Chapter 39: The Kingdom of Veranda

1.5K 92 0
                                    


KINABUKASAN....




"Welcome to our kingdom,The Kingdom of Veranda" ang sabi ni Prince Hanz habang nakabukas ang kaniyang palad habang itinuturo ang kaniyang kaharian. Nasa labas pa nga kami ng kaharian at papasok pa sana kitang-kita na namin agad ang ganda at saya sa loob ng kaharian. Gaya ng aming kaharian masaya rin ang mga tao doon at mapayapa rin.


Hindi ko lubos maisip kung bakit walang bumabati kay Prince Hanz, prinsipe pa naman siya sa kahariang ito, bakit kaya? Parang walang nakakakilala sa kaniya. At ang tingin ng mga tao sa amin ay parang isang dayuhan o isang negosyante. Sabagay, mukhang desente rin naman kaming lahat.



"Hanz?" ang saad ko. Biglang lumingon si Prince Hanz at agad tumingin sa akin. Gwapo talaga e!


"Bakit Katara?" ang tanong niya habang naka smile ng kay tamis tamis.


"Ah, tanong ko lang. Bakit walang nakakilala sayo dito? Prinsipe ka pa naman sa kahariang ito, wala ni isang taong bumati sayo ng 'magandang umaga'" ang tanong ko sa kaniya. Natagalan siya sa pagsagot at pilit may tinatago.


"Oo nga! Bakit?" ang pumapangapawa ni Terri. Ganyan nga Terri para sumagot si Prince Hanz. Ano kaya ang lihim na nakatago sa likod ng isip ni Prince Hanz?



Napilitan si Hanz at parang alam na niyang wala na siyang choice kundi sagutin ang tanong namin. Bakit kaya?


Nagsimula nang magsalita si Hanz. Kinuwento niya ang buong estorya patungkol sa tanong namin.



Prince Hanz's Point of View
[Story of my Life]


Magsisimula ako sa simula.


Simula noong namatay sina Mom and Dad dahil sa nangyari, dahil sa nangyaring labanan noong isinilang ako ni Mom. Akala ng lahat, akala ng mga tao sa kaharian namin ay matagal ng namatay ang nag-iisa at tunay na prinsipe ng kaharian ng Veranda ngunit ngayon buhay pa ako.


Nawalan ng mukha ang aming kaharian dahil sa pagkamatay ng hari, ng Dad ko. Walang ibang tao kundi ang uncle ko na si King Anthon na lamang ang mamuno at maglingkod bikang hari sa kaharian namin.

Dahil nakasanayan na ng mga tao na patay na ako. Pinilit ako ni uncle na magpanggap na patay ako para hindi magtaka ang mga tao at magkaroon pa ng kontrobersyal dahil dito. Pumayag na lang ako sa kaniya. Tanging mga anak niya at mga taong may mataas na posisiyon sa kaharian namin ay nakakaalam sa totoo kong buhay. Hanggang kailan ba ako magpapanggap?

Hindi ko naman alam na ganoon pala kasama ang uncle ko. Balang araw mababawi ko rin ang kaharian namin at mapapasaakin na rin ang kaharian namin.


BACK TO NORMAL POINT OF VIEW (Katara's POV)


"Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako nakikilala ng mga tao dito sa amin!" ang sabi ni Hanz. Napansin ko ang nag-aalinlangang ngiti ni Hanz. Napapaluha siya pero ayaw niya itong pinapakita sa amin. Remember, true men cries...

"Okay lang iyan Hanz, magtatagumpay ka rin balang araw" payo ko sa kaniya. Unti-unti namang bumabalik ang ngiti niya, hanggang natauhan na siya at naging masaya. Buti naman!

"Guys?" ang tanong ni Terri. Parang may gustong sabihin.

"Ano iyon Terri?" tanong ko sa kaniya.

"Pwede na ba tayo kumain? Kanina pa kami nagugutom e." sabi ni Terri. Napapansin ko na rin na nagugutom na sina Gerome at Mateo, halata naman dahil hinaplos nila ang tiyan nila. Sumasakit na siguro dahil sa gutom.

"Bakit hindi niyo sinabi?" ang natatawang tanong ni Hanz. "Tara!" anyaya niya sa amin.


"May pera ka ba? Wala kaming kapera-pera e." ang sabi ni Gerome.


"Huwag kayong mag-aalala alam ko kung saan tayo maghahanap ng perang gagastusin" sabi ni Hanz. Saan kaya maghahanap si Hanz ng pera.


"Saan ka naman maghahanap ng pera?" ang tanong ni Terri.


"Basta maghintay lang kayo ng ilang minuto, babalik ako na may dala ng pera." sabi niya. Saan naman kaya siya kukuha ng pera?

"Okay?"


Pitong minuto kaming naghintay. Hindi namin alam kung saan siya pumunta. Saan siya kukuha ng pera? Huwag naman sanang..... tumigil ka Katara hindi iyon magagawa ni Hanz. Ilang sandali bumalik nga si Hanz na may dalang isang supot ng kayamanan. Saan kaya kumuha ng ganun karaming pera si Hanz?


"Andito na pala si Hanz, saan ka kumuha ng pera?" ang tanong ni Mateo.


"I'm Prince Hanz of Veranda, hello?" ang mahambog na sabi ni Hanz. Totoo naman, prinsipe siya at natural sa kaniya na maging mayaman, you know?

"So tara?"

"Tara!"

"Mabubusog na rin ako sa wakas!"

"Rest!"

Pumasok kami sa loob ng isang restaurant. Umupo kami malapit sa bintana para maamoy ang preskong hangin. Nag-order kami ng pagkain na ginusto namin. Sabi ni Hanz, eat all you can daw, so hindi na kami tumanggi dahil gutom na talaga kami e.

FRIED RICE

FRIED CHICKEN

MASHED POTATOES

MANGOES AND BANANA's

JUICES

BEEF STAKE

PORK CHOPS


Basta marami pa kaming nakain. Halos lumaki ang tiyan namin dahil sa dami ng aming nakain. Parang two months kaming buntis. Kain, tawa at saya. Pahinga!

Ang sarap talaga!


Ayaw na sana naming lumabas sa restaurant pero kelangan e. May gagawin pa kaming importante.

Lumabas kami ng restaurant. Tanghali na! Ilang sandali may nagsisigawan...


"ISANG LABANAN, ANG MANANALO AY BIBIGYAN NG PREMYO. ISANG MAMAHALIN AT NAPAKAGANDANG BATO. The Amethyst Gemstone. Sinong interesado?"


Ano? Iyong ikawalong gemstone? Andito lang pala? This is a right opportunity!

"Narinig niyo iyon? Narinig mo ba iyon Prince Hanz?"




--mr_dedenne--

Thank you for reading!

Ang pangit ng chapter na ito noh? Sorry na po. Tao lang first story po ito e.

PLEASE: VOTE AND COMMENT.
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon