Chapter 44: The Jackpot!

1.3K 78 0
                                    

"Punta kayo dito! Dali! Bilis!"

Kay laki ang pagtataka namin dahil bigla na lamang sumaya ang mukha ni Hanz. Para bang may dala siyang magandang balita. Ano kaya iyon? Nakita na kaya niya ang dalawang gemstones na hinahanap namin? Malabo naman iyon, masyadong madali! Siguro may nakita na siyang daan papunta sa loob, dahil alam namin na matatagpuan ang dalawang gemstones sa loob at ilalim ng bulkan, kumbaga isang kweba ang dadaanan namin para makapasok. Isang kweba papunta sa ilalim ng bulkan. May Lava at Magma kaya doon? Nakakatakot naman, baka mahulog ako doon. Okay lang alam ko naman na sasaluin ako ni Prince Hanz.

"Hoy! Katara ano pa ang ginagawa mo?" ang sabi ni Terri. Nagulat ako doon sa sinabi niya para bang isang busina ng sasakyan na nakakabingi.

"Ano ba iyang iniisip mo? Bakit ngumingiti ka? Abot langit ngiti mo o." tanong ni Gerome. Grabe naman siya kahit naman umabot itong ngiti ko sa langit maganda pa rin naman.

"Hoy! Halika na!" sigaw ni Mateo. Kakahiya na!

"Ay, sorry na!" ang sabi ko. Sumunod ako sa kanila hanggang makaabot kami sa pasukan ng kweba kung saan naroroon si Hanz.

Ano kaya ang nasa loob?

Makikita na kaya namin ang Huling Dalawang Gemstone?

Makukumpleto ko na kaya?


"So shall we? Punta na tayo doon. Kanina pa naghihintay ang dalawang gemstones doon" ang sabi ni Hanz. Sigurado siya sa sinabi niya? It means nakita na niya ang dalawang gemstones, di sana kinuha na niya.

"Nagbibiro ka ba?" ang tanong ko. "Nakita mo na ang dalawang Gems?"

"Joke lang!"

Akala ko naman nakita na niya. Marunong na palang magbiro si Hanz?

Naglakad na kami papasok sa kuweba. Medyo malayo pa ang lalakarin namin pababa. Hindi naman madilim at hindi rin maliwanag, sakto lang. Ang taas naman itong daan na ito! Masakit na itong uncles ko, saka paa ko.

"It's long way down---"

"Malayo pa ba?" ang reklamo ni Terri. Kahit ako magrereklamo na dahil ang layo na ng nilakad namin ngunit hindi pa kami umabot.

"Maniwala ka na sa FOREVER, BABE!" ang sabi ni Gerome kay Terri habang hinahawakan ang kamay nito. Ano iyong malaswang na word na narinig ko? Babe? Uso pala iyan ngayon. Kahit kami ni Hanz, pero hindi naman kami nagtatawagan ng ganyan a. Ang laswa ng tawagan nila. So ewe. Duh!

Napansin ko naman ang pagkakakilig ni Terri. Ugh! Landi talaga ng dalawang ito. Habang sina Hanz at Mateo naman nakangiti naman na para bang nag-aalinlangang ngumiti.

Uminit naman ang temperatura at ibig sabihin nito malapit na kami sa pinakailalim ng bulkan. Di ko ma explain ang temperatura, yes mainit siya pero hindi naman nakakatunaw.

"Malapit na tayo guys" ang magandang balita ni Prince Hanz. Yes malapit na talaga kami. At malapit na rin kami sa...

Sasabihin ko na sana ang gusto kong sabihin ngunit naunahan ako ni Mateo na para bang nabasa niya ang naisip ko o sadyang pareho lang kami ng ideya, we're the same, we're intelligent.


"Yes, malapit na rin tayo sa impyerno" ang biro ni Mateo. Ganun din ang sasabihin ko e. Naunahan lang ako ng lalaking ito. Sa susunod gagalingan ko para maunahan ko siya. Haha! Magaling din ito no!

~~~~~~~~~~~~~

Ilang sandali umabot at nakarating na rin kami sa impyerno este sa pinakailalim ng bulkan. Siguro nasa Mantle na kami or sa Crust pa siguro. Pero ang init e. Parang sa inner core, pero hindi naman siguro masyado lang akong matalino at OA.

Makitid ang daan. Parang matigas na tulay na gawa sa bato at ang ilalim naman nito ay isang ilog? River of Lavas, lsang nagliliyab na lava ang nasa ibaba. Na kung mahulog kami ay siguradong malulunod kami sa lava at magiging toasted human na kami.

Nakakatakot, nakakakaba, nakakabaliw, nakakatindig-balahibo, nakakabakla.

Ewan ko kung dadaan ako sa tulay na iyon. Pero kailangan namin dumaan doon. Hindi namin maiwasang matakot at manginig.

"Ano Katara? Tutuloy pa ba tayo?" ang tanong ni Hanz.


Buhay ang kapalit sa dalawang Gems. Mamamatay kami kung hindi kami mag-iingat.

Buhay ang mawawala pero buhay rin naman ang Dalawang Gemstones. Iyon ang magliligtas sa aming lahat. Ang gems na iyon ang siyang buhay namin. Kaya kailangan kung gawin ito. Huwag kang matakot. Ngayon pa ako matatakot, sa dami ng problema na dinaanan namin saka pa ako susuko? No, you're wrong Katara. Kailangan ko itong gawin. Bahala na si Batman.

"No! Kailangan natin tumawid sa tulay na ito. Ang nararapat nating gawin ay mag-ingat." ang sabi ko sa kanila. Napansin ko namn si Terri na parang ayaw dumaan dahil sa takot.


"Sigurado ka Katara?" tanong niya.


"Yes, I'm pretty sure!" sagot ko sa kaniya. "Huwag ka ng sumama Terri, samahan mo si Terri, Gerome. Samahan mo naman ako Hanz, nasa sa iyo na Mateo ku g sasamahan mo kami ni Hanz" ang sabi ko sa kanilang lahat.

"Sasamahan ko kayo Katara!" wika ni Mateo.


Halos isang metro ang lawak ng daan at hindi ko mabilang kung gaano kataas ang lalakarin namin. Nagsimula na kaming maglakad tatlo papunta kung saan-saan.

"Mag-ingat kayo, Katara" pag-aala ni Terri. Gumanti lang ako ng ngiti sa sa kanilang dalawa.


"Babalik kaming lahat na walang labis at kulang." ang wika ko.

"Promise!"

"Babalik kaming tatlo na dala ang dalawang Gemstones. Huwag kayong mag-aalala sa amin, aalahanin niyo ang sarili niyo. Baka pagbalik namin may ka ng sanggol" ang biro ko sa kaniya para mabawasan ang pag-aalala sa amin.


"Bye!"

"Bye!"



Naglakad na kami. Umabot sa labing-limang minuto ang paglalakad namin.


Bawat hakbang namin ay iniingatan talaga namin dahil isang mali mo lang mawawala na ang pinaghihirapan mo.

Hindi namin hinahayaan ang takot na sumibol sa aming mga puso dahil alam namin na ito ang sisira sa lahat.

Kaya kailangan naming mag-ingat para hindi kami mahulog lalo na't alam namin na walang tao sa ibaba para saluin kami.

Sa sitwasyong ito, hindi puso kundi isip at mata ang kailangan naming gamitin para makatawid sa pagsubok na nararanasan namin ngayon.

Ilang sandali umabot na rin kami at nalagpasan ang panganib na na dinaanan namin. Naglibot-libot kami at nagmasid-masid.

Nahirapan kami sa paghahanap sa dalawang Gems. Saan kaya nakalagay ang Dalawang Gemstones? Saan namin makikita ang dalawang Gems?

Ilang sandali........


"Jackpot!"


"Is that the..."






--mr_dedenne--

Thank you for reading!

Sa susunod na chapter makukuha na kaya nila ang dalawang gemstones? Ano kaya iyong sinasabi nilang JACKPOT?

PLEASE: VOTE AND COMMENT
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon