Chapter 32: Don't Cover the Light.

1.6K 94 0
                                    

"Anong gemstone na ang isusunod?" ang laging itinatanong ni Mateo sa akin sa tuwing matapos naming makuha ang isang gemstone.

"Kukunin na natin ang Treasure of Light, the Citrine" ang sagot ko naman.

Gamit pa rin namin ang sinasakyan naming Pegasus dahil matatagpuan namin ang Citrine sa itaas, or should I say sa alapaap.

"Iyan ba ang Citrine?" ang tanong ni Terri nang makita niya ang isang bagay na lumiliwanag sa itaas.

"Araw lang iyon!" ang kontra naman ni Gerome. "Dami mong nakikita at napapansin, e ako napapansin mo ba ako?" ang hugot ni Gerome.

"Ewan ko sa iyo!" ang sabi ni Terri. Alam kong may relasyon iyang dalawa, masyado lang manhid itong si Terri.

"Saan ang tinutukoy mo Terri?" ang tanong ko habang tinatanaw ang nakikita ni Terri.

Tinuro ni Terri ang nakitang bagay na naiwanag sa itaas. At totoo araw iyon pero kakaiba siyang araw, mas maliit, hindi masyado maliwanag kumpara sa ordinaryong araw, at saka hindi rin mainit ang lamig nga e dahil sa hangin. Tanging nakakasilaw lang ang araw na ito.

"Halika puntahan natin, malay niyo tama si Terri" ang pagsuporta ko kay Terri para hindi naman siya mapahiya.

Lumapit kami sa nasabing araw, akalain niyo iyon hindi kami nasunog at mas maliit la sa amin ang araw. Ngunit iyon pala hindi siya isang araw kundi ang Citrine Gemstone mismo ang nagliliwanag.

"Totoo nga!" Ang sabi ni Gerome.

"Sabi ko sa inyo e. Hindi kasi kayo naniniwala sa akin" ang sumbat ni Terri.

"Akalain niyo iyon dito lang pala natin mahahanap ang Citrine Gemstone. At saka hindi pa tayo nahirapan. Ang swerte natin ngayon huh!" ang sabi ni Mateo. Habang nakangiti ng abot sa tenga.

"Buti na iyon, mas mapapadali ang paglalakbay natin saka pang-anim na natin 'to kailangan natin makumpleto ang sampung Gemstones sa lalong madaling panahon" ang mahinang sabi ni Hanz. Chill lang!

"Oh! Ano kukunin ko na ba?" ang sabi ko sa kaniya. Mas mainam na magtatanong muna ako bago gagawa ng desisiyon gaya noong ginamot ko ang mga kapatid ni Hanz na ang dahilan ng ikinagalit at ikinatampo niya sa akin. Ayoko nang maulit ang ganong eksena no?

"Wait! Pwede bang ako na lang ang kumuha Katara? Naiignorante kasi ako e." ang request ni Terri.

"O sige!" ang masaya kong pagsang-ayon.

Binukas ni Terri ang kaniyang dalawang kamay para kumilos at magsagawa ng kilos na kukunin na ang Citrine. Ngunit nang papapit na ang kamay niya sa Citrine ay may taong humadlang sa ano namin.

"Huwag! Don't do that!. Don't Cover the light. Stop. I said don't cover the light!" Ang sigaw ng babaeng may pakpak. Is she? Angel ba siya?

"Are you an angel?" ang tanong ni Mateo sa babaeng may pakpak.

"Yes, I'm Angel Lina" ang sagot ng babae. Parang nahulog na ulit yata itong si Mateo.

"Nasa langit na ba ako?" Ang pabebebg tanong ni Mateo.

"Hindi pa, susunduin ka pa nga niya o." ang pilosopo kong sagot. Parang baliw.

"Excuse me, what are you talking about? What do you mean?" ang tanong ni Prince Hanz kay Angel Lina. Hindi na ako nagtanong e inagaw niya ang tanong ko e.

"Hindi niyo pwede kunin ang Citrine Gemstone unless." ang naputol noyang sabi e kasi  bigla akong nag-insert e.

"Unless what?" I asked curiously.

"Unless, maibalik niyo ang totoong araw" sabi niya.

"Saan ba ang tunay na araw?" ang tanong ko.

"Andoon oh!" tapos turo sa lugar na tinutukoy niya. "Doon, natakpan ang araw ng mga maiitim at makakapal na ulap. Kaya tanging Citrine Gemstone na lang ang umiilaw sa buong mundo" ang sabi niya.

"Bakit hindi namin alam ito. Sino ba ang gumawa nito?" Ang tanong ko.

"Bawal daw ikalat sa buong mundo na nawawala ang araw. Baka raw matakot at mawalan ng pag-asa. Nag-umpisa ang trahedyang ito ng dumating si Queen Emilla at nagtangkang nakawin ang Citrine Gemstone at pati na rin agawin ang trono ng Reyna namin" sabi niya. Talagang marami ng nabiktima at kasalanan itong hayop na Emilla.

"Sige tutulongan namin kayo ngunit sa isang kondisyon!" ang sabi ko.

"Alam ko ang kondisyon mo, ang ibigay sa inyo ang Citrine Gemstone right?" ang tanong niya. Marunong rin pala manghula itong babaeng ito a. Huwag na siyang maging anghel
manghula na lamang siya. Haha!

"Madali naman kaming kausap e." sabi ko.

"Sa lalong madaling panahon, sana masauli na ang araw na matagal na palang nawawala" ang sabi niya.

"Okay, gagawin na namin" ang sabi ko tapos nakahanda na kami para maglakbay muli.

Lumipad ang Pegasus papunta sa tinutukoy niyang lugar na may maitim, makapal at malking ulap.

Makukuha na namin ang Citrine Gemstone!

Malapit na makumpleto....

"Bye! Angel Lina" ang pahabol namin.

Kaya namin ito!




--mr_dedenne--

Thank you for reading!

Next chapter makukuha na kaya nila ang Citrine?

Ating tunghayan, lavya readers.

PLEASE: VOTE AND COMMENT.
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon