Kabanata 9

22.9K 364 11
                                    

Kabanata 9

Begged

"Iba ang nagsawa sa napagod, devon" asik sa akin ni danna.

Napailing ako. Naghahanash ako ngayon about my complicated relationship with yano. My tummy is getting bigger already. Ilang buwan nalang ay manganganak na ako. Sa ilang buwan na iyon, hindi na ako mangangarap na magbabago pa ang estado namin ni yano. Habang buhay na nga yata akong nakulong sa kasadlakang ito, minsan nga'y napapag-isip ako kung tama bang itinali ko siya sa akin, sapagkat kahit kailan naman ay hindi siya lubusang magiging akin. I was just his wife. I was just a woman carrying his child. And Im about to give up. Parang nararamdaman ko na yung pagod at pagkasawa sa sitwasyon namin. At natatakot ako baka ganoon na nga. Ayoko, ayokong sumuko, natatakot akong isuko si yano. Hindi ko kaya.

"Hindi pwedeng iyon pareho ang nararamdaman mo ngayon. Ang nagsawa, iyon ay kung napagod ka na sa pagmamahal sa kanya, iyong wala ka ng mapigang pag ibig para sa kanya. At ang napagod ay yung mahal mo pa siya pero tama na, dahil hindi mo na kaya. Alin ba sa dalawa ang nararamdaman mo ngayon, dev?" she asked. Nilingon ko siya, nakahiga siya sa paanan ko habang nakatingala sa kisame. Narito siya ngayon sa silid namin ni yano. Kami lang dalawa dahil wala na naman si yano. As usual. Hindi siya mahagilap.

"Mahal ko siya... mahal na mahal parin" sagot ko. Hindi ko mapigilan ang mapahilamos sa mukha, dahil habang binibigkas ko iyong mga salitang iyon ay naaalala kong hindi kailanman magiging mutual ang nararamdaman kong iyon kay yano.

"Devon.." I can hear her sigh. Napangiti ako at tinanguan lamang siya. Awang awa na siguro siya sa akin pero dahil alam niyang ayoko ng kinakaawaan ay pilit niya iyong hindi pinaparamdam.

Pumikit ako.

"Pagod na pagod na ako..." saad ko pa na nagpatigil sa kanya. Hawak ang malaking tyan ay naglandas ang luha sa pisngi ko.

"Natatakot akong baka madamay ang anak ko sa sakit na idinudulot sa akin ng ama niya." bulong ko. I never shed tears infront of anyone, kahit sa harap ng pamilya at mga kaibigan ko. Pero kasi hindi ko na kaya. Ang sakit sakit na. Ang hirap maging matapang habang lubog na sa kalungkutan ang buong sistema mo.

Tumayo si danna at agad akong niyakap ng mahigpit. Sa lahat, siya ngayon ang pinaka pinasasalamatan ko.

"If it hurts so bad. Stay away, go leave him already, dev." sabi niya.

Kasi kahit siguro ikasal si kara sa iba, wala paring pagbabago. Hindi parin niya ako kayang mahalin. Kahit walang kara sa buhay niya, hindi parin mababago ang katotohanang hindi niya ako gusto.

"Ayoko, natatakot ako. I love him, dans. I-I can't leave him. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Mahal na mahal ko siya. Kaya ko pa naman siguro, susubukan ko pa. Even if it hurts, atleast I've tried, right?" I said in between sobs.

Binitawan niya ako at hinarap. Kinagat niya ang kanyang labi habang pinagmamasdan ang kaawa awang kaibigan niya.

"Hanggang kailan ka magpapakatanga, dev?" nanlulumo niyang tanong.

"I was fan of your tandem, you and yano, you know that right? Mas kay kara, ikaw ang gusto namin para kay yano. Pero hindi ko aakalain magkakaganito. Devon, I know you dont want us to feel sorry for you, pero awang awa na ako sayo at sa anak mo. Kahit pa gusto ko kayo ni yano, ayokong danasin mo ang ganito. Hindi ito ang ginusto namin para sayo, dev." she muttered.

Bago pa ako makasagot ay narinig namin ang marahas na pagkakabukas ng pintuan. Bumungad duon ang nakabusangot na mukha ni yano. Mula sa pagkakahiga ay agad na umupo si danna.

"Oh, hi yano!" masayang turan ni danna dito. Ngumiti lang ito sa kanya at dumiretso na sa banyo.

Kibit balikat akong ngumiti ng walang gana kay danna. She patted my shoulder and nodded.

"Kung masakit na, tama na." saad pa niya bago magpaalam.

Tumayo ako at nilisan narin ang kwarto. Dumiretso ako sa hardin ng bahay upang aninagin ang paalis na sasakyan ni danna. Kumaway siya sa akin ng makita ako. Nang mawala na nga ito ng tuluyan sa paningin ko ay hindi ako natinag sa kinatatayuan ko. Mula sa naglahuan ng sasakyan ni danna ay duon parin ang tingin ko, malayo sa kamalayan, malayo ang palaisipan.

I was far from who I am, hindi ko na makilala ang sarili ko ngayon. Isa akong brat na walang ibang hinangad kundi ang makuha ang kagustuhan. Mahilig sa social life, masiyahin, palangiti kahit maldita, hindi ako nakakalabas ng bahay ng hindi nakakapag-ayos at masaya ako noon, malayo sa ngayon. Hindi ko na kayang ngumiti ng totoo, hindi na ako yung dating kahit nagtataray ay nakukuha paring magbiro. Hindi ko na kayang maging masaya.

Napahilamos ako ng mukha, sana ay manganak na ako upang hindi na madamay ang anak ko sa katangahan ko. Ayokong lumaki ito sa sama ng loob. I want him to grow farther from what his father was. Ayokong manakit siya ng babae katulad ng ginagawa sa akin ngayon ng ama niya.

Gamit ang kaliwang kamay ko sa paghaplos sa tummy ko ay nagningning ang wedding ring sa palasingsingan ko. Ngumiti ako ng puno ng sakit habang pinagmamasdan ito. Naalala ko ang kamay ni yano, mula ng unang araw naming mag asawa, tinanggal na niya ang wedding ring niya. At hindi ko alam kung saan niya iyon itinago o baka naman itinapon na niya.

Nag init ang gilid ng mata ko at hindi ko na namalayan ang paglupasay ko sa damuhan ng hardin namin. Nanghihina ako.

Nakakapagod na rin pala, akala ko ay magiging masaya ako kapag nasabi kong asawa ko na siya, pero mas lalo pa palang naging mahirap. Ang sakit, ang sakit sakit na.

Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa makakaya, pagod na pagod na ako. At sana ay magsawa na rin ako upang hindi ko na maramdaman ang sakit.

"Anong drama na naman yan, devon?" tinig mula sa likuran ko. Hindi ko pa man siya nililingon, alam ko na na nanggaling ang tinig na iyon kay yano.

"Tumayo ka nga dyan, para kang tanga" asik niya palapit sa akin, hindi ko siya pinakinggan, nanatili lamang ako sa ganoong ayos. Hanggang sa maramdaman ko ang mabigat ngunit maingat niyang pag alalay sa akin upang tumayo.

"Madumi diyan, baka madapuan ka ng germs at madamay pa ang bata." panenermon niya.

Nang makatayo ako at blangko ang ibinahagi kong titig sa kanya, matagal at mapanuri.

"Im begging for your love, yano. Ibigay mo sa akin iyon bago ako manganak. And after that, I'll let you go. Hindi na ako magpapakatanga pa sayo pagkatapos niyon."

UNWANTED(COMPLETED)Where stories live. Discover now