Kabanata 2

26.3K 418 12
                                    

Kabanata 2

Believe

Pagkagaling ko sa bahay nila albert, dumiretso agad ako sa kwarto. Grabe ang pagod ko, pero okay lang, saglit din kasing nawala ang mga problema ko.

"Where have you been?" baritonong tanong ni yano ng madatnan ko siyang nakahilata sa couch at nanonood ng tv.

"Oh!" nagform ng letter O ang bibig ko na waring gulat na gulat.
"May pakialam ka rin pala sa akin" Sarkastiko kong sambit

"Wag mo akong simulan, devon" banta niya. Inilingan ko lang siya at nag inat ng kamay.

"Woah, kapagod.." I shouted. Naaninag ko ang marahang paglingon niya sa akin, bago ko tuluyang ibagsak ang katawan ko sa kama.

"Your pregnant, devon." Muli ay mahihimigan mo ang pagbabanta sa boses niya. Napangiti tuloy ako. Concern din pala ang gago.

"I know, kaya nga iniwasan kong uminom ng alak" sagot ko.

Hinawakan ko ang tummy ko at hinaplos iyon. Kailan kaya ito uumbok? Ano kayang pakiramdam kapag malaki na ang tyan, siguro papangit ako. Siguro bibigat ang katawan ko. Napangiti ako sa mga naiisip ko. Napasadahan ko ng tingin si yano na nakatingin rin pala sa akin.

Ngumiti ako sa kanya pero inirapan lamang niya ako.

"Samahan mo ako bukas, may check-up ako" sambit ko.

Ngayon ay sa tv na ang atensyon niya. Kung sakaling sasamahan niya ako, ito ang unang beses. Minsan kasi tanong ng tanong ang doctor ko kung anong itsura ng ama ng dinadala ko, naeexcite daw kasi siya dahil maganda ang ina, gusto daw niyang makita ang ama para masabi niyang maganda talaga ang magiging itsura ng nabubuong bata.

"May date kami ni kara" sambit lang niya. Walang buhay, walang gana.

Napabusangot ako at nagtuloy sa paghiga. Kunot noo akong tumingin sa ibang direksyon. Hindi na ako umimik dahil pagod ako para kontrahin pa siya.

Pinikit ko lamang ang mata ko kahit hindi ko naman makuha ang tulog ko.

"Albert!"

Napaigtad ako dahil sa pagsigaw ni yano. Pagkalingon ko sa kanya ay nakapasak ang cellphone niya sa tenga.

"You shouldn't let her go there! damn you asshole" muli ay pagmumura niya sa kausap.

"Eh gago, buntis yung tao!" bulyaw muli niya sa kausap.
"Hindi, pero pinagod niyo, kapag talaga naging unhealthy ang anak ko, hindi ka na makakabalik ng pinas" pagbabata niya kay Albert, Its obvious naman na si Albert ang kausap niya. At ako ang pinag uusapan nila.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti at kiligin ng dahil doon.

"Wala akong pakialam kay devon, Sa anak ko ako may pakialam"

Agad napawi ang ngiti at kilig ko ng dahil sa pahabol niyang sinabi.

Tumayo ako at tumikhim. Napalingon naman siya sa akin. Hinayaan kong pagmasdan niya ang kilos ko, hindi ko nilabanan ang mga titig niya. Naiinis ako.

Dumiretso ako sa banyo at naghilamos ng mukha. Iyon lamang ang ginawa ko doon at lumabas din agad. Wala na siyang kausap sa cellphone ng makalabas ako ng banyo.

Nakahilata na muli siya sa couch at tutok sa tv.

"Kay danna nalang ako magpapasama bukas" bulaslas ko.

Nilingunan niya ako at tinanguan lang. Wala nga siyang pakialam.

Nakakabingi ang matagalang katahimikan, tanging ang pinapanood niyang basketball lamang ang naririnig.

Hindi ko pa naman makuha ang tulog ko. Binuksan ko nalang ang laptop at nag scan sa facebook.

Unang scroll ko palang ay nawalan na ako ng gana. Kara and her post. Magaling talagang manira ng araw ang babaeng 'to.

Picture niya at ni Yano ang nakapost, with the caption of Stay still. At ang gagong yano, nagcomment ng 'I love you' sana lang hindi yan makita ng mga magulang namin, kundi malalagot silang dalawa.

Inis kong pinindot ang react button na heart reaction. Pareho sa post ni kara at sa comment ni yano.

Matapos niyon ay nawalan na talaga ako ng gana. Pumikit ako at pinilit na makatulog pero sobrang ingay ng pinapanuod ng gago. Sa inis ko ay tumayo ako't pumulot ng unan tsaka binato ito sa kanya.

Nasapul ang mukha niya. Agad siyang napalingon sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"Anong problema mo" bulyaw niya. Inirapan ko siya at bwisit na muling binatuan ng unan.

"Fuck, anong problema mo!" sigaw muli niya.

"Patayin mo yang tv, hindi ako makatulog. Maingay" sambit ko.

"You dont need to throw pillow, pwede mo namang sabihin. Tch" singhal niya bago hinaan ang volume ng tv.

"Sinabi ko patayin mo" sigaw ko.

"Bakit ba!" bulyaw niya.

Para na kaming sira na nagsisigawan ngayon.

"Hindi nga ako makatulog"

"e'di huwag kang matulog" sagot lang niya. At ngayo'y tinaasan na lalo ag volume ng tv.

"Tangina mo" I talkshit him. "Pagod ako, yano. Please lang naman paghingain mo ako" bulyaw ko pa.

"Your fault, sino ba kasing brat ang magpapakapagod kung alam mong buntis ka at kailangan mo lang ay ang magpahinga." pangangaral niya.

"Huling araw ni Albert sa pinas. Kaibigan niya tayo, gusto niyang samahan natin siya bago siya umalis. Hindi ako katulad mo na puro lang kara, na kahit mawala na lahat ng kaibigan mo, huwag lang si kara." I shouted.

Walang pag alinlangan siyang tumayo at pinulit ang ibinato kong unan sa kanya, at binato ito sa akin pabalik. Sapul ang mukha ko.

"Kanina pa ako nagpipigil sayo, devon. Kung makapagsalita ka, salta ka lang naman sa barkada. Kung sa pamilya isa ka lang ampon. Pinakikisamahan ka lang, feel na feel mo naman." bugaw niya.

"Atleast akong sampid, pinapahalagahan ko sila. Ikaw? si kara lang naman mahalaga sayo diba?"

Hindi na siya nakatimpi ng inis sa akin, mabilis niyang nilakad ang kama kung saan ako naroon at inaktong susuntukin ako ngunit hindi niya matuloy tuloy, gustong gusto niya akong sapakin. Nakikita ko sa itsura niya ang gigil at pagtitimpi.

Pero ng mapigilan niya ang sarili ay napahilamos na lamang siya sa mukha.

"Pasalamat ka, buntis ka" banta niya sa akin.

Hindi ko napigilan ang pamumuo ng tubig sa mata ko. Kung hindi pala ay kaya niya akong pagbuhatan ng kamay.

Agad akong nagtalukbong ng comforter ng maramdaman ko ang panlalabo ng mata ko, kasabay ng pagkakahiga ko ay ang tuloy tuloy na pagbagsak ng luha ko.

"I not yet sure if I am the father of that child. Pasalamat ka kahit nagdududa palang ako, pinakasalan parin kita. Huwag na huwag mo akong sagarin, devon"

UNWANTED(COMPLETED)Where stories live. Discover now