Wakas

33.2K 425 62
                                    

"Kahit hindi na, yano!" hinawakan niya agad ang kamay ko ng tumalikod ako sa kanya at tumakas sa kakulitan niya.

"Kasal naman na tayo, this is weird. Yano" asik ko pa. Pero hindi niya binitawan ang kamay ko imbes ay mas pinalapit niya ako sa kanya. Hinila niya ako papasok ng botique. Nakanguso akong sumunod sa kanya. Isang magandang dilag ang sumalubong sa amin. Yano bowed his head kagaya ng kanyang nakagawian. Kapag koreano talaga masyadong magalang. Tsk tsk.

"Goodmoning Mr and Mrs. Kim. Kanina ko pa kayo hinihintay." saad nito. Ngumiti ito at lalo pang tumingkad ang magandang obra ng kayang mukha. Sa pakiwari ko ay may lahi rin itong korean. Makinis at nakakasilaw rin ang kanyang balat kagaya ni yano. Manipis ang mga labi at maliit ang mukha. Nginitian niya ako ng mahalatang nakatitig ako sa kanya.

"You're so beautiful Mrs. Kim." papuri niya sa akin.

"Ah. Thank you, ikaw din. Ang ganda mo." balik papuri ko rin sa kanya.

"So Mr. Kim, can I borrow your wife? Susukatan lang namin." saad niya kay yano. Tumingin sa akin si yano at tinapunan saglit ang kabuuan ko. Napangiti ako ng magtaas siya ng kilay.

"Ikaw lang ang magsusukat?" tanong nito dito.

"I-aassist ko lang siya sa area, si Mr. Kai na ang magsusukat sa kanya." paliwanag naman ni Miss ganda. Kumunot naman agad ang noo ni yano at nawala ang kanina'y nakakasilaw na ngiti sa kanyang mga labi.

"Lalaki? Magsusukat sa asawa ko? Bianca. Dont joke around." asik nito.

Tumawa ang babae na tinawag niyang bianca, iyong napupunong diwa ko sa pagpupuri sa babae ay nawala dahil sa pagtawag sa kanya ni yano, kilala siya nito at hindi ko alam kung sino ito sa buhay nito.
"Bakla, yano. Huwag kang paranoid." natatawang sagot naman ng babae. Lalo lang akong napasimangot dahil sa paraan ng pagsagot nito sa asawa ko. Parang ang komportable na nila sa isat isa, at parang sobrang tagal na nilang magkakilala. Psh, binabawi ko na pala iyong sinabi ko, hindi siya maganda.

"Let me do it. Ako nalang magsusukat sa kanya. Give me the tape measure." pagkuwan ay sambit ni yano. Nilahad pa nito ang kamay na parang may hinihinging bagay. Hindi ko magawang ngumiti sa pagiging possessive nito dahil sa bianca niya. Nakakainis, nagseselos ako kahit wala naman silang malisya pareho. Normal lang ang pag uusap nila. Oo at ang komportable nila sa isat isa pero alam ko naman alam na ng babaeng ito na ako ang asawa ni yano.

"You're so possessive. Pati ba naman bakla, yano?" natatawa ulit na saad nito sa asawa ko. Kunot noo parin si yano habang nagpupumilit na iwinagayway ang kanyang palad sa harap nito.

"Tape measure!" asik ulit nito.

Naramdaman ko ang paglakbay ng braso nito sa beywang ko. Duon ko naibalik ang ngiti ko, well. Kung sino man ang bianca na ito sa buhay ng asawa ko, hindi nito matatanggal ang katotohanang ako ang asawa ni yano at ako ang mahal nito. Napangisi ako sa mga naiisip ko.

Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtanggap ni yano sa tape measure na ibinigay ni bianca. Tinuruan siya nito kung ano ang dapat sukatin, dahil ayaw magpatulong ni yano at gusto daw masolo ako. Ang landi!

"Okay, aasikasuhin ko lang ang ibang costumers, ayaw niyo namang magpaistorbo. Sige lang, take time. Feel at home, okay?" pagpapaalam nito sa amin. Nakangiti niya akong sinulyapan kaya napangiti nalang rin ako sa kanya.

Nang umalis ito ay kinurot ko si yano sa pisngi.

"Sino iyon?" agap kong tanong na ikinataas lamang ng kilay niya. Nagtuwid ang kanyang mga labi at nangunot muli ang kanyang noo.

"Si bianca?" tanong niya na naninigurado sa tinatanong ko.

"Sino pa ba? May iba ka pa ba hah!?" asik ko. Hinawakan ko ang tenga niya at pinisil ito pataas. Agad naman siyang nagmaktol dahil doon.

"She's just a friend. Karen and kara's friend. Sa kanya kami nagpasukat ni kara ng wedding dress noon." sagot niya.

Pero ng matapos siyang magsalita at natutop niya ang labi niya. Siguro ay narealize niya na hindi dapat ang sinabi niya. Nawala ang ngiti ko pero tumango ako at pinitik siya sa noo. Naalala ko tuloy iyong mga panahong nagsusukat ako ng wedding dress dahil sa nalalapit naming kasal. Mga panahong hindi pa niya ako mahal.

Flashback:

"Hindi kita masasamahan." saad lamang ni yano sa akin hindi ko pa man nasasabi ang gusto kong sabihin.

Wala akong ibang nagawa kundi ang mag-drive mag isa at maghanap ng magandang botique na pwedeng pagpasukatan ng wedding dress. I decided to go karen's botique. Ayoko sana, pero iyon lang talaga ang isa sa pinaka-may magagandang gawa at pinakasikat na fashion botique sa lahat. Ayoko dahil kambal siya ni kara at bitter ako kaso ayoko namang magsuot ng dress na hindi ako satisfied sa pagkakatahi at style. But life unfairly plays my destiny.

"Babe, gusto ko iyong simple lang, you look so elegant that way. Ayoko nung maraming pakitang skin, okay? You know Im conservative pagdating sa'yo"

pagpasok ko palang sa botique ay kamalasan na ang nadatnan ko. Kara and yano, happily looking for some of wedding gowns portraits.

"I hope to marry you, yano. I hope to really marry you." bulong ni kara kay yano. Lumapit naman si yano sa kanya at hinalikan ito sa noo. Malamyos na hinaplos ang pisngi nito at muling hinalikan ito ngunit ngayon ay sa labi. Napapikit ako dahil naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha sa mata ko. Namaga ang lalamunan ko. Shit, ang sakit. Ako iyong ikakasal, oo. Pero bakit pakiramdam ko, ako iyong maiiwan.

Hindi niya ako sinamahan, hinayaan niya akong mag isa, para samahang mangarap ang taong totoong minamahal niya. Para akong ikakasal sa sarili ko lang, kasi ako lang iyong naghahanda, ako lang iyong excited at ako lang ang masaya.

End of flashback.

"Im sorry.." nanginginig akong bumaling kay yano, ngumiti ako ng pilit sa kanya.

"Im sorry, devon.. Im sorry for not giving you the chance to feel how joyful to be the bride is." he whispered. Sa pagkakataong iyon ay kusang tumulo ang mga luha ko. Agap niyang nilukob ang mukha ko, ang init ng kanyang mga palad. Nakakaliyo.

"Gusto kong iparamdam sayo ang pakiramdam na noo'y pilit kong pinagkait ibigay. Hayaan mo akong iparamdam sa'yo ngayon na masaya, masayang ikasal. Will you marry me, again. Dev?"

Pumikit ako at inalala lahat, kung paano kami nagsimula. At pagmulat ko ay nakita ko kung paano kami magtatapos.

"Yes.... I will be your wife again, still, and forever. Yano"

*****************************
A/N:

Thank you again guys, for joining devon, yano and me in this not so good story. ❤ Love you!

UNWANTED(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon