Chapter 19: Make Him Happy!

2K 116 9
                                    

"Hanggang sa muli" ang pahabol na sabi ni Queen Marianne or should I say my beloved Aunt Marianne.

Umalis na kami sa Kingdom of Enchanted River. At nagmove on na sa susunod na pupuntahan namin.

"Katara? Ano na ang susunod nating hahanapin." ang tanong ni Mateo. Parang si Mateo na lang lagi ang nagtatanong sa akin ng ganiyan.

"Gusto ko iyong Zircon Gemstone, ang Wind Quirk" ang sabi ni Gerome.

"Bakit?" ang tanong ko.

"Para COOL!" ang sagot naman ni Gerome with the SWAG. "Ikaw Mateo?"

"Gusto ko sana iyong Ruby Gemstone, iyong Fire Quirks dahil gusto kong makita ang nagliliyab at nagsisiklab na apoy" ang sabi ni Mateo habang iniimagine niya ang naiisip niya.

"Hanep!" ang wika ni Terri. " Ako gusto ko iyong lightning" ang wika ni Terri.

"Bakit naman?" ang tanong ni Mateo.

"Nais ko sanang magtanong sa Lightning eh! Kung bakit sa tuwing kumakanta ako bigla na lang umuulan at may kidlat pa ng napakalakas" ang sagot ni Terri.

"Alam mo Terri hindi namin kasalanan iyan at syempre sana huwag mong sisihin ang Kidlat no?" ang sabi ko.

"Ikaw? Hanz anong gusto mo?" tanong ni Gerome.

"Ako? Iyong Amethyst Gemstone!" ang sagot ni Prince Hanz.

"Ano ba ang nasa Amethyst?" tanong ni Mateo. Aba himala parang may pake si Mateo ngayon kay Hanz ah!

"Amethyst ay Force Quirk kasi iyon, gusto ko kasing palakasin ang sarili ko" ang sabi ni Hanz.

Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Prince Hanz. "Bakit ano ba ang palalakasin mo, ang buong katawan mo? Bakit ba para maghigante sa mga kapatid mo?" ang tanong ko kay Hanz.

"Hindi pisikal ang palalakasin ko, nais kong palakasin ang loob ko" ang wika ni Hanz.

"Bakit ba?" ang tanong ni Terri.

"Ewan ko ba. Bakit ba ang hinahina ko, may mali kasi sa akin eh! Ang duwag nito! Ang hina nito! Ang bobo nito!" ang wika ni Hanz.

"Anong BOBO, DUWAG at HINA?" ang tanong ko.

"Ang hina kasi nito Katara eh! Ang hina nitong puso ko. Bakit ko pa naging kapatid ko sila? Bakit patuloy ko silang kinukunsinte? Bakit ako pa ang kailangan masaktan? Bakit ko pa patuloy pinapatawad sila?" ang mga tanong ni Hanz habang tumutulo ang kaniyang luha.

"Hindi puso mo ang nagkasala kundi ang isipan mo dahil ang isip ang nagdidikta sa puso mo." Ang payo o sa kaniya.

"Tara na nga!" ang pagputol ni Hanz sa usapan. Umiiyak si Hanz habang naglalakad.

Hindi ko inakalang may hugot pa lang ganoon si Prince Hanz. Maganda iyan! Ang sarap kaya sa pakiramdam if nailabas mo na ang buong hinanakit ng puso mo. Pareho tayo Hanz, isa rin akong biktima ng pang- aapi ng aking mga kapatid. Pero kapatid ko pa rin sila at kailangan kong mahalin sila dahil iyon ang nararapat.

"Balik tayo sa Gemstone, ano nga ba ang sunod na hahanapin natin?" ang tanong ni Mateo.

"Actually, walang nakatama dahil ayon sa libro ang susunod nating hahanapin ay ang Gemstone of Ice Quirk" ang sabi ko. "It means ang hahanapin natin ay ang Aquamarine Gemstone" ang sabi ko.

"Woah! excited na ako lalo na't hindi ko pa nahahawakan ang snow" ang maignoranteng wika ni Terri.

Habang naglalakad hindi pa rin nawawala ang lungkot at lumbay ni Prince Hanz. Kaya sana maisip niyang maging masaya kahit minsan.

"Guys! Mag-isip nga kayo, mga bagay na ikasasaya ni Hanz" ang bulong ko sa kanila.

"Sige! May naisip na ako!" ang sabi ni Gerome. Talagang matalino si Gerome dahil ang bilis mag- isip.

"Ano?"

"Ang boring ng paglalakbay natin no? Guys may naisip ako. May joke ako gusto niyong marinig?" ang sabi ni Gerome. Aba! Ang ganda ng naisip niya huh! Talagang sasaya si Hanz sa ideyang ito.

"Ano!?"

"Anong tawag sa MALIIT NA UNAN?" ang tanong ni Gerome.

"Ano!?" tanong namin.

"Edi... UNAN-o" ang sabi ni Gerome.

"Aba! Pwede na!" ang sabi ni Terri. Tinignan ko ang mukha ni Prince Hanz ngunit poker face pa rin.

"Ako meron ako." sabi ni Mateo. " Anong hayop ang tumatahol?" ang tanong ni Mateo.

"Aso?" tanong ni Terri.

"Hindi.." sabi ni Mateo. "Ano!?"

"Edi.. WOLF! WOLF!" ang pagtahol ni Mateo.

"Haha!"

Napansin ko si Hanz na napapangiti na. Parang umubra na ang aming plano.

"Ito meron ako." sabi ni Terri. " sinong THOR ang nagbibigay mensahe sa lugar?" ang tanong ni Terri.

"Sino?" ang tanong namin.

"Edi.. THOR guide" ang sagit ni Terri.

Napansin ko na naman na natatawa na si Prince Hanz ngunit tinatago niya at ayaw niya itong pinapakita sa amin.

"Ikaw? Katara meron ka?" ang tanong ni Terri.

"Aba! Meron" ang sabi ko. "Anong tawag sa malaking tsunami?" ang tanong ko.

"Ano!?"

"Edi.. tsuMOMMY. Eh sa maliit?" ang tanong ko ulit.

"Ano!?"

"Edi tsuNANO" ang sagot ko.

Rinig namin ang mahinang pagtawa ni Hanz.

"Huwag mo ng itago Hanz, ilabas mo na. Itawa mo na iyan" ang sabi ko.

"Sorry huh!" ang pagpasensya ni Hanz.

"Ikaw Hanz meron ka?" ang tanong ni Terri.

"Aba! Meron ako, hindi ako magpapatalo. Anong tawag sa grupo ng BEAR?" ang tanong ni Hanz.

"Ano!?"

"Edi... BEARkada" ang sabi ni Hanz.
Nagtawanan kaming lahat. Aba! Pwede, hindi corny.

[[Ikaw baka may joke ka diyan, e-share mo na iyan. Just comment tignan natin if havey o walley iyan]]

Anong sabi ng macaroni sa mabilis na macaroni?

[[If alam niyo ang sagot kindly answer it in the comment box.]]

--mr_dedenne--

Thank you for reading!

Good Luck sa susunod na Chapter.

I know this is OA na chapter but sorry. I promise gagawin kong exciting ang susunod na chapter.

Excited na ba kayo?

PLEASE: VOTE AND COMMENT.
what can you say about this chapter?


Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Where stories live. Discover now