Chapter 42: The Biggest Guest; The New Queen

1.5K 89 0
                                    

Third Person: Point of View
[Prince Elbert and Prince Felbert]


"Ano!?" ang sigaw ni Prince Elbert. "Anong sabi mo? Nakita niyo si Prince Hanz na pumunta dito?" ang sigaw ni Prince Elbert. Nakayuko lang ang mga utusan na nakakita kay Prince Hanz na pumunta sa kaharian nila.

"Paano natin sasabihin kay King Anthon na hindi natin nahuli si Prince Hanz? , siguradong magagalit iyon dahil sa kapabayaan natin!" ang sabi ni Prince Felbert.


Malaki ang problema na hinaharap ng dalawang prinsipe ngayon. Paano kaya nila sasabihin kay King Anthon?


"Hindi natin pwede sabihin kay King Anthon ang totoo" ang mahinahon na pagsalita ni Prince Elbert. Pero paano kung malaman ni King Anthon ang totoo? Siguradong patay sila nito.


"Ano magsisinungaling tayo?" ang tanong ni Prince Felbert.


"Exactly!"

Prince Gerald's Point of View.
[At the Kingdom of Valor]


"Sabihan niyo ang mga alipin at utusan! Magluto ng masasarap na pagkain! Maglinis sa buong kaharian dapat walang alikabok na matitira! Bilis!" ang sigaw ni King Anthon. Ano kaya ang nangyari? May okasyon ba? Bakit bigla na lang siya nagkaganun?

"Ano po ba ang meron ngayon?" ang tanong ko kay King Anthon. Sa halip na si King Anthon ang sumagot, si Prince Albert mismo ang sumagot. Ewan ko ba! Bakit siya ang sumasagot sa tanong ko, hindi naman siya ang tinatanong ko 'di ba?

"Ngayon kasi dadating ang bagong reyna. New King and New Queen of Valor" ang sabi ni Prince Albert. Hala! Ngayon na pala darating ang bagong reyna, Queen Emilla?

Natahimik na lamang ako at nag-antay. Ang hirap din nitong sitwasyon ko. Ayaw kong gumawa ng masama pero ako ang mapapahamak kung hindi ako susunod kay King Anthon.

Queen Olivia's Point of View.
[Inside the Prison]

Ilang sandali may dumating na isang babae at isang lalaki sa aming selda. At sila Marga at Steve pala ang dumating. Buti naman nasa amin pa rin ang tiwala nila, sila kasi ang mapagkakatiwalaan kong tagasunod at isang prophesier. Kita ko ang kanilang mukha na parang may masamang balita.

"Queen Olivia!" ang sambit nila pareho sabay bow. Alam kong wala na ako sa inuupuang trono pero nandiyan pa rin sila para suportahan ako at tulungan.

"Anong sadya ninyo dito? Baka mahuli kayo at makulong gaya ng nararanasan namin ngayon!" ang wika ko. Paano na lang kung mahuli sila dahil sa akin? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mangyari iyon.

"Patawad po kung hindi namin kayo matutulongan. Pero may balita po kami sa inyo!" ang sabi ni Steve. Ano kaya ang balita? Sana naman positive, pero parang malabo dahil sinasabi ng mga mata nila na masamang balita ay isisiwalat nila.

"Ano? May namatay ba? Pinatay ba ng hayop na Anthon na iyon ang mga tao?" ang tanong ko sa kanila.

"Dadating si Queen Emilla dito. May narinig ako sa mga prinsipe na magiging reyna raw si Queen Emilla sa mismong kaharian natin!" ang sagot ni Marga. Tama nga ang hinala ko, talagang maghahasik na rin ng lagim ang bruhang iyon.

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora