Kabanata 11

23.6K 353 9
                                    

Kabanata 11

Sick

"Are you okay?" he asked when I didn't respond to him as he was asking something. Hinawakan niya ako sa balikat. He looks so worried. Ngumiti ako sa kanya at nagpumilit ngumiti.

Masaya ako dahil tinutupad niya ang pangako niya. Inaalagaan niya ako ng walang pag aalinlangan. Araw araw niya akong tinatanong kung kumain na ba ako, kung okay na ba ako, kung may masakit pa ba sa akin, at kung ano ano pa. Pinilit kong huminga ng normal at tinapik ang dibdib niya.

"yeah, okay lang ako. What were you saying a while ago?" Tanong ko.

"I was asking if okay lang ba sayong mamasyal or anything?" tanong niya.

Napangiti ako ng walang kaeffort effort, parang nawala iyong sakit na dinarama ko kani-kanina pa.

"Tara!" masayang sagot ko sa tanong niya. Agad siyang napailing sa naituran ko. Wala eh, sinusulit ko na siya. Sobrang dali pa naman ng ikot ng araw, baka bukas paggising ko tapos ba ang maliligayang araw ko, baka kailangan ko na siyang isauli sa tunay na nagmamay ari. Napakislot muli ang puso ko dahil sa pasulpot na palaisipan.

"Magpapalit lang ako." saad niya bago pumanhik sa banyo ng kwarto namin. Tanaw ko siyang laman at lulan ang malaking ngiti sa labi. Ang sarap.... Ang sarap sa pakiramdam na paggising mo araw araw ay ganito. Iyong katabi mo siya at nararamdaman. Hindi iyong, paggising mo. Narito nga siya, katabi mo, natititigan mo ngunit para siyang isang silab na nag uumapaw sa apoy na katakot hawakan.

Niligpit ko ang mga gamit naming pangtulog. Nakapagpalit na ako ng maayos ng magising si yano kanina, maaga kasi akong nagising dahil sa biglaan yatang pag atake ng aking asthma, paggising ko kaninang madaling hapon ay nahihirapan akong huminga. Matagal na mula pa ng umatake ang sakit kong ito. I was diagnose with heart failure nung bata pa ako. Sakitin na ako, noon pa lang. At that time, halos araw araw ako sa hospital, hanggang sa kumuha na sila mama ng sariling doctor ko. Hikain, mahina, at ni tumakbo ay hindi ko magawa, kung hindi pa ako nagpumilit kina mama ay hindi nila ako pag aaralin sa isang pampublikong paaralan. Buong buhay kong pinangarap noon ang magkaroon ng normal na buhay. Pilit kong pinakita sa mga tao na hindi ako mahina, lagi akong nang aaway ng kapwa ko bata ng medyo makarecover ako sa sakit ko, ayoko kasing kaawaan ng mga tao, gusto kong maging matapang sa mata nila--

"You should get yourself dressed up too." pagpuputol ni yano sa palaisipan ko.

"Okay na 'to. Maganda naman ako" confident kong asik sabay tayo. Nginitian ko siya. I can see the hesitation on his face nang ipulupot ko ang braso ko sa braso niya. As usual, gusto niya iyong ilagan ngunit pinipilit niya parin akong pakisamahan.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Ewan?" patanong niyang sagot, natawa tuloy ako sa kanya. Nakakapanibago talaga, gustong gusto ko 'tong pakiramdam na 'to. Sana kung pwede lang mag extend ay hihilingin ko ito sa kanya, ang kaso lang alam kong lahat may hangganan.

"Parang gusto kong sumakay ng mga rides, EK tayo?" masayang turan ko. Kumunot agad ang noo niya, ngumiti ako at pinaghihila ang braso niya para mangulit.

"I've never been in there...." saad ko pa, Hindi ako pinapayagang magpunta roon at magpakapagod noong bata pa ako. Wala akong memorya sa mga ganoong bagay. Nakakapanghinayang. Agad nanlambot ang tingin niya ng marinig ang pagmamaktol ko. He patted my head na dahilan ng pamumula ng mukha ko. Hindi parin talaga ako makapaniwala na parang komportable na siya sa akin. Lahat ay kinakikiligan ko. He's too good to be true, damn!

"Let's go there, then." sambit niya. Hindi ako magkamayaw sa tuwa. Parang kinutkot lahat ng sakit na ininda ko sa maraming taong nagdaan para sa kanya, lahat iyon ay napalitan pag asa, kilig at saya.

"Thank you..." I said. Hinila ako ng katawan ko papunta sa kanya at walang pag iisip na isabit angga braso ko sa leeg niya at pinatakan siya ng mabilis na halik sa labi. Na-realize ko lamang ang aking ginawa pagkatapos. Gusto kong tampalin ang sarili ko ng makita ang bahagyang pag awang ng labi ni yano nang dahil pa yata sa kabiglaan. Pakiramdam ko lahat ng dugo sa katawan ko ay tumaas sa mukha ko, nag-iinit. Agad kong kinabig ang katawan ko patalikod sa kanya at napahilamos. Tsk, hindi nag iisip devon! pinagbibigyan ka lang, sumusobra ka naman!

"Sorry!" mabilis kong saad habang nakatalikod sa kanya. Narinig ko ang pagtikhim niya at kahit hindi ko siya tingnan alam kong nakasimangot na siya, ganoon siya eh. Halikan ka ba naman ng taong pinakaayaw mo, syempre maiinis ka no! Buti sana kung lasing ulit siya. Buti sana kung ang estado niya ay nung estado niya noong nabuo namin si little yano. Eh sa hindi naman, normal naman siya. God, baka maunsyami pa yung mga hiling ko sa kanya, baka ayawan na niya ako ulit...

"It's okay, Im your husband. It's normal..." he said, iniharap niya ako sa kanya at agad nanlaki ang mata ko ng maaninag ko ang bungad niyang ngiti. Paano niya nahuhugot ang ganoong makatotohanang ngiti gayong--

"You can kiss me, kahit saan at kailan mo gusto." nakangiti nitong sambit. Nakaawang lamang ang aking mga labi habang hindi makapaniwalag nakatitig lamang sa kanya. Totoo ang ngiting pinapakita niya, wala ni-kahit kaplastikan ang nakatatak roon. Paanong?

"And I can kiss you too, right?" pabiro pa nitong lingkis sa akin. Idinikit niya ang katawan namin gamit ang paghila ng beywang ko papalapit sa kanya. And before I realize, we're now holding our breath..... He kissed me.

Agad kong nahawakan ang noo ko dahil pakiramdam ko magkakasakit ako sa mga nangyayari. Napabusangot ako habang nakatingin sa nakangiti paring si yano. Nilamukos ko ang mukha niya upang siguraduhing totoo ang mga nangyayari. Natawa siya ng magawa kong pitikin ang noo niya sa paninigurado. Oh god, this is so true.

"Hindi ito panaginip lang." saad ko habang nilalamukos ang mukha ni yano, ta-tawa tawa lang rin naman siya. Sinuntok ko nga ang dibdib niya, ngunit saglit lang ay napatigil siya. Seryoso niya akong tinitigan at pagkuwan ay ngumiti at muli akong hinila papalapit sa kanya at MULI akong pinatakan ng halik sa labi. Fuck! This is so real, This is nothing but just for real? This is real, this isn't just a dream! God. Im ready to die now. Jeongmal.

******************************
A/N:

Devon deserve to be happy, right?... 😊😊 Thanks!

Dont forget to vote and please comment your thoughts about the story. Gusto kong palawakin ang paraan ng pagsusulat ko, gamit kayo! So please help me.. Kamsahamnida!

UNWANTED(COMPLETED)Where stories live. Discover now