Kabanata 24

25.7K 431 4
                                    

Kabanata 24

Finally

"De--von" he muttered. Bumungad sa akin ang maluha-luhang mata ng isang lalaki kalong ang maliit na gwapong gwapong bata.

Ramdam ko ang bigat at sakit ng aking katawan, para akong nabugbog. Kumakalam ang aking tiyan na parang ilang taon ng hindi nagkakalaman.

"Mama!" rinig kong matinis na tinig ng bata sa harapan ko. Nakuha ulit ng mga ito ang tensyon ko.

"Yano?" mahina kong sambit sa pangalan niya. Kasabay ng pagbigkas ko niyon ay ang marahang pagtulo ng luha niya. Hindi ko alam kung bakit kahit hirap akong makagalaw ay nakuha kong iangat ang kamay ko papunta sa batang lalaki na nasa harap ko. Tinulungan ako ni yano upang madaling maabot ang bata. Big smile plastered on his face habang lumalapit ito sa akin.

Oh god, what happen?

"You're right, dev. This is your son." sambit ni yano na lalong nagpasindi ng nararamdaman kong galak. Wala pa man akong tinatanong ay sinagot na nito.

"You asleep for a year." muli ay satinig ni yano. Lahat ng katanungan hindi ko pa naisasatinig ay nasasagot na niya.

"Mama!" my baby scream. Para akong nasabuyan ng enerhiya at nabalot ng galak at saya ang aking puso't diwa.
Son, my son, my baby, UNO...

"Uno?" Pagkasambit ko niyon ay naramdaman ko ang mainit na likido na kusang tumulo sa mata ko. Nakita ko ang namuong ngiti sa mukha ni yano ng dumantay sa akin ang anak ko.

"Mama!" muli ay masaya nitong isinatinig. Ang ideyang natulog ako ng isang taon ay hindi na naging importanteng bagay sa akin. Sa ngayon, ay ang masiglang bata na nasa harap ko ang namutawi sa mundo ko. God, how come I dont even get a chance to saw him grow into this handsome boy. Ang gwapo gwapo ng anak ko.

Nanginginig kong itong binalot sa mga bisig ko. Hindi ininda kung hanggang saan ang kirot na nararamdaman ko. Kinukuha ng galak ang lahat ng kirot na bumabalot ngayon sa katawan ko. Ang hapdi ng pang upo at likuran ko, lahat iyon ay hindi na naging importante sa akin. Ang imaheng, kalong ko, yakap ko at hawak ko ang batang iniluwal ko, dugo't pawis kong binuo at inalagaan ng siyam na buwan, ang pinaghirapan kong ilabas mula sa sinapupunan. Ang bunga ng pagmamahal at pagpapakatanga kay yano. God, this is so good to be true.

Mula sa pagkakayakap ko sa anak ko ay siya ring pagkulong sa amin ni yano sa kanyang matikas na braso. Naramdaman ko ang pagtaas baba ng kanyang balikat na ngayon ay siyang nakaharap sa akin, hindi ko makita ang mukha niya ngunit alam kong basang basa na iyon ng luha. Bagay na hindi ko pa pulos nakikita mula sa kanya sa halos dekada na naming magkakilala. Bagay na noon hiniling kong gawin niya sa harapan ko. Iyong noong panahong nangungulila pa ako sa pagmamahal at pagpapahalaga niya. Akala ko hindi ko na ito mararanasan pa.

Hindi ko alam kung bakit pa ako binuhay ni tadhana. Pero kung ano man ang rason na iyon, alam kong isa roon si uno. I deserve to be with him. I deserve to be a mother.

Ngumiti ako habang tinatapik tapik ang balikat ni yano. Masaya akong makita siyang muli, ramdam ko ang pangungulila ng sarili ko sa kanya.

Isang taon?

Sa isang taon na iyon, marahil ay marami ng nangyari. Marami ng nagbago. Maaaring sila parin ni kara, maaaring sila lang talaga. Alam kong iyon ang bagay n kahit dekada ang lumipas ay hindi magbabago.

"How's my baby boy? Are you doing good?" I asked. Matapos ng yakapan naming tatlo.

Tumango si uno at humagikhik, halata sa mukha nito ang saya habang hindi naiaalis ang tingin sa kabuuan ko. Oh, uno....

"Did you miss mama, baby?" naiiyak kong tanong. Ngayon ay kalong na siyang muli ng kanyang ama. Malamyos kong hinawakan ang mukha ng anak ko.

"He did... so much.." si yano ang sumagot. Sa pagkakataong iyon ay nakuha niya ang atensyon ko. Ngayon lang mula sa kanina ko siya natitigan. Walang nagbago sa feature niya, gwapo parin naman siya pero parang napapabayaan niya ang paglilinis sa mukha niya, hindi siya madumi, pero iyong mga tubong balbas niya ay kumakaway na. Nangunot ang mga noo niya ng maramdaman ang bumibigat kong titig. Yumuko siya at umaktong nilalaro ang anak niyang kalong niya. Napailing ako, kailan pa siya nailang sa akin?

"Ilang araw ka ng hindi nagse-shave?" I asked. Nakita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.

Napakamot ito sa batok at naiilang na napapatapon ng tingin sa akin.

"Dont tell me, dito ka narin tumira?" muli kong tanong sa kanya.

"Nasaan sina mama? sila dapat iyong nagbabantay sa aki--" umiling siya.

"Am I not allowed to?" pagpuputol niya, bagay na nagpatahimik sa akin.

Tumango ako ng lumipas ang minuto.

"And dinamay mo pa si uno, he suppose to be with his playmates..." nalukot agad ang mukha niya dahil sa itinuran ko.

"He suppose to be with his mother.." sagot nito na muli ay nagpatahimik na naman sa akin ng ilang saglit. Lumipad ang kamay niya sa mukha ko at marahang hinaplos ito.

"I miss you" wala sa usapan niyang isiningit. Akala ko naman sasampalin niya ako, dinamdam lang ang kinis ng mukha ko.

"Natulog lang ako, hindi naman ako nawala. Nakikita mo parin naman ako, araw araw diba?" sambit ko.

"Iba parin iyong nakikita kita, mata sa mata." saad niya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ang pamilyar na pakiramdam ay bumalot sa akin. Langyang kilig yan!

"Thank you for waking up." halos bulong niya. Nakita ko ang muling pagkislap ng mata niya na nagbabadya na naman ng luha.

"Iyakin ka na?" natatawa kong saad. Napapailing siya habang pinipigilan ang pagtulo ng luha.

"God, devon. I miss you so much" asik niya at muli akong hinapit at kinayag ng yakap. Nakulong sa gitna namin si uno na parang nakikiliti dahil humahagikhik ng humahagikhik. Hawak ko ang ulo ng anak ko at hawak naman ako ni yano. Naramdaman ko ang pagdantay ng labi niya sa noo ko. Ngumiti siya at bumulong.

"I love you, thank you for waking up, thank you for staying alive, Thank you"

UNWANTED(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon