Kabanata 16

25K 366 11
                                    

Kabanata 16

Ruin

"Totoo ba?" tanong ko kay albert ng tumawag siya. Agad siyang um-oo sa tanong ko.

"So, she's coming back? I thought for good siya dyan?" tanong ko pa.

"She is. Hindi ko nga rin alam kung bakit nagbago ang isip niya. She's not againts our marriage naman, ako nga ang ayaw eh. But sure, we'll get married sooner, that was so sure, dev." saad niya. Tumango ako.

"Thanks A. Sorry kung nadadamay ka pa rito ha." pagpapaumanhin ko.

"It's okay, it's not as if ikaw iyong nagplano ng marriage namin. My parents were. Magpasalamat ka kaya sa kanila?" natatawa niyang sabi. Kung siguro ay nasa tabi ko siya baka nasapak ko na ito.

"Sige na, update me kung nakaalis na siya dyan ha, nang mapaghandaan ko. Ayokong manganak ng wala sa oras, A."

"Okay, regards sa magiging inaanak ko. Sabihin mo love love siya ni ninong."

"Umuwi ka dito kapag manganganak na ako. Ikaw kapag wala ka 'pag lumabas si baby, isasama kita sa impyerno" half meant kong joke, pero thank god at hindi niya iyon binigyan ng meaning at hindi na nagtanong pa kung bakit ko iyon nasabi.

"Syempre nasa tabi mo ako sa mga panahong iyan, takot ko nalang masunog sa impyerno no" mapang loko niyang sagot.

"Umuwi ka kung ganoon." pinal kong saad. Narinig ko ang pag-tsk niya sa kabilang linya.

"Uuwi ako, kung gusto mo nga ako na rin magpapaanak sayo eh"

"Fuck you!" natatawa kong sagot dito. Matagal ang pagpapaalaman namin ni albert, umabot pa yata sa trenta minuto iyon bago ako sumuko at ako na ang kusang nagbaba ng tawag.

"Who's that?" yano asked. Gising na pala siya, nasa tabi ko siya at iniinat ang katawan habang pinipilit magmulat ng mata.

"Si albert lang.." sagot ko. Mabilis niyang naayos ang sarili dahil sa sinabi ko. Nakita ko ang pagdaloy ng sakit at galit sa mukha niya. Ayoko mang pansinin ang bagay na iyon na nakadepina ngayon sa mukha niya ay hindi ko maiwasan.

"Uuwi daw si kara." wala akong magawa kundi ang sabihin sa kanya iyon.

Agad nag aliwalas ang mukha niya sa ibinalita ko. I should be nice. Be nice, devon. Be nice.

"Maliligo lang ako." pagpapaalam ko sa kanya. Ayoko na muling magkamali sa sasabihin ko. Ayokong magalit na naman siya sa akin ng dahil kay kara. I can see the longing in his eyes. Ang mga pangungulila na iyon ay namutawi sa mga mata niya. Gusto ko mang kumontra pero anong magagawa ko kung iyon talaga ng nararamdaman niya? He love kara so much na kahit ako na ngayon ang asawa niya, ay siya parin. Si kara parin.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa banyo ay pigil ang mga luha ko. Nakakainis, okay na eh. Masaya na ako, nagagawa ko ng bumalik sa dating ako. Ang kaso umeksena na naman siya. Siya nalang palagi.

Yes, I play antagonist to their one of a kind bullshit love story. Pero bakit ako yung higit na nasasaktan? Diba dapat ang kontrabida walang bahid ang konsensya, walang puso at kaluluwa. Dapat hindi ako nasasaktan. Dapat hindi ako nahihirapan. Tangina naman oh, nagsisimula palang akong maging masaya, sana naman ibigay na sa akin ni kara ito. Bilang nalang ang mga araw ko, at gusto kong sa mga araw na iyon. Naging masaya ako.

Tahip ang dibdib, hindi ko napigilang mapaluha. Naaalala ko ang bawat paghawak, paghalik, paghaplos at pag aalaga ni yano kay kara noon na kahit isa roon ay hindi niya magawa sa akin ngayon. Hinahalikan niya ako, hinahayaang mahawakan pero bahid niyon ang kasinungalingan at walang kahit na anong bahid ng katotohanan.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng panliliit. Lahat naman sa tingin kong pwedeng gawin upang lampasan siya ay ginawa ko na. Pero bakit sa lahat, eto, eto parin ang kahihinatnan ko.

"Devon.." rinig kong tawag ni yano sa labas ng pinto. Agad akong sumagot ng pilit na ginagawang normal ang boses.

"Wait, nagbabawas ako" sagot ko.

"Labas lang ako saglit, madali lang 'to. May pupuntahan lang." pagpapaalam niya, bahid sa boses niya ang excitement. Kung dati ay pipigilan ko siya, susungitan at iinisin. Ngayon, hindi ko na iyon magawa. Hinahayaan ko nalang na daluyin ng kirot ang puso ko dahil kahit anong pilit ko, a part of me ay sadyang masaya dahil atlast nahimigan kong masaya ang asawa ko. Kahit hindi ako ang dahilan niyon.

"S-sige.." sagot ko nalang, pilit na pinapatunog normal ang tinig ko kahit gumagaralgal na. Bakit ba hindi ko na siya kayang kontrahin katulad mg dati?

Sumapit ang gabi pero wala parin siya. Napaismid ako sa salaming nasa harap ko, itinaas ko ang damit upang makita ang magandang tanawing buo ng katawan ko, ang umbok sa tiyan ko. Napangiti ako. Maaaring bukas, maging ngayon ay posibleng lumabas ka na anak. Masisilayan mo na kung gaano kalupit ang daigdig. Sana ay mahalin ka ng mundo, at iparanas sayo ang lahat ng kagustuhan mo.

Mahal na mahal ka ni mama anak, kapag lumabas ka yakapin mo si mama okay? Yakapin mo ako ng mahigpit.

Patuloy lang ako sa ganoong ayos ng biglang mag-ring ang phone ko. Agad akong napangiti ay sinagot ang tawag ng makita kung sino ang nasa likod niyon. Yano.

"He-"

"Kara..."  pagpuputol niya. Natigilan ako roon. Pinili ko nalang ang manahimik at hintayin ang susunod pang sasabihin niya. Narinig ko ang hikbi at pagmumura niya sa kabilang linya. So, he's drunk? huh, kaya pala imbes na yung kara niya ang dapat niyang tawagan ay ako ang natawagan niya. Gago! ang gago niya.

"Babe please..." muli ay panimula niya. I never thought that being inlove with him is too much. I can't handle it anymore. Ayoko na, hindi ko na kaya.

"Dont get married, hihintayin mo pa ako diba?" muli ay isinatinig niya. Napapikit ako habang nanginginig ang buong katawan ko. Nag-unahang nagtuluan ang mga sariwang luha ko na parang nagpapaligsahan sa pagtulo mula sa mata ko pababa sa mukha. Hayop ka yano! gago!

"I love you.... Mahal na mahal kita kara, damn. Magsalita ka naman oh."

UNWANTED(COMPLETED)Where stories live. Discover now