Chapter 6: Is it a sign?

3.3K 153 4
                                    


Heto na Katara, mababasa mo na rin ang librong ginusto mo. Curiosity ko kasi eh!

"Title?" tanong ni Mateo .

"The Book of Clarity!" sabi ko.

"The Book of Calamity?" sabi ni Mateo habang hinahanap ang title ng libro ko sa malaking libro. "Wala naman eh!" reklamo ni Mateo. Bingi rin pala itong si Mateo.

"The Book of Clarity" sabi ko ulit.

"Heto na Karra!" pananabik ni Mateo. "Ang sabi dito.."

Isang taong may dugong bughaw o bahagi sa royal family ang makakabasa nitong libro. Kailangan niyang bigkasin ang kaniyang pangalan, tapos ang pamagat ng aklat habang nakahawak sa pabalat o ang libro. Itong libro ay punong-puno ng kasagutan sa ano mang katanungan, isang tanong sa isang tao (Princess, Prince, King, or Queen).

"Ibig sabihin ikaw lang ang makakabasa sa libro Kata-ra!" sabi ni Terri sa akin.

"It means you're a princess and your true name is Katara?" sabi ni Mateo. Kitang kita ko ang pagkamangha niya dahil siguro first time siyang makakita ng isang tunay na prinsesa.

"Yes Mateo" sabi ko. "Ito talaga si Terri ang daldal, nabisto na tuloy tayo." hay! daldal talaga ng babaeng ito.

"Sorry!" pagpasensya ni Terri.

"Maraming salamat Mateo sa tulong mo! Mauna na kami" sabi ko sa kaniya habang hawak ko ang kanang balikat niya.

"Kapag kailangan niyo ng tulong ko, lagi akong handa at nariyan para sa inyo, especially for you Princess Katara" sabi ni Mateo sabay ngiting pabebe.

Hanggang sa susunod!

Agad kaming naglakad pabalik sa kaharian lalo na't hindi kami nagpaalam na lumabas sa kaharian, kapag malaman ito ni Queen Olivia ,sure na, alam na this mapapagalitan na naman ako, hindi lang galit baka may parusa pang ipapataw sa akin. Sayang naman iyong sinabi ni Queen Olivia na consistently excellent daw ako, tapos paborito pa niya ako. Iba pala ito si Queen Olivia, may favoritism rin pala.

"Terri! Gerome! Dalian na natin baka gamitin ni Queen Olivia ang kaniyang kapangyarihan bilang parusa sa akin" pakiusap ko sa kanila.

"Tara! Dali siguradung mapapagod ka kapag nalaman niyang tumakas ka sa kaharian" sabi naman ni Terri sa akin, huwag sana sayang naman itong kaputian ko kung papagurin lang naman ni Queen Olivia.

"Hindi lang mapapagod pati na rin MASUSUNOG" biro naman ni Gerome, halatang tinatakot nila ako.

Tumakbo kami nang mabilis para mas maaga kaming makaabot sa paroroonan namin. Pagdating namin sa kaharian nakita namin si Queen Olivia na nilalaro ang sinag ng araw or should I say THE SUNSHINE. Hala! Baka mapagalitan kami nito.

"Katara? Saan kayo galing? At sinama mo pa sina Gerome at Terri" ang tanong ni Queen Olivia na para bang may alam. " Good Afternoon Gerome, Good Afternoon Terri" pagbati naman ni Queen Olivia kina Gerome at Terri sabay ngiti sa kaniyang mga labi.

"Good afternoon Queen Olivia!" pagbati rin ni Gerome sabay bow habang hawak ang kaniyang dibdib gamit ang kaniyang kanang kamay, nagpapakitang may respect si Gerome sa Reyna.

"Good Afternoon rin our Queen Olivia" pagbati rin ni Terri habang bitbit ang kaniyang palda at sabay bow. Talagang mababait at magalang ang aking mga kaibigan mana sa akin.

"Oh! Ikaw Katara, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Saan kayo galing?" tanong ulit ni Queen Olivia sa akin. Nabalik kaagad sa akin ang usapan, kanina lang masaya at ngumingiti pa siya kina Gerome at Terri while ako ang sungit niya.

"Uhmm! Namasyal lang po, Mom, Queen Olivia!" sabi ko sabay yuko. Alam kong masamang magsinungaling pero ito lang ang alam kong paraan para makaiwas sa parusa at mailigtas ko ang sarili ko sa kaniyang bukam-bibig.

"Is it True? Gerome? Terri?" pagpapalinaw ni Queen Olivia. Iba talaga si Mom, talagang sinusuri niya muna bago gumawa ng konklusiyon.

"Yes Maam!" sigaw nila Terri at Gerome halatang kinakabahan na sila at natatakot na rin. Ginawa pa nilang Maam ang Reyna. "Yes Queen Olivia!" sabi nila.

"Good!" sabi ni Queen Olivia. "Sa kabila nito'y may ibibigay ako sa iyo, Katara" sabi ni Queen Olivia sa akin, nako- curious na tuloy ako. Baka bagong damit dahil ako lang ang kawawa sa amin, puro bago ang damit nina Tiara habang ako magbi- birthday na ang isa ko pang damit wala pa ring dumadating na bago. Kahit ganun masaya naman ako, mang-aagaw kasi iyan sila Tiara. Lahat ng sa akin inaagaw nila.

Hindi ko inakalang isang... " This is the Royal Sword, Katara" sabi ni Queen Olivia, namangha ako dahil sa sobrang linis, kintab, at ganda ng espadang binigay ni Queen Olivia sa akin.

"Bakit? Akin na po ito?" tanong ko sabay tinatago ang halata kong ngiti.

"Sa iyo na iyan, Katara" sabi ni Queen Olivia sabay ngiti at halatang proud siya sa akin. " Bakit po? Ba't po ako?" ang tanong ko.

"Dahil ikaw lang ang may kakaibang katangian. Strong, Brave, Determination, Courage and Love" sabi ni Queen Olivia sa akin.

"Salamat po!" ang pagpapasalamat ko kay Queen Olivia, sabay yakap ng mahigpit.

Ilang sandali...

Ang tatlong bulkan na malayo sa kaharian ay sumabog. Kahit na ito'y malayo sa kinatatayuan namin, kitang-kita pa rin namina ng mga usok at mga bagay na lumabas mula sa bulkan. Nagkaroon ng isang napakalakas na lindol ngunit hindi rin ito tumagal.

"Is it a sign?" ang tanong ni Queen Olivia sa kaniyang sarili. Syempre hindi namin masagot ang kaniyang tanong dahil hindi namin ang alam ang sinsabi niya. May tinatago si Queen Olivia sa amin.

"Anong sign po?" ang tanong ko kay Queen Olivia.. Tumingin ako kina Gerome at Terri at hindi rin nila alam kung anong sign ang sinasabi ni Queen Olivia.

"Queen Olivia! Queen Olivia!" ang sigaw ng isang babaeng taga-sunod kay Queen Olivia.

Hindi na nasagot ni Queen Olivia ang tanong ko. Anong sign kaya iyon?

Napalingon si Queen Olivia sa babae. "Queen Olivia, ang propesiya!" ang sabi ng babae. Anong propesiya? Isang beses ko palang narinig iyan dito sa kaharian namin.

Nawala na sa isipan namin ang pagsabog ng bulkan at nakatuon sa propesiyang sinasabi ng babae. Tumakbo ng mabilis si Queen Olivia at sinundan naman namin ang takbo niya.

Narating namin ang isang silid, isang silid na hindi ko pa nakita noon. May silid pala dito? May nakita akong isang lalaking nakahiga sa sahig at parang may sakit na epilepsy. Anong nangyari sa lalaking iyon?

Nagulat ako ng nag- iba ang kulay ng mga mata ng lalaking nakahiga sa sahig, mula sa black lens / eyes bigla ito naging white lens/ eyes.

"Anong nangyari!" ang sigaw ni Queen Olivia.

--mr_dedenne--

Natapos niyo ng binasa ang Chapter 6, ano kaya ang mangyayari sa lalaking may epilepsy? Haha!

Tunghayan natin sa susunod na chapter 7: The Prophesy, and the Prophesier.

Thank you for reading!

PLEASE: VOTE AND COMMENT.
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Where stories live. Discover now