Chapter 37: Delaware River ; The Cure.

1.4K 85 2
                                    

Paano na ito?

Hindi ko lubos maisip na mangyayari pala iyon. Mangyayari na magiging bato sila Terri, dahit lang sa isang hawak lang nang gem na iyon. Kahit makahawak ka lang sa isang pekeng topaz gemstone ay magiging bato ka na? HOW COME?

Sa ngayon, hindi ko naiintindihan itong nararamdaman ko. May halong takot, kaba, lungkot, inis at poot. Ewan ko ba, basta isa lang ang alam kong gawin. Ang makapunta sa Ilog ng Delaware at kumuha ng tubig doon.

"Bilisan mo ang takbo Hanz, kailangan natin magmadali" ang utos ko kay Hanz. Hindi ko alam bakit ko nasabi iyon e halos sabay nga kami tumatakbo. Ewan ko ba!

"Huwag kang mag-aalala Katara, maayos din ang lahat at babalik din sa dati sina Gerome, Mateo at Terri.

Tumakbo nga kami ni Hanz ng mas mabilis kumpara ng dati. Dahil siguro sa Adrenaline Rush bakit kami nagkakaganito.

PAWIS....

DUGO.....

AT.....

LUHA...

Kahit ano pa iyan ay isusugal ko para iligtas lang ang mga kaibigan ko. Malaki ang utang ko sa kanila, hindi ako makakarating sa lugar na ito kung wala ang tulong nila. Hindi ko makukumpleto ang mga Gemstones kung hindi naman kami kumpleto. Parang kapatid ko na sila. Itinuturing ko na rin sila na isa sa mahal ko sa buhay at pamilya.

Kailangan ko silang tulongan, dahil malaki rin naman ang naitulong nila sa akin. Kaya konting tiis lang Terri, antay lang kayo Gerome at huwag kayong sumuko Mateo. Kaya niyo iyan dahil kakayanin ko rin ito para sa inyo.

"Ayon Katara! Nakikita ko na ang Delaware River. Nakikita ko na!" ang sigaw ni Hanz. Kita ko ang malaki at matamis na ngiti ni Hanz at ibig sabihin malapit na kami sa sinasabi ng matanda na Delaware River.

Laking tuwa ko dahil nakikita ko na rin ang nasabing ilog. Nabuhayan ako at nagkaroon ng pag-asa. Humigit kumulang isang daang metro pababa pa ang tatakbuhin namin ni Hanz. Hintay lang kayo, heto na! Babalik na kayo sa dati Terri! Gerome! Mateo!

Paunti-unti....

Palapit-lapit....

Hanggang nakarating na rin kami sa Ilog ng Delaware.

Nakita ko ang malakristal na ganda ng tubig ng ilog habang ito ay dumadaloy patungo sa hangganan ng ilog na ito. Mula sa lupa kitang-kita ko ang mga isda na masigla at masayang lumalangoy sa ilog. Kita ko rin ang mga bato na nasa gitna ng ilog na pwedeng daanan at gawing tulay para makatuwid sa kabila ng ilog. May mga malalaking bato rin sa tabi ng ilog.

Mag-iigib na sana ako ng tubig sa ilog ngunit may sagabal at biglang humarang sa aking dinadaanan.

"THE STONE OGRES!" ang sigaw ko nang masilayan namin ang mga Stone Ogre. Hindi namin napansin sila kanina, magaling kasi ang pagkaka camouflage nila sa mga malalaking bato.

"Umalis kayo sa dinaraanan namin. Tabi!" ang sabi ko. Galit na galit na ako. May kailangan pa akong iligtas na mga kaibigan tapos may mga sagabal at letsheng mga OGRES. Kainis!

"Ako na ang bahala sa kanila Katara. Mag-igib ka na doon!" ang sabi ni Hanz sabay pilit inaagaw ang kalaban ko.

"Hindi pwede Hanz, inistorbo nila ako e. Dapat lang makaganti ako sa kanila!" sabi ko kay Hanz.

"Hindi mo naman kailangan gawin iyan Katara.!" ang sabi ni Hanz sa akin. Pero... Basta!

"Sorry Hanz! Hinarang nila ako e. May ililigtas akong tao tapos sumasagabal pa sila sa akin. Ang nararapat sa kanila ay patawan sila ng leksyon" sabi ko. Aangal pa sana si Hanz ngunit huli na siya, kinuha ko na ang espada ko at alam niyang hindi na niya ako mapipigilan.

"Okay!" ang tanging nasagot ni Hanz. So... kinuha rin niya ang espada niya. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang gamitin ang kaniyang kapangyarihan. Sabagay ang easy lang naman nilang talunin. Walang kahirap-hirap.

Agad kami sumugod sa mga ogre at binigyan sila ng malakas na hampas ng espada. Kahit gawa sila sa bato, patay pa rin sila sa amin dahil matitibay ang mga sandata namin. Mas matibay pa sa mga ordinaryong bato gaya nila. Kung hindi na lang sana nakialam at hayaan na lang kaming makadaan para makapunta sa ilog, hindi sila sana masasaktan ng ganito.

"Ang pakialamero mo!"

"Tanggapin mo ito!"

"Mamatay ka na!"

"Magdusa ka!"

"Yahhh!"

Iyan ang mga nasabi namin habang tinatadtad namin ang mga Stone Ogres gamit ang aming espada. Ayan tuloy naging buhangin at maliliit na bato na lang sila na nakakalat lang sa tabi. Kawawa naman. Pakialamero kasi e!

Agad kami pumunta sa ilog. Gamit ang dala kong jar. Pinuno ko ito ng tubig para sure na kakasya sa kanilang tatlo. Agad kaming bumalik sa SEVEN STONES at nakita namin ang kaawa-awang mukha nila. Huwag na kayong mag-aalala dahil maibabalik ko na kayo sa dati!

Agad ko sila pinaluguan ng tubig ng ilog. Unti-unti ng bumabalik ang totoo nilang anyo. Mula sa ulo hanggang sa kanilang paa. Bumalik ang ngiti at saya nila ng nakabalik na sila sa dati.

Agad ko niyakap silang tatlo. Dahil siguro sa saya at pag-asa.

"Salamat dahil nakabalik na kayo!" Ang sabi ko. Napaiyak ako ng nitakap ko sila. Hindi ko kayang mawawala sila sa tabi ko e.

"Katara! Hindi kami makahinga!" ang sabi ni Terri. Agad ko tinapos ang pagyakap ko sa kanila. Muli silang ngumiti at nagpasalamat sa akin.

PARA SA INYO GAGAWIN KO ANG LAHAT. MAILIGTAS KO LANG KAYO SA ANO MANG PANGANIB.

"Saan kaya ang tunay na Topaz Gemstone?"



--mr_dedenne--

Thank you for reading!

Are you ready to the next chapter?

PLEASE: VOTE AND COMMENT.
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon