Kabanata 27

22.2K 289 4
                                    

Kabanata 27

Lasted

"Si uno?" tanong ko kay yano ng bumalik siya sa kwarto na hindi kasama ang anak namin.

"Pinatulog ko na" sagot naman niya, makikita ang pagod sa mukha niya habang papikit mata na siyang umupo sa kama. Gusto kong hawiin ang magulong buhok niya at punasan ang nagkalat na pawis sa mukha niya ngunit pinigil ko ang sarili.

Pinaghandaan nga yata niya ang paggising ko at pagbabalik sa bahay na ito. May sariling kwarto si uno, hiwalay sa kwarto naming dalawa. Sa isang linggong pananatili ko na ditong muli ay nakaka-adjust naman na ako sa lahat. Kung dati ay ako ang dapat mag alaga at mang unawa sa kanya ay kabaliktaran na sa ngayon. Siya na itong maagang gumigising upang ipagluto kami ng anak namin. Siya nag aaruga sa amin, siya ang halos magpaligo, magpakain at nag aalaga sa anak namin. Kung tutuusin ay para akong donya sa bahay na ito, ginagawa niya akong prinsesa, which is gustong gusto ko rin naman. This is my dream, noon pa man ay pangarap ko na ito. And Im stupid kung hindi ko pa susulitin ang pagkakataong ganito. Alam kong kaunti nalang, makukuha na muli niya ako ng buong buo, o baka nga kanya na muli ako. Baka sinasabi ko lang na hindi ko pa kaya ngunit sa totoo ay hulog na hulog na naman talaga ako.

Minahal ko siya noon kahit walang kasiguraduhan, ano pa ngayon na marami na akong pinanghahawakan.

Pero nahihiya ako. Nahihiya akong ipakita na lahat ng ginagawa niya ay na-aapreciate ko. Alam kong mas sasaya siya at mai-inspire kung sakaling sabihin kong masaya ako sa lahat ng nakikita kong effort niya na lahat iyon ay na-appreciate ko at nakakapagpapataba ng aking puso.

"May swimming lesson bukas si uno, dev." halata sa boses niya ang pagod. Humilata siya sa kama, sa may paanan ko. Natawa ako dahil muntik pa niyang maingudngod ang mukha sa paa ko. Dahil sa nakapikit na siya at hindi iyon nakita, ako na mismo ang nag-adjust, mula sa pagkakaunat ng paa ko ay agad kong niyakap ang mga tuhod ko upang mailayo ito sa mukha niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili at hinaplos ang mukha nito. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya ngunit naglabas rin ng ngiti ang kanyang labi. Napangiti narin ako.

"Alam mong hindi ako marunong lumangoy. Kayo nalang" sagot ko sa inilathala niya kanina. Dumilat siya kaya agad kong nabawi ang tingin at hawak sa mukha niya.

"I'll teach you then. You should go with us, let's bond together, dev." waring pinal niyang saad. Natawa ako dahil naalala ko noong birthday niya nung highschool palang kami, nagpa-pool party siya. Nung mga panahong galit pa siya sa mundo at sa akin. Alam ng lahat na hindi ako marunong lumangoy at allergic ako sa mga swimming area. That time, I attended that party kasi birthday niya iyon. Hanggang sawsaw lang dapat ako ng paa sa tubig, ang kaso lang tinulak niya ako. I got drowned.

"It's funny right? the last time I remember, you try to drown me." natatawa kong sabi. Kung noon ay nanunuot ang sakit kapag naaalala ko iyon. Ngayon ay natatawa na lamang ako. Nakita ko ang pagbaba ng mood niya.

"Im sorry.." mababa nitong tugon.

"It's okay, yano. Bakit nga ba sobra nalang ang galit mo sa akin noon?" Seryoso kong tanong. Nakita kong napangiwi siya roon. Ang mga paggalaw ng daliri niya ay alam kong nate-tense siya. Mahirap bang sagutin ang tanong na iyon?

"Dahil kay kara? Do I fuck her life that much?" sagot ko habang nakangisi. Napatingin siya sa akin, nabuo ang iba ibang emosyon sa kanyang mga mata. Yano Kim, you're so damn cute when you are tense.

Hindi ko akalaing makikita ko rin pala ang ganitong reaksyon mula sa kanya na ako ang dahilan. This is just my dream, a dream that I know it's hard to aim. But right now? Nakikita ko, nararamdaman ko at alam kong nakamit ko na ang pangarap na iyon.

"Devon naman." asik niya.

Humalakhak ako at tinapik ang ulo niya. Maging ang mga ito ay nagagawa ko narin sa kanya na muli  noon ay mga pangarap ko lamang.

Tumango ako at inayos ang unan upang makahiga siya ng maayos. Nahihiya akong magpakita ng concern sa kanya ngunit hindi ko ito kayang pigilan. Yano is so gwapo to resist.

Habang inaayos ko ang ulo niya sa unan ay ginagap niya ang isang kamay ko na nakahawak roon. Nakapikit siya pero pinanood ko ang mukha niya na naglabas ng malaki at totoong ngiti. Hinalikan niya ang likod ng palad ko na hawak niya saka naglaro ang malokong ngiti sa labi niya kasabay ng pagmulat niya.

"Thank you..." husky niyang bulong habang nakatitig sa akin. I smile.

"Thank you for giving me a chance. My sins are unforgivable but you choose to still stay by my side. I think I am the luckiest man in the world that I have you. Why, dev? Hanggang ngayon napapatanong parin ako kung anong nagawa ko para mapasaakin ka. Ang swerte swerte ko dahil nahanap ni tadhana ang daan natin papunta sa isa't isa. Ang swerte ko dahil kahit gago ako, sa akin parin ang punta mo. Devon, nahihiya na ako sayo, gusto kong lumayo dahil pakiramdam ko hindi mo ako deserve pero paano naman ako? Devon, ikaw na ngayon ang buhay ko, kayo ni uno. Kahit pa siguro umulan ng kara sa mundo, alam ko na ngayon ang totoong mundo ko. Ikaw ang mundo ko, at nagpapasalamat ako dahil sa pagkawala ko ng landas nahanap ko parin ang totoong daan papunta sayo. Thank you, thank you. I love you so much, baby."

Walang pagsidlan ang saya at galak na nararamdaman ko dahil sa inilathala niya, bagay na pilit kong kinalkal sa loob loob ko nitong mga nakaraan araw. Ngayon ay nagawa niya itong buksan at muling iparamdam sa akin at alam ko paggising ko, isa lamang ang mabubuhay sa pagkatao ko. Iyong taos pusong muling pagtanggap ko sa lalaking minamahal ko. Sana ay ito na ang huli, sana ay wala ng mangyari, sana ay wala ng dahilan upang siya'y hindi manatili. Ang daming sana. Mga bagay na alam kong hindi madali at malayo sa katotohanan. Alam kong umpisa pa lamang ito. Umpisa ng bago naming mundo.

UNWANTED(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon