Chapter 12: The Beginning of Our Journey.

2.9K 135 4
                                    


"Tapos na kayo? Nakapag- igib na ba kayo? Damihan ninyo dahil malayo pa ang pupuntahan natin at saka baka uhawin tayo ng husto" ang mga tanong sabay utos ni Mateo. Parang masyadong kontrabida siya ngayon, dahil nga ba kay Prince Hanz?

Masyado naman itong OA si Mateo. Masyadong nagmamadali para bang siya ang may kailangan sa paglalakbay na ito. Bakit kaya masyadong masungit at ang sama ng loob niya ngayon. Hindi kaya'y nagseselos siya. Haha! Assuming mo Katara.

"Wait saan ba kayo pupunta? Sasamahan ko kayo para naman makabawi ako sa tulong niyo sa akin. Kahit ano pa iyan gagawin at susundin ko. Kahit gaano pa iyan kalayo sasamahan ko kayo" ang pagpangako mi Prince Hanz.

"Prince Hanz, huwag na, Mas mabuti pang pumunta ka na sa kaharian namin" sabi ko sa kaniya.

"Huwag niyo na akong tawaging Prince Hanz. Hanz na lang. Okay na ako doon" ang sabi naman sabay ngiti with wink ng kaniyang right sparkling eye. "Ayaw ko nang pumunta doon baka awayin pa ako ng pito kong step brothers, mas mainam na ako na lang ang umiwas sa gulo" ang sabi niya.

"Sigurado ka ba?" ang tanong ko sabay ngiti na hindi pinapahalata. Pero alam kong masyadong halata ang ngiti ko. Basta!

"Oo, sasamahan ko kayo. Saan ba?" ang tanong niya na halatang kanina pa hinihintay ang sagot.

"Ewan ko, hindi namin alam kung saan patungo ang paglalakbay namin. Ang mission kasi namin ay hanapin itong sampung gemstones" sabi ko sa kaniya. Sabay ipinakita ang libro na may mga larawan ng bawat gemstone na hahanapin naming lahat.

"Iyan? Bakit? Anong purpose niyan. Para yumaman, prinsesa ka naman kailangan mo pa ng maraming salapi?" ang tanong niya.

"Ang totoo kasi niyan, wala akong powers hindi gaya mo. Lahat ng pamilya ko ay may kani- kaniyang kapangyarihan at ako lang ang walang powers. Kaya hahanapin ko ang mga gemstones and those gemstones will give me the powers that I want" sagot ko.

"Awh! Okay, parang matatagalan tayo niyan at parang mahihirapan din tayo" ang wika ni Hanz sabay haplos ng kaniyang nguso.

"Kaya pumunta ka na dahil alam kong mahihirapan tayo. Okay lang naman na hindi ka sumama eh! Ang pagtulong ay hindi kailangan ng kapalit sige na!" sabi ko sa kaniya.

"Hindi, Sasama ako hindi ba't nangako ako" ang sabi niya.

"Sure ka?" tanong ko.

"Basta sasama ako" ang sagot naman niya.

"Suss! Ang rami pang satsat. Sayang ang oras tara!" ang pagputol ni Mateo sa aming moment ni Hanz.

Ano kaya ang nangyari sa kaniya. Nagseselos ba siya? O sadyang assuming is me?

[Akala niya siguro na sobrang gwapo niya. Makalandi kay Katara sobrang-sobra. Lalaki nga naman bakit ang landi!  But wait! Nagseselos ba ako? Tumigil la nga Mateo!]

"Sige! Tayo na nga parang hindi na makapaghintay si Mateo" ang biro ko.

"Masyadong excited si Mateo! Haha!" ang biro naman ni Gerome. Tumingin ako kay Mateo at parang naiinis na siya't nagagalit na rin. Maghunos- dili ka Mateo...

KORRA's POINT OF VIEW

Successful nga ang nangyari sa pagdiriwang tungkol sa pagwelcome ng bagong hari sa kaharian.

Lahat ng tao ay nagsisiyahan. At kita ko ang mga ngiti ng bawat labi ng mga tao, at ang halakhak ng bawat tawa at tuwa ng mga taong nag-sisiyahan.

Kung nandito lang sana si Katara! Siguradong matatanaw at makikita ko ang kaniyang mga ngiti.

Namimiss ko na tuloy siya...

Sana masaya rin siya ngayon, saan na kaya siya ngayon?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon