Chapter 31: Sending Her a Message..

1.7K 90 6
                                    


Queen Olivia's Point of View
[Sa loob ng kulungan together with her daughters, Princesses]

Tama nga ang sinabi ni Katara. Tama nga si Katara na may dalang pahamak at malas ang bagong hari na si King Anthon at ang kaniyang mga prinsipe.

Tama nga siya, sila nga tinutukoy ng propesiya na magpapahamak sa amin, sa lahat ng tao at pati na rin sa kaharian.

Sorry Katara dahil hindi ako naniwala sa iyo noon. Alam kong ikaw ang tinutukoy ng propesiya na magliligtas sa lahat at maglalaban sa wicked witch na si Queen Emilla.

Ngunit paano?

Paano kung magtagumpay si Queen Emilla?

Paano kung matuloy ang plano niya sakupin at ipalaganap ang kasamaan?

Sana magawa mo Katara?

"Queen Olivia!" ang sabi ng isang tinig. Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong si Korra pala ang kumakausap sa akin.

"Ano iyon Korra?" ang natatangi kong tanong sa kaniya. Nakakunot ang aking noo dahil sa nais sabihin ni Korra. Para kasing napakaimportante ang sasabihin ni Korra.

Napansin kong nasa likod ni Korra ang iba pang mga prinsesa nakikisagap ng balita. Talagang mga tsismosa  itong kapatid ni Korra o.

"Sorry po, Queen Olivia dahil naglihin po ako sa inyo!" ang pagpasensya ni Korra.

"Ano ba ang tinatago mong lihim?" ang tanong ko sa kaniya.

Sinabi lahat ni Korra, lahat ng kaniyang nalalaman.

Isang araw nakita ko po at narinig na nag-uusap ang mga prinsipe kasama si Haring Anthon. Narinig ko pong sasakyan muna daw nila tayo para mauto tayong lahat. May sinasabi silang tamang panahon patungkol sa pagtaksil ng bagong hari.

At kung darating ang tamang panahon na iyon ay maghahari siya at ipapalaganap niya ang kasamaan. Kasama ang mahal niyang si Queen Emilla.

Kaya tayo nandito ngayon dahil parte ito sa plano nila.

Queen Olivia, niloko tayo ng mga unggoy na iyon. At sana mapatawad niyo po ako dahil nagawa kong itago ang masamang lihim na ito.

"Eh, si Korra pala ang dapat nating sisihin e. Naglihim siya sa atin" ang wika ni Princess Veola.

"Kung sinabi niya sana sa atin ang mga bagay ngayon, e sana nakapaghanda tayo. Ayan tuloy nakakulong tayo sa pangit na kulungan na ito" ang pagsisi ni Tiara kay Korra.

"Patawad na po!" ang pagpasensya ni Korra. Alam kong malungkot si Korra dahil sa pagsisi sa kaniya ni Tiara.

"Ang pagsisihan ninyo ay hindi solusyon para makalabas tayo sa kulungang ito. Kaya mag-isip tayo ng paraan ng makalabas tayo dito at mabawi natin ang trono" ang sabi ko sa kanila.

Andito kaming lahat sa isang kulungan. Tanging kasama lang namin dito ay ang mga ipis at dagang malayang nagsitakbuhan sa apat na sulok ng silid na ito. Walang lumalabas na kapangyarihan mula sa aming mga kamay dahil sa anong ginawa ni Anthon dito sa silid nang hindi namin mailabas ang kapangyarihan namin.

Nag-aalala ako ngayon baka bumalik si Katara dito at bigla rin siyang dakpin ng mga kawal.

Dapat ko siya makausap, pero paano? Paano ko siya makakausap kung wala naman siya sa tabi ko at malayo siya. Isang ideya lang naiisip ko.

Sa may maliit na bintana ng kulungan kung saan kami naroroon, agad ako sumilip sa labas. At nang napansing walang tao sa paligid agad akong SUMIPOL.

"Ano po ang ginagawa niyo Mom, Queen Olivia?" ang mababang tanong ni Liana habang nakaupo lang sa may upuan na gawa sa bato.

"Kailangan natin makausap si Katara, kailangan natin sabihin ang katotohanan" ang sabi ko. Hindi na rin katotohanan, hihingi rin ako ng tawad dahil hindi ko pinaniwalaan ang sinabi niya.

Pagkatapos ng limang minuto may dumating na dalawang LOVE BIRDS at pumatong ito sa bintana. May dalang papel at panulat ang mga ibon na dumating. At agad naman nila iyon binigay sa akin.

"Ano po ba ang ginagawa niyo? Ano po ang gagawin niyo sa Love Birds? Papanoorin lang ba natin sila? Bakit may dala silang papel at panulat?" ang sunod-sunod na tanong ni Korra.

"Andami mo namang tanong!" ang tanging nasagot ko sa sunod-sunod na apat niyang tanong.

"Sorry po!"

"Ito ang tinatawag na THE LOVE MESSENGER" ang sabi ko sa kanila. "Sa tulong nila. Sila mismo ang magdadala ng sulat natin at ibibigay nila ito sa taong pagbibigyan natin ng sulat" ang saad ko sa kanila.

"Kahit malayo po?" ang sabay na pagsalita ng kambal na sina Keiana at Keiara.

"Exactly!"

Napansin ko ang pagkamangha ng mga Prinsesa.

Kinuha ko ang dalawang papel at dalawang panulat. Ibinigay ko ang isa kay Korra dahil alam kong may gusto siyang sabihin kay Katara.

"Ano po ang gagawin ko dito?" tanong ni Korra. Nakakunot ang mukha niya nang binigay ko sa kaniya ang papel at panulat pero hindi pa rin magagawang ngumiti siya.

"Alam kong may gusto kang iparating kay Katara kay isulat muna dito at ihahatid ng mga ibon ang sulat mo kay Katara" ang sabi ko habang nakatitig sa magandang mata ni Korra.

"Salamat po Mom!" ang sabi niya. Agad niya ako niyakap at napaluha bigla. Hindi pa rin maipinta ang ngiti niya dahil sa saya na kaniya nadama. Maya-maya humiwalay na si Korra sa pagyakap sa akin.

Agad nagsulat si Korra habang ngumingiti. Halatang sabik na sabik na siya. Ang saya kapag nakikita ko si Korra na masaya, lalo na't alam kong lagi siyang inaaway nila Tiara. Hindi ko naman mapagalitan si Tiara baka sumama pa ang loob niya sa akin lalo na't  matampuhin iyon. Sorry Korra dahil hindi kita magawang protektahan kahit alam kong responsibilidad ko ang protektahan kayo.

Nagsulat na rin ako... sinulat ko ang masasayang bagay pero hindi ko pwedeng ilihim ang tungkol sa problema kaya kailangan malaman ni Katara iyon.

Namimiss na kita Katara, anak ko.

Binigay ni Korra ang papel sa akin nang matapos niya itong sulatan. Ibinigay ko sa mga ibon ang dalawang papel,  nakaipit ang papel sa mga daliri ng mga paa ng ibon. Pagkatapos may binulong ko sa kanila ...... "Ipadala niyo kay Katara!" agad naman silang lumipad at naglakbay para habanapin si Katara.

**King Anthon**

Maghanda kayo bukas dahil may dadating dito na isang taong espesiyal at mahalaga.

--mr_dedenne--

Thanks for reading!

Ano kaya ang ?

Sino kaya ang taong espesiyal at importante?

See yah!



PLEASE: VOTE AND COMMENT.
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Where stories live. Discover now