Chapter 40: Amethyst, The Fight and Force.

1.4K 88 0
                                    

"Narinig niyo ba iyon?" ang tanong ko sa kanila.

"Yes Katara, narinig namin na may magaganap na labanan dito at ang premyo ay ang hinahanap natin na ikawalong gemstone ang Amethyst Gemstone" ang sabi ni Prince Hanz na parang interesado na sumali sa paligsahan.


"Kailangan nating sumali dito, sinong gusto sumali sa inyo? Dahil sasali rin ako" ang tanong ko sa kanila. Tamang pagkakataon ito para mapadali ang pagkuha namin sa Amethyst Gemstone.

"Huwag na Katara, minsan napahamak ka na dahil sa pinaggagawa mo. Hayaan mo nang ako muna ang sasali sa laban na ito" ang pagpigil ni Hanz sa akin. Pero hindi pwede na tatanga-tanga kang ako dito, gusto ko ring makipaglaban no? Bakit hindi pwede.

"But gusto ko ring makatulong, hayaan niyo na ako" ang sabi ko sa kanila. Ayoko kong nakatanga lang no? Pinapanood si Hanz na nakikipaglaban habang ako? Wala.... tanga...

"Marami ka ng naitulong Katara!" sabi ni Prince Hanz. "Basta diyan ka lang at manood sa laban!" ang dagdag niya. Wala na akong magawa kundi sundin ang gusto nila at manood na lang sa laban ni Hanz.

"Sinong interesado sa laban?" ang sigaw ng isang matandang lalaki, mataba, may kalakihan ang katawan, with the mustache and beard pa.

"Ako!" ang sigaw ni Hanz habang itinataas ang kanang kamay niya.


"Sigurado ka? Malakas ang makakalaban mo dito, parang mahihirapan ka?" ang sabi ng lalaking sumisigaw kanina.

"Mukha ba akong nagbibiro?" ang sabi ni Hanz sabay tingin sa mata ng lalaki.

"Ang yabang mo bata! Tignan natin iyang kayabangan mo, tignan natin kung talagang malakas ka!" ang sabi ng lalaki sabay ngiti ala devil style.

Umakyat si Hanz sa isang ring kung saan makakalaban niya ang sinasabi ng lalaki. Pero bago pa siya umakyat may sinabi ako sa kaniya na dapat tatandaan niya.

"Hanz!"

"What?"


"Tandaan mo! Hindi mo pwedeng gamitin ang kapangyarihan dito. Sila ay ordinaryong tao lang at kung gagamitin mo iyon ay malalaman nila na isa kang maharlika, isa kang prinsipe" ang payo ko sa kaniya. Sana tuparin ni Prince Hanz ang bilin ko, para sa ikabubuti lang naman niya iyon e.

"Huwag kang mag-alala Katara, alam ko iyon, di ko gagamitin ang kapangyarihan ko gaya nga ng sinabi mo" ang sabi ni Prince Hanz sabay wink with smile pa. Gwapo talaga ng Prince Hanz ko.

"Mag-ingat ka!" ang bilin ko. Kindat lang ang ginanti niya sa akin. Nginitian ko na lang siya para may ganti rin ako.


Pumasok na nga siya sa ring at nag-abang. Ilang sandali pumasok na rin ang makakalaban niyang lalaki. Malaki ang katawan, may malaking bigote at mahabang buhok. Medyo maitim at may malalaki na kamao. Parang mahihirapan si Prince Hanz dito. Sana matalo niya ang lalaking iyon.

Napapansin ko si Hanz na kinakabahan siya ngunit pinapakita niya sa amin na okay lang siya ayaw lang niya siguro na mag-aalala kami sa kaniya.

Agad bumigay ng isang suntok si Prince Hanz sa lalaki. Natamaan niya ang lalaki ngunit hindi iyon umubra, parang wala lang sa kaniya. Bilang ganti, sinuntok rin niya sa tiyan si Prince Hanz. Sa sobrang sakit, napaluhod si Hanz at napayuko.

"Hanz!"

Kita ko sa kaniyang mukha na nasaktan siya sa isang suntok na iyon. Nanghihina na siya ngunit alam niya na alam ko na hindi siya susuko, pilit siyang tumayo kahit na nanginginig na ang mga binti at paa niya.

Sa pagtayo niya, agad naman umatake ang lalaki ng isang sunod-sunod na atake. Sinuntok si Hanz sa mukha, hanggang sa tiyan. Marami ng sugat si Hanz, mga dugong tumutulo mula sa noo niya at mga pasa sa tiyan at mukha.

Muli napaluhod na naman siya at may lumalabas na dugo sa kaniyang bibig. Kung pwede lang gamitin ang kapangyarihan niya, e sana matagal na niyang natalo itong UGOK na ito.


Wala pang kalahating oras, ngunit puno na ng sugat at pasa si Hanz. Parang hindi na niya kaya. Nais ko siyang tulungan pero ayaw nila. Paano na ito?


"Hanz! Sumuko ka na, mapapahamak ka lang diyan!" ang sigaw ni Terri.

Hindi pa makatayo si Hanz ngunit sumugod na kaagad ang lalaki na iyon. Ayaw kong masaktan pa ng husto si Hanz, pero ano ang gagawin ko? Paano ko siya ililigtas?

"Tama na!" ang sigaw ko. Tumigil nga sa pag-atake ang lalaking UGOK. Nagtingin silang lahat sa akin. "Tama na ang laban! Ako na lang ang labanan mo!" ang sigaw ko ulit.

"Katara! Ano ang ginagawa mo?" ang bulong ni Terri. Halatang nabigla at nagulat sila sa desisiyon ko per ito lang kasi ang alam kung paraan para makuha ang gemstone at mailigtas na rin si Prince Hanz. Nagulat rin si Prince Hanz sa desisiyon ko. Alam kong tutol sila sa desisyon ko pero sana pagbigyan muna nila ako sa gayun.

"Aba! May bagong makakalaban ang ating kampeon, at isa pa siyang babae" ang sabi ng lalaki na may hawak na MIC.

Kinarga palabas sa ring si Hanz at pinaupo siya sa tabi nila Mateo, Gerome at Terri. Pumasok ako sa ring at naghanda sa atake ng lalaki.

"Mag-ingat ka Katara!"

"Galingan mo!"

"Kaya mo iyan!"

"Matatalo mo rin siya!"

Rinig ko ang buong suporta nila. Ilang sandali, agad umatake ang lalaki, at natamaan ako sa tiyan. Masakit nga!

Sa pangalawang pagkakataon, umatake siya muli ngunit sinuwerte ako dahil hindi niya ako natamaan. Bilang ganti sinuntok ko siya ng sunod-sunod na atake. Sinuntok ko siya sa mukha, tapos sa tiyan tapos sa buong katawan. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makaganti siya sa akin. Ang sunod-sunod na atakeng iyon ay nagdulot sa kaniya ng matinding sakit sa katawan at dumudugong sugat. Hindi ko na tinigil ang atake ko para lalo pa siyang masaktan at manalo na ako sa laban.

Sa tagal ng labanan, sa huling suntok ko siya natumba at natalo. Nahimatay siya at nawalan ng malay. Nagbilang ang lalaki na may dalang MIC. Pagkatapos ng sampung segundo. Idineklara na ng lalaki na ako na ang nanalo sa laban.


"Sa unang pagkakataon, natalo ni Katara ang kampeon natin. May bago tayong kampeon!" sabi niya. Nagpalakpakan ang lahat at nagsigawan. Agad niya binigay sa akin ang Amethyst Gemstone. At agad ko naman nilagay ito sa bag ko katabi sa iba pang gemstones.

Hindi ko alam na ganun lang pala kadali ang laban. Hindi ko naman minamaliit si Hanz pero talagang madali lang talunin ang ugok na iyon. Siguro natalo lang si Hanz dahik sa wala siyang tiwala sa kaniyang sarili at mahina ang kaniyang loob. Patunay ito na hindi siya handa sa darating na labanan. Ganti sa kaniyang mga kapatid at sa hari na si King Anthon.

Agad ako bumaba sa ring at pinuntahan si Hanz.


"Kailangan natin siya dalhin sa manggagamot!" sabi ko.

"Hindi pwede sa manggamot Katara, may alam akong pwede natin puntahan para matulungan si Hanz. Mas mapapadali ang paggaling ni Hanz doon" ang sabi ni Mateo.

"SAAN!?"







--mr_dedenne--

Thank you for reading!

Ang pangit ng chapter na ito no? Sorry po, baliw kasi ang author e.

PLEASE: VOTE AND COMMENT
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Where stories live. Discover now