Chapter 27: The Race to Win

1.5K 93 0
                                    

Mateo's Point of View.
[In the Arena, sitting on the benches together with Terri and Gerome]


"Buti naman nakaabot ka at mabuti na rin sa iyo dahil natakasan mo ang malanding babae kanina na in love na in love sa iyo. Hanep! Ang gwapo mo ngayon huh!" ang sabi ni Terri sa akin sabay sinisira at ginugulo ang buhok ko.

"Oh! Ito na guys, magsisimula na ang karera kaya tumahimik na kayo at manood sa karera nina Katara at Hanz" ang sabi ni Gerome na abala sa panonood ng paligsahan kahit hindi pa naman nagsisimula.

"Saan ba si Katara diyan?" ang tanging tanong ko. Sampu lahat ang sumali sa paligsahan at kasama na sila Katara at Hanz sa sampung iyon. It means may possibilities na 20 percent na mananalo kami.

"Si Hanz iyong nakasakay sa Pegasus number 7" ang sagot ni Terri sa akin kahit hindi ko naman itinanong kung saan si Hanz.

"Si Katara naman ang sumunod kay Hanz, nakasakay si Katara sa Pegasus number eight" ang sagot ni Gerome sa tanong ko. Ilang sandali nagsimula ng magsalita ang M.C. at it means magsisimula na ang karera.

Princess Katara's Point of View
[On the race, on the floor, on the winning place]


Bago magsimula ang karera, ipapakilala muna natin ang mga manlalaro.

Prince Heron of Madonia...

Prince Genome of Authens...

Prince Harold of Gergia...

Prince Ian of Belice....

Prince Kian of Khazaks...

Princess Melody of Sky Castle. [Nagsigawan ang lahat ng narinig nila ang pangalan ni Princess Melody, syempre kababayan nila iyan eh. Pero maraming sabi-sabi na si Princess Melody ay may dalawampu at  dalawang panalo sa karerang ito at wala pa siyang talo. So siya pala ang mahigpit kong makakalaban. Pwes! Hanggang 22 wins lang siya at bibigayan ko siya ng isang talo.]

Prince Hanz of Veranda....

Oh! There's another princess.. Princess Katara of Valor..

Prince Joseph of Bethelem....

And Prince Jeron of Jordam....

Oras na ngayon para mag-umpisa sa paligsahan agad nagbilang hanggang tatlo ang M.C. saka sumigaw ng go! Ready...  1 . 2 . 3 .  Go!!!

As the host mentioned the word go, we directly start raining our Pegasus. Nakita ko na lang na nauna na si Princess Melody. Napakalibis ng paglipad ng sinasakyan niyang Pegasus at hindi ko ito mahabol.

Napaka-intense ang laban at gaya nga ng inaasahan, nangunguna pa rin si Melody.

"Cold Fire" ang sigaw ng isang Prinsipe na si Harold. Umatake siya ng isang kulay asul na apoy na papunta kay Melody. Ngunit gaya nga ng inaasahan ng mga manood, gumanti si Melody at nagpalabas siya ng isang maputing hangin na patalikod ito umatake hanggang natamaan ang kaniyang Pegasus, nasaktan ang kaniyang Pegasus kaya nagwawala ito at ito ang dahilan sa pagkakahulog ni Prince Harold sa kaniyang Pegasus.

"Prince Harold of Gergia is OUT" ang sigaw ng M.C. habang patuloy sa pagsusubaybay sa laban.

Patay ako nito, ako lang ang walang kapangyarihan. Hindi ko naman pwedeng gamitin ang mga Gemstones na nakuha namin. Ano na ang gagawin ko?

"Mag-ingak ka na Melody dahil ikaw na ang susunod na maa-out!" ang mahambog na sabi ni Prince Heron.

"Iyon ang akala mo huwag kang manigurado!" ang sabi ni Melody. Pinangunahan niya si Heron ,umatake siya ng isang makapal na ulap, dahilan ng hindi makakita ang Pegasus ni Heron. Gaya nga nang nangyari kay Harold, nagwala rin ang Pegasus niya at nahulog rin siya. "Huwag ka kasing kampante!" pahabol na sabi ni Melody kay Heron ng unti-unti na itong bumabagsak sa ibaba. Hindi naman masakit ang pagkakahulog nila dahil isang tubig naman ang huhulugan namin. Kaya safe kaming lahat nust in case na mahulog kami.

"Prince Heron of Madonia is OUT" ang wika ng M.C.

Nangunguna pa rin si Melody sa laban. Patuloy pa rin sa paglipad ang aming mga sinasakyan na Pegasus.    At sunod sunod ang pagkakahulog at pagkatalo ng iba pang manlalaro.

"Prince Genome of Authens is OUT" ang sabi ng M.C. sunod sunod ang mga pangyayari, sunod sunod ang mga matatalo at mabuti naman hindi pa kami natatalo ni Hanz.

"Prince Ian of  Belice is OUT" ang kasunod naman na natalo ni Melody. Napansin ko na lahat ang mga manlalaro ay kinakalaban si Princess Melody. At sila naman lahat ay natalo ni Melody. Parang matagak na sumasali ang mga prinsipe sa ibang palasyo. Halos inangkin na lahat ni Melody.

"Prince Kian of Khazaks is OUT" ang sabi ng M.C.

Unting-unti ng nauubos ang mga manlalaro at buti naman kami ligtas pa. Masyadong magaling at makapangyarihan si Melody kaya mahirap siyang talunin.

"Prince Jeron of Jordam is OUT" ang wika ng M.C. Hinala ko kaming dalawa ang ititira ni Melody dahil kami lang naman ang baguhan na sumali dito sa paligsahan, karera ng mga Pegasus.

Napakaraming taong humahanga sa kagalingan ni Melody. Pero kapag matatalo ba namin siya, mawawala ang lahat ng iyon?

"Prince Joseph of Bethelem is OUT" ang huling manlalaro maliban sa amin ni Hanz. Talagang tama ako, kaming dalawa ang tinira ni Melody dahil kami mismo ang mga baguhan dito. Akala niya siguro na lampa ako, hindi ako lampa at alam kong matatalo kita Melody.

Tatlo na lang ang natira sa paligasahan, ako , si Prince Hanz at ang natatanging kalaban namin na si Melody.

"Huwag kayong mangarap na mananalo kayo sa laban na ito, pangarap lang iyon, hindi iyon magkakatotoo" ang wika ni Melody sa amin.

"Huwag kang magkampante Melody baka iyan pa ang ikatatalo mo." Ang sabi ko kay Melody..

Napapansin kong tahimik pa rin si Prince Hanz. Hindi kaya nagtatampo pa rin siya sa akin? Hindi kaya ay nagagalit siya sa akin dahil sa ginawa kong hindi kanais-nais sa kaniyang puso.

"Oh! Baby boy. Parang natatakot ka, huwag kang mag-aalaal dahil hihinaan ko lang ang pag-atake sa iyo" ang mahambog na salita ni Melody. Grabe!

Tahimik pa rin si Prince Hanz at wala siyang kibo. Kahit ngayon hindi niya pa rin magawang patawarin ako?

Sana mapatawad mo na ako Hanz..

Sana magkaayos na tayo.

Sana makita ko na muli ang matatamis mong mga ngiti...

--mr_dedenne--

Thank you for reading!

Good Luck! See yah to the next chapter. Moah!

PLEASE: VOTE AND COMMENT.
what can you say about this chapter?


Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon