Kabanata 3

24.5K 365 6
                                    

Kabanata 3

Married

Being in relationship is hard, and been married is harder, But separation and annulment is the hardest. Sobrang hirap, lalo na kapag mahal mo talaga, kahit mapagod ka pa, kahit magsawa ka. Kung mahal mo, mahirap ang makipaghiwalay.

Ilang buwan na mula nang ikasal kami, Dalawang buwan narin ang baby ko. Medyo umuumbok na siya. Nakakatuwa.

"Aalis daw si kara?" untag sa akin ni danna. Nandito sila ngayon sa bahay. Sila nina Cad at Lou, Si Albert kasi finifeel maging oppa sa korea.

"Oh? Shoot! masosolo mo na si mister, devon" biro ni lou. Ngumiti ako ng pilit at pinaningkitan siya ng mata.

"As if..." I sigh. Wala o nandyan man si kara, siya at siya parin. Hindi ko kailanman mapapalitan iyon.

"Bakit ba kasi hinahayaan mo sila?" tanong Cad.

"Hindi ko sila hinahayaan. Hindi ko lang sila kayang pigilan." saad ko naman.

"Wow, kailan ka pa naging makata, devon?" pang aasar pa ni lou. Inirapan ko lamang siya at hindi na inimikan.

"May karapatan ka, devon. Wag mong alisin iyan sa sarili mo, asawa mo na si yano" Danna said. Buti nalang talaga at sumama siya sa dalawa, ito lang sa kanilang tatlo ang matinong kausap.

"Ayoko munang problemahin yan, may tao sa loob ko. Remember?" paalala ko sa kanila. Gustuhin ko mang stress'in ang sarili ko, hindi ko magawa dahil sa dinadala ko. Gawin na nila lahat ng gusto nilang gawin ngayong may iba pa akong inaalala pero kapag lumabas na talaga 'to, sila na ang poproblemahin ko. Subukan nila ang pasensya ko't panigurado magkakasubukan talaga kaming tatlo.

"Nga naman. Pero kasi nakakainis na sila. Lalo na yang si yano" maktol ni danna. Natawa sa kanya si cad at ginulo ang buhok nito na hindi naman ikinatuwa ng huli, nauwi tuloy sa bangayan.

Iiling iling na bumaling sa akin si lou. Tinanguan ko siya at binigyan ng nagtatanong na tingin.

"Dont worry, aalis naman na si kara. For good daw" baling niya.

Aalis na siya, pero may magbabago parin kaya? Tingin ko kahit nandito o wala man si kara. Hindi mababago ang isip ni yano, si kara parin ang laman niyon panigurado.

Mapait akong ngumiti kay lou.

"Mabuti. Nakonsensiya narin siguro" sambit ko.

Alam kong ako iyong nang agaw. Ako iyong naging kontrabida sa kanila ni yano. Kasi naman, okay sila bago ako dumating sa eksena. Katulad ng sabi ni yano. Kasalanan ko kung bakit nasira ang pangarap niya. Kung bakit nagulo ang hangad niya. Kasi hindi sila magkakatuluyan ng babaeng minamahal niya.

"Anong meron dito?"

Agad kaming napalingon sa kakadating lamang na si yano.

"Bonding?" sagot na tanong rin naman ni cad. Galit sila kay yano ng dahil sa akin. Pero ano't ano pa man. Kaibigan parin nila ito.

Kunot noong bumaling sa akin ito at inismiran ako. Ngumiti ako bilang pagsagot sa masamang pagbati niya.

"Halika dito bro! tagal mo ng hindi nakakasama sa amin eh." tawag sa kanya ni cad. Si lou na nasa tabi ko ay nakatingin lang sa kanya, gayon din si danna.

"Pagod ako." sagot lamang ng gago. Napailing ako. pagod? tch.

Tinanaw namin siya habang tamad na naglakad papunta sa kwarto.

"Gago" I curse. Kung mahina akong babae baka kanina pa ako naglupasay sa sahig at nag-iiyak. Pero hindi.... Hindi ko hahayaang maging ganuon ang sitwasyon. Ako man ang masasaktan, ayokong maging mahina. Lalong lalo na sa harapan ni yano.

"Alis na kami, mag usap kayo. You need it" baling sa akin ni cad. Wala akong nagawa kundi ang tumango. Kahit alam kong wala rin namang pag uusap na mangyayari, baka puro sigawan at bulyawan lang rin naman.

Hindi sila nagtagal. Katulad ng sinabi nila ay umalis din sila matapos magpaalam.

Napabuntong hininga ako ng maramdaman ang katahimikan ng buong bahay. Wala na namang maririnig na ingay.

Pumasok ako sa kwarto at nadatnan ko doon si yano. Nakahilata at mukhang pagod na pagod nga. Tulog na tulog ito na maging ang malakas kong pagsarado ng pinto ay hindi niya naramdaman. Habang tinititigan ko siya ay pumintig ang puso ko.

Lumapit ako at umupo sa gilid niya. Pinagmasdan ko kung paano malayang pumikit ang mga mata niya. Ang bawat paghinga niya, ang maamo niyang mukha. Pagod nga siya.

I gently brush my finger through his hair. Ang lambot ng buhok niya. Marahan ko ding hinaplos ang pisngi niya, habang siya ay napapangiwi dahil sa ginagawa kong paghaplos.

Napangiti ako, kung paano niya nabihag ang puso ko. Hindi ko alam. Basta nagising nalang ako isang araw, gustong gusto ko na siya. Hindi ko alam kung bakit kailangan maging ganito kakomplikado at kasakit ang sitwasyon namin pero sana.... sana dumating iyong araw na magiging maayos rin ang lahat. Kay kara, sa kanya at sa akin.

"Yano..." sambit ko sa pangalan niya. Hindi kailanman ako naging iyakin pero ngayon habang tinititigan ko siya. Naluluha ako. Iyong mga pakiramdam na kahit sa sino ay hindi ko kayang ipakita, gusto kong ilabas ngayon sa harap ng natutulog na yano

"Sorry.... Alam kong nahihirapan ka dahil sa kagagawan ko..." bigkas kong muli.

Pumikit ako ng manuot ang sakit sa dibdib ko. Yung sakit na sa bawat araw ng pagsasama namin na aking tinitiis ay nararamdaman ko ngayon. Iyong palaisipang habang wala siya dito sa bahay at na kay kara siya, ay bumabalandra sa aking malarawang isipan.

"Nahihirapan din ako. Sana alam mo iyon, yano" halos bulong ko.

yumuko ako at pinunasan ang nagbadyang mga luha. Walang pakundangan kong hinalikan ang noo niya. Nangukot agad ang mga iyon na waring naramdaman ang pagdapo ng aking mga labi at hindi niya iyon ginusto. Napailing ako. Maging sa pagtulog, hindi parin niya ako gusto.

Hindi kailanman naging madali ang maikasal. Iba nga, nagmamahalan pero nagkakaproblema parin. Yung iba, maganda sa una pero sa huli, nagiging komplekado rin. Pero itong sa amin? Sobrang kakaiba. Pangkaraniwan sa mata sa iba.

Pumikit ako at marahang tumayo, tatalikod na sana ako ng mahimigan ko siya.

"Kasalanan mo kung bakit ka nahihirapan ngayon, devon. You put yourself into this. You can never endure it, you're already in hell. Face it" he said.

UNWANTED(COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora