Chapter 57: The Most Awaited War!

1.6K 29 0
                                    

Wala na kayong magagawa Mom. Ang dapat sa kanila ay oarusahan. Marami na ang namatay at marami na ang nawalan ng pamilya. Marami ang nadamay at kailangan ko ng kumilos para iligtas ang aking kaharian.

Sinugod ko si Emilla at gamit ang espada ko, inutusan ko ito sa pamamagitan ng aking isipan para umatake ng apoy kay Emilla. Ngunit sa kasamaang palad, bigla na lang siyang nawala at gumawa ng isang barrier si Fiona na gawa sa hangin.

"Hahaha! Di mo ako mapapatay Katara. Mangarap ka man, hinding-hindi mangyayari iyon" ang sigaw ni Emilla na nakalutang sa itaas.

Nagsisimula na talaga ang laban. Napansin kong umatake kaagad ang tatlo kong traydor na kapatid, di ko na sila kapatid ngayon. At hindi ko na ituturing na kapatid magpakailan man. Ang traydor na sina Tiara, Fiona at Veola ay kinalaban ang ina kong si Queen Olivia. Kinalaban naman ni Prince Hanz ang kaniyang mga masasamang kapatid na sina Albert, Brendon, Carlor at si Daniel. Isa laban sa apat? Alam kong mahirap pero alam ko rin na kaya mo sila, muntikan na nga niyang napatay ang kaniyang mga kapatid noong nagpunta kami sa Ice Castle, kaya alam kong kaya mo silang talunin. Kaliwa't kanan naman tumulong si Korra kina Mom at Prince Hanz dahil marami silang kinalaban. At ako naman ang humarap kay Queen Emilla.

Bigla naman umatake si Queen Emilla sa akin bilang ganti. Natamaan ako sa balikan at napaso dahil sa atake niyang apoy.

;hahaha" plastik na pagkakatawa ng bruhang si Queen Emilla.

Napaluhod ako dahil sa lakas ng atake niya. Napalingon ako sa bandang kanan ko at nakita ko sina Terri, Gerome at Mateo. Alam kong wala silang kapangyarihan pero masaya ako dahil nagawa pa nila kaming tulungan. Kinalaban nila ang mga kawal ni Emilla na nagbabantang kalabanin kami. Lumingon naman ako sa kaliwa. Napansin ko ang isang kapatid ni Prince Hanz at ang pagkakaalam ko Prince Gerald ang pangalan niya.

Nakita kong aatake na si King Anthon kay Mom ngunit inunahan siya ni Gerald. Gamit ang kapangyarihan ni Gerald na kayang kontrolin ang kahit anong bagay, kinontrol niya ang kamay ni King Anthon kaya hindi natuloy ang pag-atake nito.

"Gerald? Are you crazy? Ano ba ang ginagawa mo? Tinatraydor mo ako?" ang sigaw ni King Anthon. Hindi ko inakalang gagawin ni Gerald ang bagay na iyon. At ibig sabihin, kakampi namin siya.

"Sorry King Anthon, sa tingin ko kailangan kong kumampi sa tama at sila iyon. Mali itong ginagawa natin." ang paliwanag ni Gerald.

"Ano?!!!!!!" sigaw ni King Anthon. Alam kong galit na galit na siya.

Umatake si King Anthon. Gamit ang kapangyarihan ng kadiliman, umatake siya ng mga baga na umuusok dahil sa spmbrang init nito. Ngunit hindi hinayaan ni Gerald na mataan siya doon kaya pinagalaw niya ang mga malalaking bato sa tabi at ginawa itong panangga sa atake ni King Anthon. Patuloy silang naglalaban at hindi ko alam ngayon kung kelan pa matatapos itong kaguluhan na ito.

"Oh? Ano na Katara? Suko ka na?" ang nakakainis na tanong ni Emilla.

"Iyan iyong akala mo!" sabi ko.

Alam kong takot ang mga mamamayan kay Queen Emilla. Pero rinig na rinig ko ang mga hiyawan ay sigawan nila. Napansin kong kumilos sila at tumakbo papunta sa amin para tulungan kami. Tinulungan nila sina Terri na kalabanin ang mga taksil na mga mamamayan ng Valor na ang mga kawal ni Emilla. Ngayon, inaamin ko ang gulo-gulo na. Di bale na basta kami ay sama-sama.

Alam kong lugi ako dahil nakakapglipad siya at nawawala kapag gusto niya, balita ko nakuha niya yan sa kambal na kapatid ni Hanz. Kahit sarili niyang kakampi kaya niyang patayin. Sakim siya sa kapangyarihan!

Umatake na naman ngunit sa oras na ito di ko na hahayaang matatamaan na naman niya ako. Gamit-gamit ang espada nagpalabas ako ng kapangyarihan ng hangin at lupa. Ipinagsama ko ito para makabuo ng malakas na pwersa. Oo, natamaan siya pero hindi iyon sapat para matalo siya.

Dahil sa labanan na ito. Maraming tao ang unti-unting namamatay. Mga mamamayan ng Valor na lumaban sa mga kawal ay halos nauubos na. Pero hindi kami nawawalan ng pag-asa dahil alam naming lahat na ang tama ang laging nananalo.

"Hanggang tingin ka na lang ba Katara?" ang tanong niya sa akin.

"Huwag kang magkampante dahil makakamit mo na ang inaasam mong kamatayan!!!!!" ang sigaw ko tapos umatake na naman ako.


Ahhhhhhhhhhhhh!!!














--mr_dedenne--
Thank you for reading!

Ano bitin ba? So proceed to the next chapter.

PLEASE: VOTE AND COMMENT
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Where stories live. Discover now