Kabanata 19

26.4K 422 9
                                    

Kabanata 19

Art

Napaigtad ako ng may yumapos sa beywang ko habang nag-ahain ako ng pang umagahan. Inabot ng mainit na kamay ang umbok ng tyan ko at malamyos niya iyong hinaplos. Hindi mapigilan ang pagtataasan ng mga balahibo mula sa leeg hanggang sa dulo dulo ng katawan ko. Naramdaman ko rin ang marahang halik nito sa aking tainga, pababa sa leeg.

"Good morning" he whispered after. His voice sent shiver down to my spine. God, yano!

"Yano.." asik ko sa kanya. Naiilang kasi ako. Gusto ko sana ay tigilan na niya ang pagiging ganito pagka't hindi naman na ito kailangan. Handa naman na akong pakawalan siya, hindi na dapat niya ako pinapaasa pa.

"How was your sleep?" he asked. Ganoon parin ang ayos niya. Hindi parin niya ako binibitawan kahit anong pagwaksi ko sa kanya, para siyang isang tuta na nangulila ng ilang taon sa kanyang ina at nang nagkita ay heto, kapit na kapit na. I can smell his after shave. Lalo lang tuloy akong naiinis sa sarili ko at maging sa kanya, dapat ay ngayon palang ay nagsisimula na akong kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Pagod na kong umasa, ayoko na.

"Yano nag aayos ako. Saglit lang." waksi ko sa kanya ngunit hindi siya natinag. Imbes na tanggalin ang yakap sa akin ay iniharap niya ako sa kanya. Nagtama agad ang aming titig. Napapalunok nalang ako ng makita ang pangungungulila sa mga mata niya, nagsusumigaw iyon ng pasusumamo. Hindi ko alam kung para sa kanino siya nangungulila, gusto kong isiping sa akin ngunit laging bumabalandra ang katotohanang para ito kay kara.

Naiiyak ako habang nilalabanan ang mga titig niya. Akala ko ay tapos na ako sa stage na iyon, bakit ngayon ito na naman at nagbabadya na naman silang lumabas, kainis!

"Good morning.." he said again. Ngayon ay nakatitig na siya sa akin. Sinubukan kong ngumiti pero imbes na ngiti ang lumabas ay luha. Luha ang lumandas. Nakita ko pagiging malumanay at pag alala mula sa kanya. Agap niya itong pinunasan gamit ang hinlalaki niya, sinakop niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo. Bakit ganito yano, bakit ang hirap hirap mong pakawalan.

"Stay still..." bulong niya ng magpumiglas na naman ako sa bisig niya. "Please.." pagsusumamo niya. Hindi ko na napigilang maluha dahil sa sobrang lambing ng tinig niya. Ginantihan ko ang yakap niya.

"Bakit mo ginagawa 'to!" asik ko pagkatapos, pinagpapalo ko ang dibdib niya. Nakita ko ang paglabas ng malokong ngiti sa labi niya.

"I miss you.." saad niya lang habang sinasangga ang mga sapok ko sa kanya. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. Pinag aralan ko pang mabuti ang itsura niya, hindi naman siya lasing, normal siya ngayon at kung bakit--

"Hang over?" tanong ko ng makita ang mariing pagkunot ng noo niya. May hang-over pa nga siguro. Lasing na lasing kaya siya kagabi. Tumango siya pero hindi parin ako pinakawalan ng yakap niya.

"Let me go, I'll get you med." sambit ko pero umiling siya. Hinalikan niya ang noo ko at ngumiti.

"Can I kiss you, instead?" maloko niyang bigkas.

"Hindi gamot ang halik, yano!" asik ko. Humalakhak siya.

"Okay then, edi nagugutom nalang ako, can I eat you?" sunod na biro niya, agad akong namula at tinampal ang dibdib niya. Humalakhak lang naman ito bago ako tuluyang pakawalan.

Ano bang nakain ng gagong ito at nakukuha pa akong bolahin? Ibang iba siya sa yano na lagi kong nakakasama, sa yano na ilang taon kong hinahabol habol.

"Kumain na lang tayo, manganganak ako ng hindi oras sayo!"

Nakita ko ang pagkilatis niya sa buong katawan ko, ang pagtingin niya sa akin mula ulo hanggang sa paa. Pagkuwan ay malungkot siyang napangiti.

"I thought I wouldn't see this art again. I thought I wouldn't see you again, wife." tumungo siya kaya imbes na umupo ako at kumain ay lumapit ako sa kanya at sinakop ang mukha niya. Ito ang unang beses, unang beses na makikita ko sa kanya ang lungkot sa palaisipang hindi na niya ako makikita pa.

"Am I art for you, husband?" tanong ko. Nakita ko ang pag aliwalas ng mukha niya at marahang tumango.

"Yes, a masterpiece of mine." sagot niya. Parang may malamig na bagay ang humaplos sa puso ko. All I can see in him is pure happiness, right now. Nakakahawa ang kaligayahan niya, kaya napangiti na rin ako. It does not matter now, kung sino ang nagpapasaya sa kanya ng ganito. Basta masaya ako na masaya siya. Kung kami man ng anak niya dahilan, wala ng papantay pa sa sayang mararamdaman ko kung ganoon man.

"Mahal mo na ba ako?" natatawa kong biro sa kanya. Hindi naman niya iyon pinatulan sa halip ay umupo nalang siya sa upuan at nagsimula ng maglagay sa kakainan.

Wala akong magawa kundi mailing at umupo narin.

Siya ang naglagay ng kanin at ulam sa pinggan ko. Unang beses sa unang beses niya ito ginawa sa akin. Am I now experiencing my firsts right on his side? I doubt it. Siguro ay pinagbibigyan na lamang niya ako dahil ilang araw nalang ay tuluyan ko na siyang papakawalan at hindi na kailanman mahahawakan.

"Pagkapanganak ko--"

"Kumain ka lang, huwag ka papagutom." pagpuputol niya sa sasabihin ko.

Waring alam niya ang isisiwalat ko at hindi niya iyon magugustahan.

Tinitigan ko siya, nanatili lamang siyang nakapokus sa kinakain niya.

"Yano, yung sinabi ko sayo nung nakaraa--"

"Are you done? May check up ka ba ngayon?" agap muli niya sa pagbubuhay ko sana ng topic sa nasabi ko sa kanya nung nakaraan, yung bagay tungkol sa aking pagkapagod na manatili sa piling niya.

Kunot noo siyang tumitig sa akin ng hindi ko sinagot ang mga katanungan niya. Nanatili lamang akong nangingilatis sa mga susunod pang magiging reaksyon niya. Nakita ko ang pagbasa niya sa labi gamit ang kanyang dila. Nangilid ang mga luha ko habang tinititigan siya. Sana ay maintindihan mo ang salitang tama na, yano. Ayoko na kasing paulit ulit na masaktan. Nakakapagod na.

"Maghiwalay na tayo pagkatapos kong manganak" alisto kong saad upang hindi na niya iyon magawang putulin pa gamit ang kanyang malalambing at mapang asang salita.

UNWANTED(COMPLETED)Where stories live. Discover now