Kabanata 13

23.4K 343 6
                                    

Kabanata 13

Confess

Kinabukasan, Alam kong hindi parin niya ako kikibuan. Hindi ko alam kung anong ikinagagalit niya sa isiniwalat ko, dapat ay masaya siya kasi sa wakas pagkatapos ng lahat ng ito may pagkakataong mawala na ako sa mundo. Sa mundo niya.

"Kailangang mawala ang bata bago pa ikaw ang mawala" my doctor said.

Napapikit ako habang inaalala ang mga sinabi at paalala nito sa akin. I tried but I can't. Buo na ang desisyon ko noong ilihim ko ang katotohanang ito. Mamamatay ako.

"I'd rather die." iyon ang pinal na sambit ko sa doctor ko.

Noon pa man ay inalis ko na ang katotohanang iyon sa buhay ko. I want a normal life with my normal pregnancy. Kung mamamatay man ako after this, siguro ay iyon ang kapalaran ko. Masyado na sigurong napupuno ang mga kasalanan ko at ito ang kabayaran ng mga iyon. Sinira ko ang buhay ng taong mahal ko. Ng taong pinahahalagaan ko. Pagmamahal ba ang tawag sa taong hindi kayang magparaya?

Naging ganid ba ako? Naging makasarili? Kung oo ay iyon na siguro ang dahilan kung bakit sa akin nangyayari ito. Pero mali rin bang gustuhin kong maging masaya kahit minsan lang? Buong buhay ko, lagi nalang akong talo. Sa sakit ko, nilamon na ako nito na kahit anong laban ko, kamatayan parin pala ang kahahantungan ko.

Noong bata pa ako, takot akong mamatay. Nanginginig ako kapag umaatake ang sakit ko, pinipilit kong lumaban kasi natatakot akong baka hindi ko na magisnan ang mundo. Ngayon? Ang tangi ko nalang hangarin ay matapos na ang lahat ng ito. Hindi ang sakit ko, kundi ang unti unting pagkakasira ng pag asa ko para kay yano. Kung noon ay takot akong mamatay, ngayon ay iyon na lamang ang hinihintay ko upang hindi na maramdaman ang ganito. Kasi, sobrang sakit na. Nakakapagod. Nakakapagod umasa sa taong sarado ang pinto para sayo. I should've died, noon pa. Sana ay hindi nalang ako lumaban. Gusto ko ng ipagpahinga ang puso ko, pero hindi muna ngayon. May tao pa sa loob ko, may inaalagaan pa ako. Sana paglabas nito ay hindi niya madanas ang pinagdaanan ko.

"Yano..." tawag ko nang maramdaman ko ang paggalaw niya sa tabi ko. Umaga na naman, umaga na katabi at kasama ko siya. Kailan kaya ang huli?

Ungol ang isinumbat niya sa akin bago magmulat. Ngumiti ako at hinaplos ang ulo nito habang iniinat niya ang katawan.

"Galit ka parin ba?" I asked. Tumayo siya at inayos ang hinigaan bago ako hinarap.

"Sorry na. Hindi na ako magbibiro ng ganoon. Akala ko kasi magugustuhan mo iyon." saad ko. Kailangan kong bawiin iyon upang mapaamo siya. Ayokong maubos ang pagkakataon ko na hindi ko naramdaman ang pagpapahalaga niya. Hindi sigurado ang buhay ko pagkatapos ng lahat ng ito. I want to treasure the moment. I want to treasure him. I want to be happy just for once.

"Devon.." asik niya. Nginitian ko siya at niyakap. Kahit sabihin niyang namimihasa ako, wala na akong pakialam. Gusto kong maranasan ang ganito habang nandito pa.

"I like humor but the fact that you joke your health around, that's foul. Hindi iyon magandang biro, devon." asik pa niya. Ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya habang hindi parin bumibitaw sa yakap. Hindi naman niya ako pinipigilan.

"Nasa loob mo ang anak ko." dagdag pa niya.

Duon ko nakuha ang sarili upang hiwalayan siya. Gusto kong magalit pero alam ko naman iyon talaga ang concern niya. Bakit ba ako umaasang sa akin siya nag aalala. Tsk.

"Hindi na ako magbibiro ng ganoon. Dont worry, malusog ako. Heto nga oh! Ang ganda ganda ko." masayang saad ko. Napangiti siya sa sinabi ko. Lahat ng worries at drama sa loob ko ay napalitan ito ng maaliwalas na pakiramdam. Napangiti ko siya.

"Sorry ha.." sambit kong muli. Nakita ko ang pag aliwalas ng mukha niya at naglandas ang totoong ngiti sa labi niya.

"Just dont do that again..okay?" saad niya at hinila ako upang yakapin.

"You seriously scare me to death when you said that. I beg you to stay healthy, dont be sick, dev. Dont be." sambit niya, punong puno iyon ng sinseridad. Napangiti ako. Para sa akin o para sa anak namin man ang lathala na iyon, ay napasaya parin ako nito. Ang paraan ng paghaplos niya sa buhok ko pababa sa likuran ko ay nagbibigay sa akin ng bolta boltaheng enerhiya. Akala ko ay hindi ko na siya malalambing pa ng ganito. Akala ko ay babalik siya sa dating yano. Akala ko ay hindi ko na siya mararamdaman ulit. Sa lahat, nagiging paborito ko ng muli ang salitang akala.

"Malusog ako, malusog ang baby. Huwag ka ng mag alala." saad ko.
Hindi siya umimik. Pinapakiramdaman ko rin lang siya habang hawak niya ako sa balikat.

"Hindi ka dapat nagbibiro ng ganoon." pag uulit niya na waring isang ulit pa niya ay dapat na talaga akong kabahan kung hindi ko pa iyon susundin.

"Sorry na po.." saad ko. Nagulat ako ng hilain niya ang kamay ko at muling pinaglaruan iyon gamit ang malaki at matigas niyang mga kamay.

His hand fits on mine. Bagay sana kami kung hindi one sided ang relasyon. Bagay sana kami kung kaya niyang tugunan ang nararamdaman ko para sa kanya, but things never meant to. Bagay kami, pero hindi kami ang para sa isa't isa. There's a difference between 'compatible' to the word 'meant to be'. Maaaring sa mata ng tao, compatible kayo. Bagay na bagay. Pero alam niyo sa sarili niyo na kahit anong gawin mo, kung hindi kayo. Hindi talaga kayo.

"Dont do that again, please?" he asked again. Natawa akong pinisil ang kamay niya na nakabalot sa kamay ko.

Ano man ang hangarin niya kung bakit ganito't sobrang big deal sa kanya ang kalusugan ko. Wala na akong pakialam. The fact that he's concern, no matter what the reason is, that's not so important to discuss already.

"No, never again..." sagot ko.

"Thank you." he whispered. He then kissed the top of my head. Hindi magkamayaw ang pagsumigaw ng malanding puso ko pagkatapos niyon. Napabitaw agad ako sa hawak niya upang takipin ang namumulang mukha ko. Shet, kung sana ganito araw araw.

"I love you..."

******************************

UNWANTED(COMPLETED)Where stories live. Discover now