Chapter 14: The Great Pyramid of Gaza.

2.5K 120 5
                                    


"Buti na lamang hindi tayo nahirapan ng husto sa paghahanap ng Peridot Gemstone." ang sabi ko.

"At buti na lamang nakahuli tayo ng elf. Malaki ang pasasalamat natin sa kaniya" ang pagpapasalamat ni Terri.

"Terri, dwarf iyon. Di ba sabi ko magkaiba ang dwarf sa elf. Remember?" ang paalala ko kay Terri.

"Suss! Katara parang ganun na rin iyon. Ganun na rin ang tinutukoy ko" ang sabi ni Terri na waring naguguluhan na kung ano ang  pagkakaiba ng elf sa dwarf.

"Ganun?"

"Katara, so ano na ang sunod?" ang tanong ni Mateo na parang excited na. Nais siguro niyang magpakitang gilas kay Hanz.

"Ang sabi dito.. the second gemstone is Emerald Gemstone" ang pagbasa ko ng libro.

"Emerald? Hindi ba Gemstone of Earth Quirk iyan?" ang tanong ni Gerome.

"Tapos na tayo sa Forest, so Earth na naman. Mag-expect na kayo ng mga lupa, buhangin at putik" ang sabi ko sa kanila. "Talagang magiging exciting ito" ang dagdag ko.

Binasa ko ang libro at may nakasulat na...

Expect the unexpected...

Next Destination; Desert of Gaza.
The Emerald, The Hot Treasure of Desert.

"Desert of Gaza? Narinig ko na iyan" ang pagkagalak na sabi ni Gerome

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Desert of Gaza? Narinig ko na iyan" ang pagkagalak na sabi ni Gerome.

"Ano ang narinig mo dito" ang tanong ko naman.

"Sabi nila mahirap raw makaalis sa lugar na iyon dahil sa sobrang init. Imposible raw na may makaalis pa doon. Pumupunta ang mga tao sa lugar doon dahil makikita roon ang isang PYRAMID, The Great PYRAMID of GAZA na puno ng mga kayamanan. At doon rin makikita ang hinahanap natin na Emerald Gemstone" ang wika ni Gerome. "But wait, may sabi- sabi rin daw na maraming multo at espiritong gumagala sa loob ng PYRAMID." dagdag ni Gerome.

"So tutuloy pa ba tayo?" ang tanong ko sa kanila.

"Game! Nandito na tayo eh!" sabi ni Terri.

"Sama rin ako, basta kasama ko si Terri." ang sweet na wika ni Gerome.

"Sama ako syempre!" sabi ni Mateo.

"Walang problema. So shall we?" tanong ni Hanz my Prince.

Let's go!!!

Naglakbay nga kami papunta sa Desert of Gaza. Habang naglalakbay napag-isipan naming magkuwentuhan para naman mas makilala namin ang isa't isa at para hindi na rin maging boring ang adventure or journey namin.

"Desert of Gaza? Tao ba iyan si Gaza?" ang tanong ko.

"Oo nga noh? Ano Gerome?" ang tanong ni Terri, akalain niyo iyon naging interesado rin si Terri sa tanong ko.

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon