Kabanata 32

17.6K 230 2
                                    

Kabanata 32

Failure

"Kara.." tawag ko kay kara.

"Kara nabuntis ko si devon.." agad at deretsahang sabi ko sa kanya. Mahal na mahal ko siya. At alam kong sa isang pagkakamali lang ay mawawala na siya sa akin. Kara is all I want, I love her so much that I can kill anybody just for her. Higit sa sarili ko ang nilalaan kong pagmamahal sa kanya ngunit bakit sa isang pagkakamali, mawawala lahat ng pinaghirapan ko upang makuha siya ng buo. Nang dahil ito sa babaeng kinamumuhian ko.

Babaeng sumira sa mundo at buhay ko. Siya iyong babaeng walang ibang alam kundi sirain ang araw ko. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako dahil sa dami ng babae siya pa? Bakit siya pa iyong nabuntis ko?

Lahat na yata ng kamalasan sa mundo, ay ako ang sumalo.

"You got me pregnant you ass hole!" she shouted. Nasa canteen kami ng school noon, kasama ko ang mga kaibigan namin, si kara lang ang wala. Dulot ng pagsigaw niya ay nakuha namin ang atensyon ng lahat ng nasa canteen. Ibinato niya sa akin ang limang pregnancy test na iba ibang uri. Lahat iyon ay nagsasabing positive. Ang salitang nagpaguho sa mundo ko. Bwisit!

Nakita ko ang pagngisi niya at pagkislap ng mga mata niya. Nakuha pa niyang maging masaya, anong klase siyang nilalang na nakukuha pang maging masaya samantalang may sinira siyang buhay at pangarap.

"You, slut! hindi ako ang ama niyan. Dont put me to a situation I dont deserve." balik sigaw ko sa kanya. Hindi pwede ito. Hindi pwede dahil may kara ako.

Alam kong may nangyari sa amin ng babaeng ito, pero hindi iyon sadya, hindi ko iyon ginusto, lasing kaming pareho. At alam ko sa sarili ko na kahit kailan hindi ko iyon gagawin kung matino lamang ako. No! No way! Ni-hindi ko pa nga iyon nagagawa sa girlfriend ko?. And..... and ito ang nangyari. Kamalasan.

"We'll get married!" masayang salubong nito sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay. Bakit naririto 'to?

"You need to marry my daughter Mr. Kim." pinal na saad ng ama ni devon. Fuck?

"Yes. Sa wakas magiging akin ka na rin. " masaya pang asik sa akin ng gaga.

Nang panahong iyon, akala ko ako na ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Nagpakasal ako sa isang taong kinamumuhian ko. Paano naman si kara? Iniwan at sinaktan ko siya. Mapapatawad pa kaya niya ako?

"May check up ako, samahan mo ako!" inis na utos sa akin ni devon. Pero agad ko lamang siyang tinapunan ng masamang tingin. Hindi ko anak iyan, hindi ko ituturing na anak iyan. Kahit pa siguro mamatay iyan, hindi ko yan iiyakan.

"Anak, hindi tayo gusto ng dada mo. Pero lalaban tayo, okay?"

rinig kong pang uusap niya sa batang nasa loob ng tyan niya. Parang kumulo lamang ang dugo ko imbes na maawa.

"Pupunta ka na naman sa kirida mo?" inis nitong bungad sa akin.

Hindi ko siya sinagot dahil baka pag sinagot ko na naman siya iiyak na naman siya sa sulok at parang kaawa awa. tch.

Matapang lang naman siya kapag nakaharap pero kapag nakatalikod na, ang hina hina na niya. Nagtatapang tapangan ang loko.

"Kain lang tayo ng marami baby, para kapag lumabas ka, suntukin mo si dada. Iparamdam mo sa kanya na hindi tamang hindi ka inalagaan nuong nasa tummy pa kita"

pagpaparinig nito sa akin. Inirapan pa niya ako.

Mula noon, naramdaman ko ang lukso ng dugo sa anak ko kahit nasa sinapupunan pa lamang siya. Naglakbay ang imahinasyon ko. Ang larawan ko buhat buhat ang lalaking anak ko. Iyong tinuturuan ko siya sa mga hilig ko.

"Ingatan mo ang anak ko" asik ko sa kanya, upang ipaalala na hindi lang dapat sarili niya ang iniisip niya. Puro nalang kasi siya drama. Nakakainis.

"She passed out." balita sa akin ng mama niya. Agad akong napabangon at madaling nagdrive papunta sa bahay nila. Unang beses nakuha kong maawa sa kanya. Naabutan ko kasi siyang nakahiga, mahinang mahina. Niyakap ko siya. Oo, niyakap ko si devon. Unang beses rin muling inalo ko siya dahil sa pag iyak niya.

"Dont make me give up on you, yano" saad nito ng magkakomponta kami. First time I felt, nervous. Hind ko alam kung bakit nalungkot ako sa isiniwalat niya.

"For sure divorce na tayo kapag dumating ang araw na iyon" tukoy niya sa panahong ipanganak niya ang anak namin. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit dumaloy ang sakit sa dibdib ko sa pagkakataong iyon.

Nasanay ako sa pag aalaga at presensya niya. Kung dumating nga siguro iyong araw na isuko na niya ako. Siguro ipagpapasalamat ko iyon. Ngunit bakit ang bigat bigat sa dibdib habang iyon ang inaalala ko?

"Maghiwalay na tayo, pagkatapos kong manganak" lathala niya. Mga panahon na nakaramdam ako ng takot kapag kabuwanan na niya. Iyong natatakot akong manganganak na siya.

"I have diagnose with heart disease" noong sinabi niya iyon. Punong puno ng kasiguraduhan pero nabarado ang utak ko upang paniwalaan iyon.

Pero noong sinabi niyang maaari siyang makitilan ng buhay kapag dumating ang araw na manganganak na siya ay araw araw, gabi gabi kong pinagdadasal na sana tumagal pa ang araw ng panganganak niya.

Nuong panahong isinuko na nga niya ako. Duon ko natutunang may nararamdaman narin pala ako sa kanya.

When she's giving birth with our son. Nanatili ako sa altar, magdamag nakaluhod at nagdadasal. Ngunit ng sabihin ng doctor na nakasurvive ang anak ko ay magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko dahil hinila ng lungkot ang saya nang sumunod na sinabi ng doctor na comatose ang asawa ko.

Sinisi ko ang sarili ko. Hindi ko siya nakuhang pahalagahan noong nakikita ko siyang nakaka-tawa't nakakangiti pa.

Nang mga panahong iyon, walang kara ang dumantay sa isipan ko. Alam ko na sa sarili ko kung bakit, dahil si devon na ang mahal ko.

Nagising siya, sa haba ng hinintay ko nakita ko ring nakabuklat ang magagandang mata niya. Bukod sa makita siyang yakap yakap ng anak ko ay walang pagsidlan ng saya ang naramdaman ko habang nakikita ko ang sarili kong niyayakap at hinahagkan siya.

Si devon..... si devon iyong taong akala mo walang magagawa sa buhay mo kundi panggulo lang. Ngunit siya pala iyong magpapakulay sa mundo mo kahit ang dami mo ng napagdaanan. Ang dami na niyang isinakripisyo sa akin. Ang dami na niyang ginawa para sa akin. Ngayon, kahit itulak niya ako palayo. Kahit sabihin niya hindi na niya ako gusto. Kahit ipagtulakan niya pa ako. Babawi ako. Babawiin ko ang dugo't pawis na inalay niya para sa akin. Ako.... ako naman ngayon ang susubok sa lahat ng ginawa niya. Handa kong ialay ang lahat sa kanya, handa kong ibigay pati ang buhay ko. Mabuhay lang siya. She's been through a lot already. Sa aming dalawa. Siya ang karapat dapat pang manatili.

******************************
A/N:

Summarized version pov ni yano 😌

UNWANTED(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon