Chapter 56: The Three Traitors

1.5K 32 0
                                    


"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh"

Ang sigaw ko, susugurin ko na sana si Queen Emilla pero hindi umubra dahil naiwasan niya ito.

"Wait Katara, masyado kang excited e. Magsisimula pa lang tayo. Pero kung gusto mo ng magandang laban may ipapakita muna ako sa iyo. Are you excited?" ang sabi niya. Ano naman ang gusto niyang ipakita sa akin? Nakakapagtataka!

Bigla na lang siya pumalakpak, tumango ang dalawang kawal at nagsimulang kumilos. Saan baman sila pupunta? May pinapakuha kaya si Emilla sa kanila? Ano naman iyon?

Ilang sandali bumalik ang dalawang kawal habang hawak-hawak ang braso ni..... What? Braso ni Steve, laking tuwa dahil buhay pa si Steve. Noong huling kasama namin siya ay sugatan siya at kawawa. Nagsisisi ako dahil sa ginawa ko noon, iniwan namin siya. Di sana siya nahuli kung di namin siya naiwan. Pero ang importante ngayon ay ligtas at buhay pa siya.

Pati sila Mom at mga kapatid ko nagulat na buhay pa si Steve. Di ko inakala na mabubuhay pa siya sa kamay ni Emilla, alam naman natin ang ugali ni Emilla na wala siyang pakialam sa buhay ng iba. She's bad and bold.

"Katara? Olivia? What happen? Anong nangyari sa inyo. Nagulat ba kayo sa nakita niyo?" ang nakakainis na tanong ni Emilla.

"Anong gagawin mo sa kaniya? What's your plan?" ang tanong ko. Nais ko lang naman alamin kung ano ang gagawin  niya kay Steve, ayoko namang may mawawalan na naman ng buhay. Dahil kung mangyari iyon ay siguradong magkakaroon ng labanan na wala sa oras. 

"Katara? Are we friends? Bakit ko sasabihin sa iyo? Kapatid ba kita? Close ba tayo? Anak kita?" ang walang kwentang tanong niya. Alam kung pinapatagal niya ang usapan namin at sinasadya niyang pinapainis ako.

"Itinaas ko espada saka itinuro sa direksiyon niya. May lumabas na asul at iyon ay isa sa mga kapangyarihan ng espada. Nakakapagpalabas ng kapangyarihan gaya ng tubig, hangin, apoy at iba pa. Ang asul na lumabas sa espada ay naging tubig. Muntikan ng mabasa at matamaan siya pero nakapag teleport siya kaya naiwasan niya ang atake ko.

"Katara? Masyado kang excited e. Saka di ko pa naipapakita ang gusto kong ipakita sa inyo. Be patience Katara" sabi ni Emilla. Kakainis! Ano naman ang gusto niyang ipakita?

"......" ganito lang ako. Hanggang pumalakpak na naman siya at nagbanggit ng ilang salita.

"Ladies!"

Hindi ko inaasahang lumakad papunta kay Emilla sina Tiara, Fiona at Veola. Silang tatlo pala ang sinasabihan ni Queen Emilla ng Ladies. Hindi kaya ay nagtaksil na sila sa amin? Kumampi ba sila kay Emilla? Bakit nila nagawa iyon? At matagal na ba nila kami niloloko at tinatraydor?

"Ladies! Simulan niyo na!" pasigaw na utos ni Emilla kina Tiara, Fiona at Veola.

Nagsimula na silang kumilos. Hindi ko inakalang papatayin pala nila si Steve. Ginamit ni Princess Tiara ang kaniyang kapangyarihan na nakokontrol ang mga halaman, ginamit niya ang halaman para gapusin si Steve para 'di makagalaw at makatakas, saka gamit ang halaman sinakal niya ito. Sumunod naman si Fiona at ginamit niya ang kapangyarihan ng hangin. Pinatigil niya ang paghinga ni Steve, ibig sabihin unti-unti niyang kinukuha ang hangin nito. Napapansin ko na nanghihina na si Steve, ginamit naman ni Veola ang kapangyarihan ng Abo at umatake kay Steve. Sumigaw ako dahil tuluyan nang nawalan ng buhay si Steve.

"NOOOOOOOOOOO!!!" wala na akong magawa, wala na kaming magawa. Ang bilis-bilis ng pangyayari at 'di ko inaasahang mangyayari iyon.

"Salbahe ka Emilla. Mga traydor kayo! Tama nga ang hinala ko sayo Fiona, sa inyong tatlo. Manloloko kayo!Tinuring ko kayong totoong kapatid! Nagtiwala kami sa inyo! Ang sama niyo, hayop!" ang pagmumura ko sa kanila.

"Tsk!" they just smirked then chuckled.

"Kayo nga ang pumatay kina Liana, Keiara at Keiana! Kayo iyong pumatay sa kanila sa gubat! Walang hiya kayo, sarili niyong kapatid kaya niyong patayin? Wala kayong awa!" ang sigaw ko. Di ko na naiintindihan ang nararamdaman ko. Na para bang nagagalit, naiinis, natatakot, nalulungkot at gusto ko nang pumatay.

Tumawa lang silang tatlo. Wala silang paki sa sinasabi ko.

Grrrrr!!!!

"Mga wala kayong hiya! Magbabayad kayo!" sigaw ko.

"Wait Katara! H'wag ka munang sumugod! Katara!" pagpigil ni Queen Olivia sa akin.




---mr_dedenne---
Thank you for reading!

Tapos na ang chapter 56? Ready ka na sa chapter 57?

PLEASE: VOTE AND COMMENT
what can you say about this chapter?


Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Where stories live. Discover now