Chapter 24: Aquamarine, The Stonecold Treasure.

1.7K 102 2
                                    


Katara?

Katara?

Katara wake up!

Nagising ako nang aking narinig ang paulit-ulit na sambit ng aking pangalan at saka sa katatapik-tapik ng mukha ko ni Terri.

"Buti naman Katara nagising ka na" ang sabi nito. Nakita ko ang ngiti ng labi ni Terri nang nakita niya akong gumising na. Naramdaman ko ang pagkahilo at panghihina.

"Okay ka lang ba?" ang tanong niya sa akin. Hindi ko na naalala ang buong detalye, ngunit ang alam ko lang inatake ako ng apat na kapatid ni Hanz kaya ako nawalan ng malay.

"Anyare?" ang tanong ko. Habang pilit minumulat ang aking mga mata at pilit rin tumayo para lumakas.

"Maupo ka muna, sabi ni Hanz nawalan ka raw ng malay nang inatake ka ng dalawang tao" ang sabi niya sa akin.

"Buti naman, maayos na kayo. Teka saan na ba sina Gerome at Mateo? At saan na rin si Hanz? " ang tuloy-tuloy kong tanong.

"Andoon sila o!" ang sagot niya habang itinuturo sila Hanz na malapit sa trono ng Ice King. Abala sila sa ginagawa nila.

"Saan na sila Albert. Patay na ba sila?" ang tanong ko.

"Andoon sila o!" ang marahan na pagsalita ni Terri.

Nakita ko ang duguang mga kapatid ni Hanz. Nagulat at naawa na rin sa sinapit ng kaniyang mga kapatid. Puno ng mga sugat ang katawan ng mga kapatid ni Hanz. Mga sugat ng nakabaon na mga kutsilyo at matatalim na bagay kung saan alam kong kagagawan ito ni Hanz.

"Terri, tulongan mo akong tumayo at puntahan natin sila" ang pakiusap ko sa kaniya. Inalayan ako ni Terri papunta kina Hanz na abala sa pagtatali sa kaniyang kapatid sa may poste.

"Ano ang pinaggagawa mo Hanz" ang tanong ko sa kaniya. Hindi ako makapagbigay ng impormasyon, dahil 'di ko alam kung patay na ba sila Albert o buhay pa. Hindi mo makuha sa tingin para masabing patay na sila. Grabe ang pagkapinsala ng buong katawan ng mga kapatid ni Hanz.

"Kailangan natin siyang taliin bago siya magkaroon ng malay, buhay pa sila Katara at ayaw ko ulit na saktan ka niya, saktan tayo nila" ang sabi ni Hanz na puno ng pagkagalit at inis. Itatanong ko sana kung buhay ang kapatid niya pero nasabi na naman niya. Bigla nanlaki ang aking mata ng binigay ni Hanz ang Aquamarine Gemstone.

"Katara! Ang ikaapat na gemstone" ang sabi ni Hanz sabay bigay ang Aquamarine Gemstone.

"Hanz, sorry pero, sa tingin ko kailangan natin silang gamutin" ang pag-aalinlangan kong sabi. Alam kong tututol sila sa akin at ikinagagalit ito ni Hanz pero tao rin sila at kapatid din sila ni Hanz. Hindi naman masamang magmalasakit at tumulong ng ibang tao lalo na't pamilya mo pa.

"Ano? Katara! Naisip mo ba kung gaano kalaki ng kasalanan na ginawa nila sa atin. Sinaktan ka nila Katara" ang sabi niya. Napansin ko rin sila Terri, Gerome at Mateo na tutol rin sa sinabi ko.

"Pero Kapatid mo sila Hanz!" ang ikinaganti ko. Hindi ko alam kung paano ko sila kukumbinsihin pero alam kung kailangan kong tulongan ang kapatid ni Hanz.

"Noon iyon! Hindi ko na sila KAPATID!" ang sabi ni Hanz. Alam kong galit na galit na siya pero sa sitwasyon ngayon ay kailangan niya ng isang pamilya.

"Ganyan ka na ba kasama Hanz? Kahit pagbali-baliktarin mo pa ang mundo, kaibigan mo sila at habambuhay na iyon!" ang pagkumbinsi ko sa kaniya. Nahula na rin ako dahil sa sinabi ko. Hindi ko lubos maisip na ganun na pala ang naging pagbabago sa sarili ni Hanz. Sana maisip naman niya na masaya ang magkaroon ng pamilya kahit na inaapi ka pa. Ewan ko ba!

"Gawin mo ang gusto mo Katara kahit ito'y labag sa gusto namin. Gawin mo!" ang sabi ni Hanz sa akin pagkatapos ito'y lumabas sa palasyo at doon na lang kami hinintay sa labas.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo Katara?" ang tanong ni Terri.

"Pati kayo pipigilin niyo ako. Hoy! Tandaan niyo ordinaryong tao tayo at hindi tayo mamamatay tao" ang saad ko sa kanila. Ala kong tama ang ginagawa ko.

"Katara, sarili mo lang naman ang iniisip naming lahat pati na rin si Hanz. Oo, ordinaryo lang kami pero iba ka sa amin, Isa kang prinsesa Katara" ang sabi ni Gerome.

"Pero isipin niyo rin. Kapag kayo ang nasa sitwasyon nila. Hihingi rin naman kayo ng tulong 'di ba?" ang saad ko.

"Bahala ka na, It's your choice. Gawin mo na ang mga bagay na tama para sa iyo" ang sabi ni Mateo.

"Salamat, gagamutin ko sila pero hindi ko tatanggalin ang gapos" ang sabi ko.

Kinuha ko ang Sapphire Gemstone dahik alam kong iyon ang magpapagaling sa kanila. Sapphire Gemstone can cure any ill, Sapphire is a source of remedy. Iniharap ko sa kanila ang Sapphire Gemstone. Oo gumana nga pero hindi masyado nakaepekto sa kanila. Sa tingin ko hindi sapat ang Sapphire Gemstone para pagalingin ko sila, malubha ang sakit nila ngayon kaya parang kailangan ng mas malakas na gamot para ikakabuti at ikakaayos ng sugat nila.

"Katara! Subukan mo ang Aquamarine Gemstone baka dun gumaling sila" ang suhesiyon ni Terri.

Sinubukan ko ang suhesyon ni Terri. Iniharap ko ang Aquamarine Gemstone na ibinigay ni Hanz kanina sa akin sa mga kapatid niya. Maya-maya unti-unting naghilom ang sugat ng mga kapatid ni Hanz. Ngunit wala pa ring malay.

Gumagamot rin pala ng sugat ang Aquamarine Gemstone gaya ng Sapphire Gemstone.

"Katara! Tayo na bago pa sila magkaroon ng malay, hayaan mo na silang nakatali diyan" anyaya ni Terri sa akin.

"Oo nga tara na!" ang saad ni Gerome.

Umalis na nga kami, at dala-dala ko ang Aquamarine Gemstone. Inilagay ko sa bag ko at laking salamat anim na lang ang kulang.

Nadatnan namin si Hanz sa labas na nakaantay sa amin habang nakasakay na sa Pegasus nila Albert.

"Sasakay tayo diyan?" ang tanong ni Terri.

"Yes!"

"Mas mabuti na iyon para mas mahirapan sila Albert makaalis sa lugar dito. Parusa na nila iyon" ang saad ni Mateo.

"Tamang tama. Kailangan natin iyan dahil pupunta tayo sa SKY, SKY CASTLE. Ang susunod nating hahanapin ay ang ZIRCON GEMSTONE" ang sabi ko.

Apat ang nakita naming Pegasus at lima naman kami. Nakasakay na silang lahat at tag-iisa sila habang ako andito pa rin sa baba. Walang kibo si Hanz at parang nagatatampo.

"Katara dito ka na sa akin" ang sabi ni Terri.

"Salamat!"

Nag-umpisa ng lumipad ang sinasakyang Pegasus namin papunta sa Sky Castle.

Maiintindihan mo rin ako Hanz pero hindi iyon ngayon.

--mr_dedenne--

Thank you for reading!

Good Luck sa susunod na Adventure. Seeyah.

PLEASE: VOTE AND COMMENT.
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon