Chapter 29: The Big Revelations II

1.8K 96 0
                                    


Pagkatapos namin nakuha ang Zircon Gemstone agad kami umalis lalo na't gumagabi na at dumidilim na rin. Time is gold nga 'di ba.

Kami ngayon ay nasa labas na ng Sky Castle, at kami ngayon ay nasa harap ni Vorder. Kaya oras na para sa ikaanim na Gemstone.

Malapit ko na makumpleto ang sampung gemstones, hintay lang Katara, konti na lang talaga. Be Patient mo muna tayo ngayon.

"So saan na tayo ngayon? Anong sunod nating pupuntahan!" ang tanong ni Mateo sa akin.

"Sana Lightning na ang kasunod!" ang sabi ni Terri habang nakatingin sa itaas, nagdadasal na ang gusto niya ang hahanapin namin.

"Ako gusto ko iyong nagliliyab na apoy, sana naman Ruby na ang kasunod dahil lagi na lang kami nilalamig. Kanina sa Sky Castle at kahapon naman sa Ice Kingdom" ang minimithi ni Mateo.

"Basta ako, natupad na ang gusto ko. At ang saya, successful pa natin nakuha ang ZIRCON gemstone" ang sabi naman ni Gerome.

"Buti ka pa!" ang sabi naman ni Mateo na parang nalulungkot.

"Oy! Balita namin bati na kayo ni Hanz. Tama ba iyon Hanz?" ang sabi ni Terri. Tsismoso talaga itong babaeng ito.

"Huh?" ang tanging nasagot ni Hanz. "Anong tanong mo? Hindi ko narinig e."

"Ahh! Oo. Di ba Hanz?" ang sabi ko sabay akbay sa balikat ni Hanz.

"Ahh! Oo" ang sabi niya.

"Eeiyts!" ang nakakairitang sabi ni Terri. Halatang kinikilig, Bakit ano ba ang ginagawa ko? Bakit siya kinikilig?

"Parang iba na iyan huh!?" ang sabi ni Gerome.

Tumingin ako kay Hanz at tumango ako sa kaniya. Alam na niya iyon kung anong ibig sabihin sa pagtango ko sa kaniya. Isang tango naman ng uko niya ang iginanti niya sa akin.

"Maybe, ito ang tamang panahon na sabihin namin sa inyo ni Hanz" ang sabi ko. Parang ito na kasi ang tamang panahon na sabihin ko sa kanila ang matagal na namin tinatago ni Hanz. Sana hindi naman sumama ang loob ni Mateo sa sasabihin at pagbubunyag namin ni Hanz na official na kami as in kami na talaga.

"Ano ba iyon Katara?" ang hindi makapaghintay na tanong ni Terri. Unti-unting nanlaki ang kanilang mga mata, talagang interesado sila sa sasabihin ko maliban kay Mateo na handang makinig sa sasabihin naming lihim.

"Kami na ni Prince Hanz!" ang pag-amin ko sa kanila.

"Hindi nga?" ang hindi nakapaniwalang sabi ni Terri.

"Talaga!?" ang sabi ni Gerome habang ngumingiti.

"Yes!" sagot ni Hanz.

"Ahhh..." ang sigaw ni Terri.

"Congratulation pare!" ang sabi ni Mateo na pilit ngumiti pero alam kong hindi niya kayang gawin ito, hindi niya kayang ngumiti. Matatanggap mo rin Mateo at hindi ito ang tamang panahon para matanggap mo ang katotohanan. Makakahanap ka rin ng bago at karapat-dapat sa iyong babae. Iyong MAGANDA, MABAIT, AT ISANG PERPEKTONG BABAE NA MAHAL NA MAHAL MO.


[Short- Mateo's Point of View]
[Trying to move-on and realize that Katara is not the right girl for me.]

Maybe, I'm not deserving to a girl like Katara. I'm just an ordinary man wishing to be loved by a princess.

I'm just a man, while she... she's a princess. Our world is dissimilar and opposite. I'm not deserving to a perfect one. Maybe, the right thing to do is just to MOVE-ON.

Maybe, someday makakakita rin ako ng babae na katulad ni Katara. Hintay ka lang Mateo. Huwag ka ng malungkot at maging masaya ka kay Katara dahil ang gusto mo naman ay sumaya si Katara 'di ba? Alam mo naman na aalagaan, mamahalin at poprotektahan ni Prince Hanz si Katara. Sasaya si Katara sa iba, habang ikaw sasaya ka dahil makikita mo si Katara na masaya sa piling ng iba.

Back to ordinary point of view.
[KATARA's POINT OF VIEW]

Maiintindahan mo rin balang araw Mateo. Mahal kita BILANG ISANG KAIBIGAN LANG.

"O syasya! Congratulations sa inyong dalawa" ang sabi ni Mateo. Aba! Biglang nagbago ang ihip ngayon a. Salamat Mateo dahil naiintindihan mo ako. "Saan ba ang susunod natin pupuntahan?" Ang tanong ni Mateo.

"Aba! Nabigla ako sa iyo Mateo a." ang wika ni Terri.

"Bakit? Ano bang bagay na meron ako na ang dahilan kung bakit ka nabigka sa akin? Gumwapo na ba ako? Pogi ko na ba?" ang masayang biro ni Mateo habang pomoposing.

"Ahh! Wala kalimutan mo na iyong sinabi ko!" ang sabi ni Terri.

"O ano na Katara?" ang tanong ni Mateo. Nakalimutan ko tuloy sagutin ang tanong ni Mateo. "Saan tayo pupunta?" ang tanong ni Mateo ulit.

"Ahh! Sorry, ang susunod natin pupuntahan ay wala sa nabanggit niyo kanina. Hindi Fire, hindi rin Lightning. Kundi Light!" ang sabi ko.

"O! Malapit na iyong sa akin, may "NING" lang sa huli. lightNING!" ang sabi ni Terri.

"Gumagabi na guys at kailangan na naman nating maghanap ng matutuloyan para makatulog tayo ng maayos" ang sabi ko sa kanila.

"So shall we?" Ang sabi ni Hanz. Maghahanap na naman kami ng lugar na matutulogan.

Hay! Namimiss ko na si Mom, Queen Olivia. At saka namimiss ko na rin si Korra. Sana ayos lang sila doon, lalo na't may kutob ako na sasaktan sila ng bagong hari. Matagal na sinisigaw ng isip ko na sila iyong tinutukoy ng propesiya e.

Sana maayos lang kayo doon...

KORRA!



--mr_dedenne--

Thank you for reading!

See yah. Kita tayo sa next chapter bye!

PLEASE: VOTE AND COMMENT.
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Where stories live. Discover now