Chapter 59: The Penalty

1.7K 30 0
                                    


Prince Hanz' Point of View
[Be a killer with my brother, killing my own family]

Namatayan na ng kapatid at ina si Katara, namatayan na ng Reyna ang mamamayan ng Valor. At dahil iyon sa pamilya ko. Dahil iyon sa inyo. Di sana ito mangyayari kung hindi kayo nagpalinlang sa bruhang si Emilla. Kaya ngayon, kailangan ko kayo bigyan ng gantimpala at iyon ay nararapat sa inyo. Isang gantimpala, isang kamatayan at gantimpala niyo. Patawad pero gagawin ko iyon para sa ikabubuti ng lahat.

Alam kong kaunti na lamang ang aking lakas pero kakayanin ko ito para matapos na ang gulo.

"Oh? Ano Hanz? Suko ka na?" ang tanong ni Albert sa akin, ang panganay kong kapatid na ang alam lang niya ay ang pagalitin ako.

"Huwag kang mangarap ng wala sa oras, Albert" ang sagot. "Alam kong nagugutom na kayo, iyan lamunin niyo" ang sigaw ko tapos may naglabasan na matutulis na kutsilyo sa kamay ko, ang kapangyarihan ng 'KNIVES'.

Sayang naman iyong atake ko agad nakagawa ng panangga sina Albert at Brendon. Pero hindi nakawala sa atake ko sina Carlos at Daniel, ang dalawang pinakabata sa kanilang apat. Natumba ang dalawa at puno ng mga sugat ang kanilang mga katawan. Maraming mga kutsilyong nakabaon sa katawan nila at puro mantsa ng dugo ang nababahid sa kanilang kasuotan. Nagulat sila Albert sa nakita nila at alam kong galit na galit na siya at nais na niyang maghiganti. Iyan ang nais kong iparamdam sa inyo, ang galit at poot na ipinaramdam niyo sa lahat ng tao at ang pamilya ni Katara.


"Ito ang nararapat sa iyo!" ang sigaw ni Albert. Gumawa siya ng atake na gawa sa apoy ngunit mali siya dahil naunahan ko na siya. Bago pa siya tumira umatake na agad ako ng mga pana na papunta sa kaniya. Hindi siya nakaiwas at lahat ng pana ay nasagip niya. Gulat na gulat si Brendon dahil isa-isa ko na silang pinapatay.


"Oh? Ano na Brendon? Suko ka na?" kita ko sa mga mata niya na takot na takot na siya. Nanginginig na ang bibig niya at bawat salita na lumalabas sa bibig niya ay naiimpluwensiyahan ng kaba, takot at galit.

"Kung mamatay man ako, mamamatay ako na kasama sila! Mamamatay ako na nakakamit ang hustisya" ang sigaw ni Brendon. Gamit ang kapangyarihan niya, gumawa siya ng isang bagyo at malakas na ulan, gamit ang malakas na kidlat tinangkaan niya akong pakuryentehin nito pero nagkakamali siya. Ginamit ko ang gapangyarihan niya bilang advantage ko. Ang kapangyarihan ko ay KNIVES at ito ay puro bakal. Alam kong konduktor ng kurtente ang mga bakal, kaya mapapatay siya sa sarili niyang kapangyarihan.
Umatake ako ng mga matutulis na bagay nang natamaan nito ng kuryente at patungo ito sa direksyon ni Brendon, natamaan siya at nakuryente. Dahil sa lakas ng pwersa at atake hindi na siya nakaligtas at nawalan na ng buhay.

Napahinga ako ng malalim. Lumingon ako sa direksyon ni Gerald. Natutuwa ako dahil may kapatid pa akong hindi kumampi sa kasamaan at nanatili sa kabutihan. Kinakalaban pa rin ang aming ama na taksil din at masama.

"Ano Gerald? Anak? Anak nga ba kita? Wala akong anak na mahina tulad mo at wala akong anak na bobo!" sigaw ni King Anthon. Patuloy pa rin niya inaatake si Gerald.

"Talaga ba na ako iyong mahina? 'Di bale ng mahina basta may dignidad at kampi sa mabuti" ang sagot naman ni Gerald. "Ito ang tanggapin mo! Nararapat iyan sayo!"

Sunod sunod umatake si Gerald ng mga malalaking bato na nakikita niya. Gamit ang kapangyarihan niya na nakokontrol ang anumang bagay, kinontrol niya ang mga malalaking bato at mga nabibiyak na lupa at itinira ito kay King Anthon.

Ngunit ang kapangyarihan ni King Anthon ay masyadong malakas at hindi sapat ang mga atake ni Gerald para talunin siya.

"Ahhhhhhhhh!!!" mga sigaw nila.

Tinulungan ko si Gerald at umatake rin ako ng mga matutulis na bagay gaya ng kutsilyo, mga pana at iba pang mga bagay. Tumulong na rin si Korra at umatake rin siya ng tubig na kapangyarihan niya.


Dahil sa pagtutulongan naming tatlo natalo namin siya at bigla na lang naglaho ang katawan niya. Na para bang nasunog at naglaho lang ng parang bula.

Marami ng namatay at patuloy pa rin kinakalaban ni Katara si Queen Emilla. At alam naming malapit na namib makakamit ang tagumpay at ang kapayapaan.













"

--mr_dedenne--
Thank you for reading!

Pasensya na po dahil hindi po ako marunong magsulat ng fight scenes. ;(

PLEASE: VOTE AND COMMENT
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon