Chapter 4: The Book of Clarity

4.1K 171 6
                                    

Buti naman natapos na rin itong paghuhugas ko ng pinggan. At paglilinis nitong napakarumi at napakalaking silid ng kusina. Tsk.

Oras na para umalis sa silid doon at oras na rin upang mamahinga.
Hindi na ako naghintay ng ilang minuto para umalis sa kusina, agad kong binuksan ang pintuan para lumabas.

Parang hindi makapigil ang aking mga paa sa paghakbang papalabas ng kusina.

Paglabas ko ng kusina bumungad sa akin ang mukha ni Korra na para bang kanina pa nakasilip sa akin sa loob ng kusina.

"Uh-oh!" ang nasabi ni Korra nang nakita ko siya. Alam niyang bistong-bisto ko na siya na kanina pa niya ako sinisilipan sa loob ng kusina.

"Oh, Korra nandito ka pala, kanina ka pa ba dito?" tanong ko kay Korra.

"Ahh! Oo, kanina pa ako dito. Tinitignan kita kanina pa, nais ko nga kitang tulongan. Pero baka ako pa ang parusahan ni Queen Olivia" wika ni Korra.

"Thank you for that pero hindi na kailangan, kinaya ko naman eh!" sabi ko. Kung alam mo lang na kanina pa ako nahihirpan dito. Tignan mo oh ang hagard ko na.

"Sige mauna na ako pupunta pa ako sa room ko eh, magbibihis pa ako." paalam ni Korra sa akin.

"Oo nga, parang kailangan mo ng magbihis" sabi ko habang minamasdan ang suot niyang damit na napakarumi at may mga dahon at putik pa na nakadikit sa suot niyang damit.

Napansin ko ang takbo ni Korra na sobrang bilis, parang hinahabol ng naglalaway na aso. Natawa na lamang ako.

Pumunta ako sa labas at nakita ko sina Keiara at Keiana na nakaupo sa mga benches doon sa royal garden. Habang ang grupo naman nina Tiara ay nandoon sa may Maze na nagsasanay pa kasali naman si Liana. Nakasakay sila sa kanilang mga kabayo.

Alam kong taliwas sa puso ni Liana ang sumama sa grupo ni Tiara. Napalitan siyang sumama dahil sa impluwensiya ni Veola, kung may lakas ng loob lang akong tulongan si Liana, eh matagal ko na siyang tinulongan.

Lahat sila ay may kaniya-kaniyang ginagawa at ako lang ang walang magawa. Parang ako lang ang parang tanga rito. Napaisip ako kung ano ang kaya ang maaaring gagawin ko pampalipas ng oras.

Ano kaya?

What a bright idea!

Agad akong naglakad para marating ang aking pupuntahan. Nilakad ko ang isang daang metro para makarating sa tamang oras.

Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang isang milyong librong nakalagay sa mga bookshelves. Ito ang ikalawang pagkakataon na pumasok ako dito sa Royal Library. Naalala ko noon noong una ako pumasok dito, kaunti lang ang mga libro kung ikukumpara ngayon at saka abala ako sa pagsasanay kaya hindi ko namamalayang may pagbabago pala sa kaharihan. 

Sa pagpasok ko, isang hakbang ko palang sa loob ng Library nagkaroon na agad ng ingay. Isang tinig ng isang marupok na sahig. Nakakagulat naman ito!

"Please be silent!" sabi ng Royal Librarian. Na nakasuot ng reading glasses habang nagbabasa ng isang libro at nagsusulat naman sa isa pang libro. Wow! Multitasking.

"Sorry po!" pagpasyensa ko sa babaeng Librarian.

Agad akong naglakad papunta sa mga libro. Wala akong maisip kong ano ang pipiliin kong babasahin na libro.

Parang ako ay nasa langit dahil sa katahimikan at kapayapaan na nadama. Binasa ko ang mga pamagat ng bawat libro na nakasulat sa bandang gilid ng libro. Sa rami ng librong nakadisplay sa bookshelves, isang libro lang ang nakanakaw sa pansin ko. Napansin ko ang pamagat ng libro na "The Book of Clarity" .

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Where stories live. Discover now