Chapter 58: The End of the Queen.

1.7K 26 0
                                    

Bawat atake ko kay Emilla ay natatamaan siya at minsan nama'y naiiwasan niya. Bawat atake naman niya minsan napoprotektahan ko sarili ko pero minsan naman nasusugatan ako dahil sa kapapabayaan ko.

Mahigit limang oras na kami lumalaban. At ni isa sa amin walang gustong sumuko. Alam kong marami nang namatay na mamamayan ng kaharian namin. Pero alam kong hindi na tatagal itong labanan na ito dahil ngayon ko na tatapusin.

Princess Korra's Point of View.
[Killing her own three sister, together with her brave mother]

"Sumuko na kayo Fiona! Veola! At ikaw Tiara!" ang sigaw ko.

"Tsk. Nagpapatawa ka ba? Baka kayo ang dapat sumuko" ang sagot naman ni Veola.

"Mga anak! Bakit niyo nagawang pagtaksilan kami?" ang sabi ni Mom, ni Queen Olivia.

"Eh bakit nga ba? Mahina kayo? Kailangan namin ng malakas na ina, kaya kami pasayahin, kaya kami pahalagahan, at kaya kami ituring na tunay na anak. Eh! Sila Katara lang naman ang lagi niyong iniisip at pinapansin e." ang sagot ni Tiara.

"Hindi iyan totoo! Alam niyo namang...." naputol ang sabi ni Mom dahil nagsalita si Fiona.

"Dahil ano? Dahil mas mahalaga sa inyo si Katara? Iyon ba iyon?" ang sabi ni Fiona.

"Hindi!"

Throwback!

Sa silid ng kulungan. [Noong ikinulong sila Queen Olivia kasama ang pitong prinsesa at si Steve]....

May dumating na dalawang kawal.

"PRINSESA TIARA, FIONA AT VEOLA. Ipinatawag kayo ng mahal na Reyna" ang sabi ng isang kawal.

Walang magawa ang tatlong prinsesa kundi sumama sa mga kawal para puntahan si Queen Emilla. Hindi nila alam kung anong gagawin ni Emilla sa kanila. Pagdating nila..

"Andito na pala kayo mga naggagandahang prinsesa!" ang pagbati ni Queen Emilla sa mga prinsesa.

"Oh? Bakit kayo nakasimangot? Ganyan ba ninyo babatiin ang inyong Reyna!?" ang tanong ni Emilla.

"Ano po ang kailangan niyo sa amin?" ang tanong ni Tiara.

"Huwag mo ako tawag-tawaga ng PO at ang bati ko pa. Hindi bagay sa beauty ko." ang biro ng Reyna.

"Hindi po kami nagbibiro. Bakit niyo po kami hinahanap?" ang tanong ni Veola.

"Simple lang naman ang kailangan ko sa inyo. Ang maging kakampi ko." ang sabi ng Reyna.

"Hindi iyon maaari!" ang sigaw ni Fiona.

"
"Ang hindi ko lubos maiisip bakit niyo pinagpipilitan ang mga sarili niyo na sumama at kumampi sa inyong mahal na ina na ang totoo di naman kayo mahal. Ang totoo, mahal lang naman niya iyong kapatid niyong si Korra at iyong mahinang si Katara. Kung ako sa inyo, manilbihan kayo sa akin at aalagaan ko kayo" ang pagsisinungaling ni Queen Emilla.

"Hindi totoo yan!" ang sigaw ni Tiara.

"Ang balita ko, sobrang nag-aalala ang ina niyo kay Katara?" ang sabi ni Emilla.

Tumahimik ang magkakapatid.....

"Oh? Ano na naniniwala na kayo?"

Siguro........

Back to original....

"Anak! Mahal ko kayo lahat. Huwag kayong mag-isip ng ganyan." ang sabi ni Queen Olivia.

"Pero--"

"Mahal tayo ni Mom." sabi ko. Tsk. Ewan ko sa kanila ayaw pa maniwala. Ang sama talaga ng ugali.

"Patawad Mom, patawad Queen Olivia. Patawad dahil marami kaming kasalanan na nagawa. Patawad din dahil nagtaksil kami. Sana mapatawad niyo po kami" ang wika ni Tiara.

"Oo, syempre naman. Mapapatawad ko kayo!" ang wika ni Mom. Tumakbo palapit si Mom kina Tiara, Fiona at Veola para yakapin sila. Pero parang ang sama ng kutob ko, taksil pa rin sila at magtatangka silang patayin si Queen Olivia.

"Mom! HUWAG!!!!!" ang sigaw ko. Tumakbo pa rin siya papunta kina Tiara.

Ilang sandali......

KATARA's Point of View.
[Witness the death of my beloved MOTHER]

Narinig ko ang sigaw ni Korra kaya lumingon na naman ako sa banda niya. Nakita ko nga na tunayakbo papalapit si Mom sa mga kapatid ko. Niyakap niya ang mga taksil kong kapatid, pero umatake ang tatlo kong taksil na kapatid.

"NOOOOOOOOOOOO!!!" tumulo ang luha ko.

"MOM!!!!!!!!!!!!" sumigaw din si Korra. Umiyak din siya at napaluhod.

Tumakbo ako papalapit kay Queen Olivia. Nakahiga siya ngayon sa lupa at hinahabol niya ang kaniyang paghinga. May lumalabas na dugo sa kaniyang bibig. Gamit ang kanan niyang kamay, tinakpan niya ang kaniyang sugat sa bandang tiyan para hindi maubusan ng dugo. Lumuha ako sa harapan niya.

"Mom?..... mom?.... mom?..... MOM!!!!!" patay na si Mom, patay na ang Reyna namin, patay na si Queen Olivia.

Nakatingin lang sila Tiara sa akin. Di ko alam kung nakokonsensya sila sa nagawa niya. Pero ang alam ko lang ay dapat nilang pagbayaran ang nagawa nila.

"Katara? Anong gagawin mo?" tanong ni Korra.

"Kailangan silang parusahan sa ginawa nila Korra kaya magbabayad sila." sabi ko.

Narinig nila ang sinabi ko kaya naghanda ng atake sila Tiara. Ginamit ko ang tatlong kapangyarihan para sa tatlo kong taksil na kapatid.


"Ahhhhhh!!!!"  umatake ako ng apoy, tubig at hangin. Sinubukan nilang labanin ang kang aking atake ngunit hindi sila nagtagumpay. Natumba silang tatlo at sa tingin ko sila ay pumanaw na. Alam kong hindi katanggap-tanggap ang nagawa kong pagpatay sa mga kapatid ko. Pero ang kailangan ko ay hustisya at iyon ang alam kong paraan para makamit ang hustisyang iyon.


"TIARA? FIONA? VEOLA?" nagulat si Emilla sa kaniyang nakita. At napansin kong galit na galit siya sa akin ngayon. Tumulong naman si Korra kay Prince Hanz.

"Magbabayad ka!" siga ni Emilla.

"Huli mo na ngayon, Emilla!" sabi ko.














--mr_dedenne--
Thank you for reading!

May namatay na naman. Ano kaya ang sunod na mangyayari?

PLEASE: VOTE AND COMMENT
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Where stories live. Discover now