Chapter 23: Prince Hanz: He got the Power

1.9K 100 8
                                    


"Let's go!"

Naglakbay na kami papunta sa Ice Kingdom. Ayon sa libro ang Ice Kingdom ay abandunadong kaharian na pinamumunuan dati ng isang hari na si King Frozt. Naging biktima rin ang kahariang 'to sa kamay ni Queen Emilla.

Talagang marami na talaga ang nabiktima ni Queen Emilla kaya kailangan kong mahanap ang pito pang gemstones para mapigilan ko ang masamang balak ni Queen Emilla.

"Ice Kingdom? May palasyo ba tayong pupuntahan?" ang masiglang tanong ni Terri.

"Of course, Terri" ang sagot ko.

"My God, excited na ako makita ang ice castle." ang pagkagalak ni Terri na makita ang ice castle.

Kahit ako hindi ko maimagine ang itsura ng buong kaharian ng Ice kingdom. Ano kaya ang itsura nun?

Ilang sandali umabot kami sa lugar kung saan kitang- kita na namin ang Ice Castle.

"Iyan na ba Ice Castle?" ang tanong ni Terri. Halos napapatalon siya dahil sa pagkamangha.

"Yes, iyan na ang Ice Castle" ang sabi ko.

"Am I dreaming?" ang tanong ni Terri. Parang umuubra na naman ang pagka ignorante ni Terri.

"Tumigil ka nga Terri. Parang OA na eh!" ang sabi ko sa kaniya.

"Ang KONTRABIDA mo sa akin!" ang sabi ni Terri sa akin.

"Oh! Syasya! Tara!" ang pagputol ni Mateo sa aming usapan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang umabot kami sa may pintuan ng palasyo.

Sa aming paglalakad hindi ko inasahang bigla na itong naputol nang may kakaibang nakita si Terri.

"Oh!-MG Totoo ba ang nakikita ko?" ang tanong ni Terri nang nakita niya ang apay na pegasus na nakatayo lang sa labas ng pintuan ng palasyo. "Hindi ako makapaniwala talagang totoo ang mga Pegasus? Pwede ko bang sakyan sila?" ang tanong ni Terri sa akin. Ewan ko kung nababaliw na si Terri, lahat ng makikitang kakaiba at magaganda kinababaliwan niya, bakit hindi siya nababaliw sa akin maganda naman ako ah?

Tumingin ako kay Prince Hanz at napansin ko ang mukha niyang puno ng pagtataka. "Bakit Hanz?" ang tanong ko sa kaniya.

"Parang lahat na lang pamilyar. Kagabi iyong Kuwago na lumilipad parang pamilyar sa akin at iyang mga Pegasus rin" ang sabi ni Hanz. Hindi kaya'y...

"Hindi kaya'y.." ang naputol kong saad kay Hanz.

"Tama ang iniisip mo Katara, posibling may sumusunod sa atin at iyon ang kampon ni King Anthon" ang hinala ni Hanz.

"Mas mabuti pang gawin natin ngayon ay pasukin na ang palasyo" ang sabi ko.

Pumasok nga kami gaya ng sinabi ko. Hindi ko na pinansin ang napakagandang desenyo ng Palasyo dahil sa pagkagulat namin ng nadatnan namin sina...

"Prince Albert, Brendon! Carlos! Daniel" ang sigaw ni Hanz isa-isa sa mga kapatid niya. "Sabi ko na nga ba eh! Totoo ang hinala ko. Totoo ang sabi ni Katara" ang sigaw ni Hanz. May kalayuan ang distansya namin sa mga kapatid ni Hanz. Kaya kailangan naming sumigaw para marinig nila ang pinagsasabi namin.

"Oo tama ang hinala mo Hanz!" ang sabi ni Albert. Mas nagulat ako ng nakita ko ang Aquamarine Gemstone na hawak-hawak na ni Albert.

"Ano ang ginagawa niyo dito! Ibigay niyo ang Aquamarine Gemstone!" ang sigaw ni Hanz.

"Ano kami tanga? Nag-effort kaming pumunta dito para kunin ang Gem na ito tapos ibibigay lang namin ito sa iyo? Ano ka baliw?" ang sabi ni Albert. Nagtawanan ang lahat ng kapatid ni Hanz.

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Where stories live. Discover now