sa isang floe? Gagawin nating banka ang mga ice?" ang tanong ni Gerome.

"Tumpak!" ang sabi ko.

"Paano kung matunaw ang Ice?" ang tanong ni Terri.

"Terri, matagal matunaw ang Ice dito dahil napakalamig ng klima at saka malapit lang naman oh! Mga sampung sagwan lang natin makakaabot na tayo" ang sabi ko. Ang dami pang tanong ni Terri.

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Where stories live. Discover now