Chapter 36: What Happen?

1.4K 89 1
                                    


Napakalamig ng simoy ng hangin....

Napakadilim ng kapaligiran.....

Napakatahimik ng paligid.......

Takot? Kaba? Kutob?


Nakaharap kami ngayon sa mga malalaking bato o sa Seven Stones.

"Alin sa kanila ang tunay na Topaz Gemstone?" ang tanong ko. Nakakalito kasi dahil halos magkaparehas ang pitong Topaz Gemstone at alam kung isa lang ang tunay.

"Hindi ba pwedeng lahat na lang ang kukunin natin?" ang tanong ni Mateo na atat ng kunin ang isang topaz sa gilid malapit sa kaniya.

"Huwag niyo munang hawakan guys, hindi natin alam kung anong mangyayari kung agad natin kukunin ang gems na iyan" ang saad ko. "At nakapagtataka, bakit masyado namang madali ang pagkuha natin nito, wala man lang ka challenge-challenge. " ang dagdag ko.

"Ayaw mo iyon Katara? Madali na nga mabilis pa. Nakasave pa tayo ng oras, di ba?" sabi ni Terri.

"Huwag baka may patibong!" ang sabi ko. May kutob kasi ako na may mali dito.

"Ang OA mo naman, Ano maghihintay na lang tayo dito ng FOREVER?" ang reklamo ni Terri.

"Basta huwag niyo munang galawin ang mga Gemstones" sabi ko.

"Edi huwag, sabi mo e." ang sabi ni Terri.

.....AFTER 30 MINUTES....

"Katara? Ano na, mag-aalas diyes na wala pa tayong nagagawa? Ano?" ang reklamo ni Terri.

"Ewan ko sa inyo. Gawin niyo kung anong gusto niyong gawin?" ang wika ko.

"Sabagay, Pito naman ang andito. Tag iisa tayo. Mateo, at Gerome sabay natin kukunin ang gemstones walang dayaan" sabi ni Terri. Gumawa nga si Terri ng sarili niyang mundo. Kami naman ni Hanz ay nakaupo sa isang bato minamasdan sila Terri , Gerome at Mateo.

"Ang ganda nilang tignan no?" ang nakangiting sabi ni Hanz habang tinitignan sila Terri.

"Ang ganda nga!" ang pagsang-ayon ko sa opinyon niya.

"Oo... OO ang GANDA nga!" ang sabi ni Hanz. Tinignan ko siya, at nahuli ko siyang tumitingin sa akin, ngayon ko lang na gets at nalaman na ako pala ang tinutukoy niyang maganda. Asus! Katara kinikilig ka na yata.

Namumula ang aking mukha at nahihiya sa sinabi niya. Nakakaflatter kasi e. Tumibok ng napakabilis ang puso ko dahil lang sa sinabi niya. Siya kang kasi ang unang lalaki na sinabihan akong maganda. Ewan ko ba! Parang gusto ko ng halikan itong si Hanz e.

Naputol tuloy ang lovely moments namin ni Hanz nang sumigaw bigla si Terri. Kakinis...

ONE!

TWO!

THREE!

Kinuha nila ang mga Gemstones na gusto nilang kunin. Sabay ang pagkakakuha nila ng gemstone. Ilang sandali....

"Uh-ohh!"

"Help!"

"Katara!"

"Terri! Gerome! Mateo!" ang sigaw ko sa kanila.

Nakita ko na lamang na nanigas sila at naging bato matapos hawakan at kunin ang mga Gemstones.

WHAT HAPPEN?

Terri? Gerome? Mateo? Anong nangyari sa inyo bakit nagkaganyan kayo? Bakit kayo naging bato?

Ano na ang gagawin ko?


"Dahil kinuha nila ang pekeng Gemstone" ang sabi ng matandang babae na nakita namin kanina. Bigla na lamang siya sumulpot dahilan ng pagkakagulat ko.

"Ano?" ang tanong ko. Napaluha ako dahil sa sinapit sa kanila. Paano na ito? Ano na ang gagawin ko? May pamilya pa sila at mahal sa buhay!

"Kinuha nila ang pekeng Topaz Gemstone, kapag kinuha mo ang pekeng Topaz Gemstone ay maninigas ka at magiging bato!" ang paliwanag ng matanda.. Ano na ang gagawin ko ngayon? May paraan ba? Anong sulosyon? Paano ko sila ibabalik sa pagiging tao?

"May sulosyon ba? Paano ko sila maibabalik? Paano!" ang sigaw kong tanong sa matanda.

"Pumunta ka sa Ilog ng Delaware at kumuha kayo ng tubig doon. Tapos bumalik kayo dito at ibuhos niyo iyon sa kanila" ang paliwanag niya.

"Tapos babalik na sila sa dati?" ang tanong ko.


"Huwag kang mag-aalala dahil babalik sila sa dati kapag magawa mo ang sinabi ko" ang sabi ng matanda.

"Okay tara na Hanz!"

Kasalanan ko ito e. Kung hindi ko lang sana sila hinayaang gawin ang gusto nila hindi sana ito mangyayari. Kung pinigilan ko sana si Terri hindi sana ito mangyayari.

Tama nga ang hinala ko na may patibong sa SEVEN STONES.



"KONTING TIIS NA LANG... MAGHINTAY KAYO...."





--mr_dedenne--

Thank you for reading!

Are you ready for the next chapter? Good Luck!

This chapter is too short and not so important. Sorry for that...

PLEASE: VOTE AN COMMENT.
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora