Chapter 52: Decreasing Protagonist

1.6K 42 0
                                    

After a month....

Mahigit isang buwan na ang nakaraan, at isang buwan na rin nagdurusa ang mga mamamayan ng Valor sa kamay ni Queen Emilla. Isang buwan na kami nagsasanay dito sa nakatago at pinakagitna ng kagubatan kung saan mahihirapan sila Emilla na hanapin kami.

Handa na kaya kami?

Handa na kaya kami sa isang labanan? Agawan ng trono at kaharian.

Patuloy pa rin kami sa pagsasanay sa pamumuno ni Prince Hanz kay Mateo at Gerome at pati na rin si Terri. At pagtuturo ni Queen Olivia sa mga kapatid ko para magamit namin ng husto at maayos ang aming kapangyarihan. Hanggang ngayon, sinasanay ko ang sarili ko para magamit ko ng maayos ang kapangyarihan ko at makontrol ko ito dahil hindi ko pa masyado kabisado itong kumplikadong kapangyarihan.

Ilang sandali lumapit si Mom sa akin at pansamantalang iniwan ang aking mga kapatid.

"Paubos na ang ating mga pagkain Katara. Aalis mo na ako para maghanap ng makakain at mamitas ng mga prutas sa mga bungang-kahoy" ang pamamaalam ni Mom. Hindi ko alam kung bakit nagpapaalam si Mom sa akin kahit na mas matanda siya sa akin. Dapat siya iyong sinusunod ko dahil she's still our mother, our queen. Ewan ko kay Mom.

"Mom, you're the queen. Bakit ka pa kailangan magpaalam sa akin. Di naman ako reyna" ang sabi ko kay Mom.

"Hindi pa ngayon Katara" sabi ni Mom. Huh? Parang na slow ako sa sinabi niya.

"What?"

"Nothing!"

"Huwag ka na pong umalis delikado po lalo na't patuloy ang paghahanap ng mga kawal ni Emilla ngayon sa atin. Kami na lang ang maghahanap ng pagkain. O hindi kaya gawin natin itong paligsahan" ang suhesiyon ko.

"Paligsahan? Anong klaseng paligsahan?" ang tanong ni Mom sa akin.

"Paramihan ng makuhang pagkain. Gawin natin itong paligsahan at pagsasanay na rin sa aming magkakapatid" ang sabi ko.

"Aba! Maganda iyang naisip mo Katara" ang sabi ni Mom.

Tinawag ni Mom ang lahat...

"Paubos na ang supply ng ating pagkain. Kaya kailangan nating maghanap muli. Para masaya, paramihan kayo ng mahanap at makuha ng pagkain. Ito ay isang pagsasanay rin. TIARA, FIONA, VEOLA, LIANA, KEIANA, KEIARA, KORRA at KATARA. Maghanda kayo't magsisimula na ang bagong pagsasanay. Bago lumubog ang araw kailangan niyo ng makabalik dito nang dala-dala ang pagkain na makuha niyo" sabi ni Mom.

*This is the time*

Parang dati....

One....

Ready na kami....

Two....

Nakahanda na kapangyarihan namin..

Three.....

Ang tagal naman....

Go!

Gaya ng dati tumakbo ako ng napakabilis, napansin ko anh malaking pagbabago ni Korra. Noon mahinhin at ang bagal kumilos ni Korra ngunit ngayon parang ambilis na niya at ang liksi pa. At parang may laban na siya sa akin ngayon. Dapat kung galingan....

Una ko pinuntahan ang paborito kong lugar na may magandang tanawin na makikita, mga paru-paru nagsiliparan, at mga bungang-kahoy. Nang nakarating na ako sa lugar agad ako namitas ng mga prutas mula sa puno....

Apples

Mangoes

Melons

Hindi naman pwedeng puro prutas na lang ang aming kakainin. Sa direksiyong kanluran naman ako pumaroon kung saan may maraming naninirahang hayop doon tulad ng deers, wild pigs at kahit zebras at cheetahs. Sa lugar na iyon, masyadong malayo sa lugar namin, walang masyadong punong tumutubo dahil puro mga damo lang (steppe).

Nangaso ako at nag-hunt ng mga usa. Mahirap kasi dapin ang mga Wild Pigs kasi ang liksi at ang lakas pa.

Malapit ng lumubog ang araw kaya kailangan ko ng bumalik. Kamusta na kaya sila Korra? Kamusta na kaya sila? Marami-rami din itong nakuha ko kaya sigurado akong ako ang magiging panalo sa pagsasanay o paligsahang ito.

Pagbalik ko. Nauna na palang bumalik sina Tiara, Fiona at Veola na may dalang maraming prutas at karne ng hayop. Alam ko mas marami silang nakuha kaysa sa akin, sayang hindi ako nanalo at least ginawa ko best ko. Dumating naman si Korra na may dalang prutas at ilang karne din, pero mas marami akong nakuha kesa sa kaniya. Pero panalo pa rin silang tatlo. Hayy.

Lumubog na ang araw at hindi pa rin nakabalik sina Liana at kambal naming kapatid na sina Keiana at Keiara.

Ang tagal nila at hanggang ngayon wala pa rin sila. Kaya nagpasya kaming hanapin na sila kahit na nagsisimula ng dumilim.

Liana?

Keiara?

Keiana?

Saan na kayo?

Ni isang boses wala kaning narinig. Kaning lahat naghanap ngunit hindi namin sila nakita.

Hanggang ilang sandali......

"LIANA? KEIARA? KEIANA?"

tumulo ang luha ko nang nakita ko silang...





--mr_dedenne--
Thank you for reading.

Ano kaya ang nagyari sa kanilang tatlo. Magpatuloy sa pagbabasa... Malalaman niyo iyan sa susunod na kabanata.

PLEASE: VOTE AND COMMENT
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon