Kabanata 12

23.7K 397 27
                                    

Kabanata 12

Tired

"Sabi ko wag mong pagurin sarili mo" pangangaral niya sa akin pag uwi namin. Nanikip kasi bigla ang dibdib ko ulit. Ano ba naman 'to. After all this years nakakadama na naman ako ng ganito. Ilang taon na mula ng hindi ko maramdaman ito. Nang sumalang ako sa una kong operasyon ay hindi naulit ako nakaramdam ng ganito. Minsan ay hirap lamang akong makahinga at alam kong dahil lang iyon sa aking asthma. Ngunit ang pagsikip ng muli ng dibdib ko ay nakakabahala.

Kunot noo kong kinuha ang inilahad ni yano na isang basong tubig at agad kong ininom iyon. Hawak ang balikat ko, hinagod ni yano pababa sa likod ko at minasahe ako roon. Tiningala ko siya at nginitian.

"Nakukuha mo pang ngumiti dyan." asik niya kaya nabawi ko agad ang ngiti ko.

"Okay lang ako, huwag kang mag alala sa baby, gumagalaw nga siya sa loob oh. Masaya siya kasi nakapasyal rin siya." turan ko habang hinahawakan ang umbok kong tyan, nararamdaman ko kasi ang paggalaw ng bata sa loob. Nakakawala ng pagod at maging ang sakit na dinaramdam ko.

"Tingin ko, okay naman si little yano. Huwag mo na akong pagalitan, hindi ko naman hahayaang mapabayaan ko ang anak natin." sambit ko. Alam ko kasing sa anak namin siya nag aalala, pero kahit ganoon ay okay lang, atleast kahit iyon ang katotohanan lumalabas paring kahit kaunti lang na may pag aalala parin siya sa akin.

"Hindi sa ganoon. Hindi lang naman sa anak mo ako nag aalala.." sambit niya sa mababang tono. Gusto kong matuwang muli pero alam kong parte lamang ito ng kahilingan ko. Ginagawa niya ang lahat upang mawala ang mga pag aalinlangan ko, sa ganoon ay masaya na ako.

"Okay kami.. dont worry, okay?" sagot ko nalang. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko. Nag iinit muli ang mukha ko, alam kong pulang pula na ito dahil sa pinaggagawa sa akin ni yano, jusko naman. Dito yata ako mamamatay, sa sobrang kilig.

"Please dont be sick." he said and kiss me on my forehead. Hindi ko na alam kung ano pang itsura ko sa pagkakataong ito. Alam ko at ramdam ko ang init sa mukha ko, pulang pula na ito panigurado. Bakit ba ganito kalawak ang nagiging epekto sa akin ng taong ito. Para akong isang teenager na sa wakas ay pinansin rin ng crush niya kaya hindi magkamayaw ang kilig. Buset!

Kung kanina ay hindi ako makahinga dahil sa pagsikip ng dibdib ko, ngayon ay feeling ko mamamatay na ako dahil nakalimutan ko na yatang huminga.

Alam kong sweet talagang tao si yano dahil saksi ako sa love story na binuo nila ni kara noon. Sa araw araw na magkakasama kaming magbabarkada parang may sarili lang silang mundo ni kara, tipong wala silang pakialam sa paligid nila basta kasama nila ang isa't isa.

Napangiti ako ng mapait. Bakit ganoon, kahit anong pilit kong isipin na dapat ay sulitin ko lang ang pagkakataon at huwag na munang magnega-negahan ay pilit paring pumapasok sa isipan ko ang katotohanan.

"Yano.." mahinang tawag ko sa kanya. Agad siyang tumutok ng atensyon sa akin.
"Salamat dahil hindi mo ako binibigo.."

Hindi siya umimik pagkatapos. Tinitigan lamang niya ako at wala akong makikitang reaksyon sa mukha niya kundi ang pagkaawa.

Iyong bagay na kinaayawan kong maramdaman ng ibang tao sa akin ay nakikita ko ngayon sa taong importante sa akin. Ngunit kahit ganoon ay hindi ako makaramdam ng pagkadisgusto sa roon. Parang mas gusto ko pa iyon kaysa sa wala siyang maramdaman kahit pa galit sa akin.

"I'll tell you a secret, I know you'll be happy to know this." saad ko.

Hinintay lamang niya akong magsalitang muli.

"I have heart desease, I already undergo with surgeries and operations. The reason why my doctor want to talk to you is she want you to know how dangerous my situation is. I am not allowed to get pregnant, yano."

Totoo, matagal kong inilihim ang katotohanang ito, maging sa mga magulang ko. Binayaran ko ng higit sa presyo ng buhay ng tao ang doctor at ang OB ko upang huwag nilang isiwalat ang bagay na ito sa mga magulang ko. Nalaman ko ito noong malaman kong buntis ako. My doctor want me to get rid with this situation, na mas mabuting ipatanggal ko nalang ang bata sa loob ko dahil delikado ito sa kalagayan ko. Im sick and weak. Maaaring hindi ko kayanin ang paraan ng panganganak. I can die after giving birth.

"Maaari akong mamatay pagkapanganak ko." Nanginginig kong turan kay yano. Ang walang emosyong reaksyon niya kanina ay napalitan iba ibang emosyon.

Napangiti ako at mahinang napahikbi, hinawakan ko ang mukha niya kasabay ng pagpatak ng luha ko.

"Kapag pinapili ka nila kung ako o ang anak natin. I know you'll choose him. Iyon rin naman ang gusto ko, yano." napatumo ako at napahawak sa dibdib ko. Nahihirapan talaga akong huminga at ang sakit sakit pa ng dibdib ko.

"Huwag mong sabihin kina mama ha, alam kong mas pipiliin nila ako kaysa sa anak ko. Ayoko nun, yano. Higit sa lahat, ang anak ko ang pinakamahalaga sa akin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kanya. He's all I have." Ngumiti ako at inibalang punasan ang mga luha ko.

"Masyado ng madami ang napagdaanan ko, It's time for me to take a rest. Im not telling you this para kaawaan ako. Ayoko non, yano. Sinasabi ko sayo ito dahil ayokong magkamali ka ng desisyon kapag nandyan na. Kailangan ka ng anak mo. Kailangan ko ng kooperasyon mo. If I'll die. Please do me a favor. Wag naman si kara kahit sino ang ipalit mo sa akin huwag lang si kara--"

Iniwalis niya kamay ko na nakahawak sa mukha niya. Agad niya akong pinaningkitan ng mata at muli kong nakita ang galit sa kanya, ang reaksyon na halos dalawang linggo ko ng hindi nakikita.

"Stop kidding, It's not funny. If you'll die, then whatever. Just dont joke around, dont play with me, devon. Binibigay ko na sayo ang gusto mo. Isn't it enough for you to stop fucking me! Damn, Im telling you this, right over again. Dont push me to my limit. Im no saint, devon. You know that. Tingin mo ba sasakyan ko itong trip mong 'to? Im not stupid, dev." asik niya sabay tayo at talikod sa akin. Naglakad siya palayo, papunta sa kwarto namin. Nakatanaw lamang ako sa kanya. Gusto kong bawiin ang mga isiniwalat ko at sabihing nagbibiro lamang ako. Akala ko ay magiging masaya siya sa pagsasabi ko niyon sa kanya. He hates me, he lothe me, gusto niya akong mawala sa buhay niya. Kaya ko iyon lakas loob na sinabi sa kanya. Akala ko ay magiging masaya siya na kaunting araw na lamang ang natitira upang magtiis siya sa piling ko. Akala ko maaawa siya. Akala ko pahahalagahan niya ako sa mga sandaling natitira pa sa akin upang manatili sa mundo. But I forgot, he's my yano. He is yano...

******************************
A/N: (Tragic Ending ba?)

Mahal ko talaga kayo loves, promise. Drama kasi talaga ang genre nito kaya ganito 😅

Stay Tune!

I need vote and comments, duon nabubuhay 'tong story! Thanks.

PS: Late ko na notice na hindi pala 'to na-update... Nung nakaraang araw ko pa 'to ni-update eh.. 😫

UNWANTED(COMPLETED)Where stories live. Discover now