Kabanata 1

35K 468 5
                                    

Kabanata 1

Baby

"Aalis ka?" tanong ko sa kanya ng maabutan ko siyang nag aayos ng kanyang kwelyo. Ito ang unang araw ng pagsasama namin bilang mag asawa.

Hindi niya ako sinagot, nagpatuloy lamang siya sa pag aayos ng kanyang sarili.

"Nagtext si Albert, get together daw bago siya lumuwas ng Korea" saad ko.

Maayos ang lahat bago kami ikinasal. I befriended all of his friends. Naging parte ako ng barkada nila. Albert, Cad, Lou, Danna, Kara, at siya, magbabarkada. Nasama lang ako, nang dahil sa kanya.

"May usapan kami ni kara" He said. Hindi niya ako tiningnan, nanatili siya sa harap ng salamin.

Kara. Napailing ako, Before I came to the scene, sila na ni kara. Sinira ko lang kung anong mayroon sila. Kaya kahit noon pa man, Kara and I were never be in good terms. Pero hindi ko alam kina danna kung bakit mas gusto nila ako kaysa kay kara, basta para daw sa kanila mas better ako para kay yano. I am a brat, laging nasusunod ang gusto, maldita. Si kara yung mabait, mahinhin at pavirgin. Pero hindi ko alam kina Albert, danna, Cad, at lou kung bakit inis na inis sila sa kanya. Basta ang sabi lang din nila, kahit matagal na nila itong kilala, hindi nila feel ang ugali niya. Parang mabait lang sa harap pero nasa loob ang kulo. Pero iba si yano sa kanila. Kung pwede nga lang ay itakwil na niya kami wag lang si kara. Kara is his life.

"Nasa pilipinas pala siya? Bakit di siya umattend nung kasal?" I asked. Duon ko nakuha ang atensyon niya.

Alam kong nasa pilipinas si kara, bitter iyon kaya hindi siya pumunta sa kasal.

"Nang iinsulto ka ba?" bugaw niya. Umiling ako.

"Nagtatanong ako, yano" pangangatwiran ko.

Bumalik siya sa pagharap sa salamin at sa pag ayos ng sarili niya. Napangiti ako ng mapait. Magkikita nga pala sila ni kara, kaya pala halos isang oras na niyang inaayos ang sarili niya. Kailan niya ako paglalaanan ng oras kagaya niyan? Hmm, asa pa ako. Hindi iyon mangyayari.

Samantalang kahapon, Sa kasal namin. Ni pulbo hindi niya nagawang ilagay sa mukha niya. Gulanit rin ang damit niya. Hindi naayos ang necktie niya. Hindi nasuklay ang buhok.

"Hiwalayan mo na siya." utos ko.

Natigilan siya sa pagsuklay at sandaling nagtama ang paningin namin sa salamin, hindi na niya kailangang lumingon sa akin dahil sa repleksyon ko sa salamin. Duon kami naglabanan ng tingin. I smirk, gaya ng nakagawian.

"Ass hole!" singhal niya.

"Jerk!" bulyaw ko rin.

Nakita kong napalunok siya at nag igting ang mga panga. He brush his fingers through his hair at duon na ako hinarap.

"Hindi pa ba sapat na pinakasalan kita? Stop worrying to my personal life, Worry to yours!"

umiling ako bago siya tinaasan ng kilay.

"You are my life, so Im worried" Pagpapakatotoo ko.

Nalunok yata niya lahat ng pasensya niya ng muli akong nilingunan. Mapupusok ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin.

"Leave me and kara alone, pinakasalan na kita. Dapat sapat na iyon. Stop torturing me, Dont fully destroy me, devon" halos pakiusap niya. Ramdam ko ang nagbabagang galit sa loob niya. Napailing ako dahil nagdulot iyon ng sakit. Pinakasalan lamang niya ako. But nonetheless, yun lamang ang kaya niyang ibigay sa akin. He even hate my guts.

"Did I.... Did I destroy you?" tanong ko, kahit narinig ko naman yung sinabi niya. Clear and loud.

Pinaningkitan niya ako ng mata. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang nakakamatay na titig niya. Nang hindi ko na makaya, binaling ko nalang sa tv ang atensyon ko, hinanap ko ang remote at binuksan iyon. Umupo ako sa kama, at hindi na muling nilingon pa si yano. Hanggang sa naramdaman ko ang pagbagsak ng pintuan ng kwarto. He probably gone. Napabuntong hininga ako. Sapat na nga ba dapat ito?

Ihiniga ko ang sarili ko, bago ko naisipang tawagan si danna. Danna had been my best buds. Hindi sila close ni kara kahit noon pa. Mas close siya sa apat na boys. Hindi daw niya gusto ang ugali ni kara. Si yano nga lang ang nakakatagal doon eh. Ayon ang kwento nila sa akin. Kung hindi lamang siya anak ng tita ni Lou, hindi nila iyon magiging barkada.

"Dans.." agad kong bungad sa kanya ng sagutin niya ang tawag.

"Hey, morning Mrs. Kim" she shouted, nailayo ko pa ang cellphone dahil sa tinis ng boses niya.

"Stop shouting, you song bird!" sambit ko, tinawanan lamang niya ako.

"Tch. Musta ang unang araw ng may asawa?"

"Wala, nandun siya sa kirida niya."

Natawa siya sa naging sagot ko, siguro kung kaharap ko siya ngayon ay nasampal na niya ako.

"Feel na feel mo girl hah, Ikaw nang agaw, remember?"

Kahit kailan talaga ay napaka straight forward nitong babaeng 'to.

"Hindi ko kasalanan" pagmamatibay ko.

"Hoy, Inano mo nga ba si yano? Diba, pinikot mo?" muli ay humagalpak siya ng tawa.

Mapapatay ko na talaga tong babaeng 'to once na magkita kami.

"Hindi ko kasalanang, nabuntis ako, ang kasalanan ko lang, ay yung nagpabuntis ako." Muli kong narinig ang pigil na tawa niya. Ngunit hindi rin niya napigilan. Humagalpak siya ng tawa.

"Anong pinagkaiba niyon, girl?" tanong niya na may halong pang aasar.

"Ginusto niya naman ah, kaya bakit ako ngayon ang buntunan ng sisi?" para akong batang nagmamaktol.

Napahawak ako sa maliit kong tyan at napangiti. Baby

"Kasi nga, at first. You plan it na. Nako devon, Ikaw lang rin masasaktan sa pinagagagawa mo."

"I already have him--"

"Not him, only his name." pagpapatuloy niya sa sinasabi ko.
Nabuo ang hininga ko, at hirap ko iyong inilabas ng mapuno na. I already feel the tension of this conversation at kung saan ito papatungo.

"Be strong, devon. Not for yano but for your baby. okay?" ramdam ko ang bigat ng loob niya habang sinasabi iyon, Ang awa at buong pusong pagmamalaki.

"Alam mo namang, mahal na mahal ka namin, girl. You've been our devon in the world full of kara nga, diba?" Sambit niya.

Muli ay hinaplos ko ang aking tyan. Oo, siya ang magiging lakas ko para kay yano.

UNWANTED(COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant