Chapter 16: Just Try It! Maybe it works

2.2K 127 5
                                    

"Ang galing mo kanina huh!" ang puri ni Terri sa akin.

"Di naman masyado" ang humble kong salita. Ganyan naman ako di ba?

"Hindi, ang ibig kong sabihin. Ang galing mong umarte" ang sabi ni Terri. Anong umarte?

Anong umarte? Masyado ba akong OA kanina? O 'di kaya ay nalaman niyang..

"Alam naming nagpapanggap ka kanina na hindi mo alam iyong huling sagot. Alam naming alam mo iyon" ang sabi ni Hanz.

Nahalata pala nila iyon? Papano? Grabe ang akting ko doon. Kung magtatanong kayo kung bakit ako nagpanggap na hindi ko alam o nahihirapan ako sa pagsagot sa huling tanong ni King Khufu ay para sakyan si King Khufu. Kanina pa kasi reklamo nang reklamo si King Khufu kung bakit ko lagi nasasagot ang logic questions o di kaya ay mga Common Riddles niya. Sobrang simple parang hindi ako pinawisan kanina. Ang dali-dali kaya ng mga tanaong niya. Ikaw? Nasagot mo ba? Ano ang mga sagot?

"Sumabay lang kami sa iyo kanina, Katara at sinakyan lang namin si King Khufu" ang sabi ni Mateo.

"Ganun ba? Sayang todo pa naman ang effort ko doon" ang sabi ko sa kaniya.

"Hindi ka bagay sa akting Katara, bagay ka sa comedy kahit hindi ka na magsasalit matatawa na kami agad" ang wika ni Gerome.

"Bakit? Anong nakakatawa sa akin" ang tanong ko kay Gerome.

"Ano ang nakakatawa?" ang sabi ni Gerome. "Tanungin mo ang sarili mo dahil ikaw lang ang makakasagot sa tanong mo" ang dagdag ni Gerome. Parang nagbibiro sila at ako lang ang hindi nakagets ano kaya iyon?

"Tama na iyan!" ang pagputol ni Terri.

Nahinto ako sa paglalakad. Habang nauna na sina Terri, Gerome at Mateo. Ano kaya ang tinutukoy nila? Anong ibig sabihin doon?

Ilang sandali biglang lumapit si Hanz sa akin at sinabihan ako ng...

"Huwag kang maniwala sa kanila, Katara! Maganda ka" ang sabi ni Hanz sa akin.

Hala! Mukha ko pala ang tinutukoy ni Gerome. Bakit pangit ba ako? Kapalit- palit ba ako? Then why?

Buti naman nandiyan si Hanz, my PRINCE. Buti pa si Hanz may tiwala sa akin. Parang si Hanz lang yata ang hindi malabo ang mata. Baka? Nabulat na sila Terri, Gerome at Mateo.

"Halika na! Katara!" ang sigaw ni Terri.

Naglakad na ako at nagpatuloy sa paglalakbay. Halos pinapawisan kami at nauuhaw na dahil sa init ng lugar. Wait! May malamig ba na desyerto?

Buti na lamang may dala kaming tubig. Grabe ang pagkauhaw na nadama namin halos maubos ang dala at naipong tubig namin. Bahala na basta't hindi kami mamamatay sa uhaw.

"Ahhhh!" ang sigaw ni Terri nang nakita niya ang mga WOLVES na naninirahan sa desyerto.

Parang gutom na gutom na ang mga lobo at naglalaway na sa uhaw. Hindi lang isa, hindi lang dalawa at syempre hindi lang tatlo dahil limang lobo ang nagpapalibot sa amin. Tamang- tama lima kami lima rin ang mga lobo, hindi sila mag- aagawan. Paano na iyan?

Inilabas ko ang espada ko at inilabas rin ni Hanz ang dala niyang espada. May hawak na maliit na kutsilyo si Terri, mga pamalo naman ang handa nila Mateo at Gerome.

Ginamit namin ang mga sandata namin para labanan ang mga nagugutom na lobo. Ngunit ang mga ito ay hindi sapat para matalo sila dahil masyado silang malakas at hindi namin sila natatamaan dahil alisto sila at aktibo.

"Pano na 'to? Katara ano ang gagawin natin?" ang pag- aalala ni Terri parang iniisip na niya na mamamatay na kami. Siguro ang tingin na ng mga lobo sa amin ay mga masasarap at pesko na karne.

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon