Kabanata 22

27.4K 389 26
                                    

Kabanata 22

Messed

"The baby survived. Congratulations Mr. Kim." agad na bungad sa akin ng doctor.

"But Mrs. Kim is in critical condition. She's in coma. After her delivery she passed out. I have checked her medical records at nakausap ko ang doctor niya, mahina pala ang puso niya. Iyong panganganak niya ngayon ay maaari niyang ikamatay. Mr. Kim, why did you let this to happen? Hindi siya dapat magbuntis. Maaari niya iyong hindi kayanin sa gitna ng delivery, maaari ring manganib pati ang baby. Pero Mrs. Kim is a strong woman. Tinapos niya ang panganganak resulta ng paglabas ng baby na malusog. Ngunit siya ngayon itong napahamak. We dont know if when she will wake up. We dont know either if she'll wake up." saad ng doctor na ikinagimbal ko. Ilang minuto pa ay narinig ko ang sigawan at hagulgulan ng paligid. Nanatili akong nakatayo at hindi alam ang gagawin. Napapikit ako ng maramdaman ko ang nanunuot na sampal sa aking pisngi. Devon's mother hit me, big time and I know I deserve this.

"This is all your fault!" sigaw nito sa akin.

Hindi ako gumalaw at sumumbat, nanatiling nakayukom ang mga kamay ko at nakayuko. Hindi ko narin napansin ang pagkawala nila sa paligid ko. Ang pagpasok nila sa kwarto kung nasaan ngayon ang asawa ko. Nakita ko ang nakahigang devon mula sa nakaawang na pintuan ng kanyang kwarto.

Tears begun to flow. Napakapit ako sa upuan sa tabi ko at pagkuwan ay pinagsusuntok ko iyon. Kumawala ang sakit at kirot sa buong pagkatao ko habang dumadaloy ang katotohanan sa isipan ko. Devon..

It must be unfair for our son but I felt down. Hindi ko kayang magsaya para sa kanya.

"I'll kill you"

Iyon ang lagi kong sinasabi sa kanya noon. Lagi kong pinangarap na mawala na siya sa buhay ko. Na sana ay mamatay nalang siya. But right now?

"Yano.." rinig kong tawag ng isang pamilyar na boses. Pagkatingala ko ay nakita ko si kara sa harapan ko. Maaliwalas ang mukha nito at nakapustura ang matamis na ngiti. Sa itsura at reaksyon na ibinibigay niya ngayon sa akin ay nag init agad ang ulo ko. I don't know why I want to punch her because she's giving me that fucking bullshit reaction while Im about to morn because of devon's situation.

"She might gone an hour for now or a day after tomorrow. We'll have a chance to be together for good, yano. Pwede na tayo." saad nito na lalong magpa-init ng ulo ko. Agad kong hinawakan ang braso niya at pinisil iyon gamit ang natitirang lakas ko. Narinig ko ang hiyaw niya ngunit namutawi ang inis ko.

"We're not going back together. And you have no right to talk about her getting a life for fucksake, she will survive!"

sigaw ko sa kanya. Nakita kong nangamatis na ang mukha niya habang iniinda ang kirot ng pagkakahawak ko. I chuckled. Ngayon ay nasa harapan ko ang babaeng kinabaliwan ko ng ilang taon. Babaeng umukupa ng mundo ko. Babaeng dahilan ng pagkamuhi ko kay devon.

"Yano.... Nasasaktan ako.." sambit niya. Binitawan ko siya at tinapunan ng nababagang tingin. Ngayon, ay nawala na ang ngiti sa mga labi niya.

"Did you learn to love her--"

"Yes, and please get out of my sight before I could do something you wont love to." pagpuputol ko sa sasabihin niya. Natatawa ako dahil dati rati para akong tanga na nagmamaki-usap sa kanya na huwag siyang umalis sa tabi ko, pero ngayon ay ito, nagagawa ko na siyang palayuin ng walang bigat ng loob.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata nito habang naiiling na lumapit sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako ng mabilis sa labi.

"This is what you're doing while devon is about to face death, yano? You such an ass hole, dude" agad kong naitulak si kara ng marinig ang sinabi ni albert.

Nakarating pala siya, ngunit huli na.

"Hindi--"

"You really dont deserve the love devon give to you. Noon pa man ay sana hindi ko na siya kinusinti pa sa kabaliwan niya sayo."

Naramdaman ko sampal sa bawat salita na ibinigkas niya.

"Mahal ko si de--"

"Eh sa gago ka pa sa gago, yano! Mahal mo? mahal mo sarili mo kamo, Puro ka nalang kara." bulyaw niya. Kinwelyohan niya ako at akmang susuntukin ng puro ng dumating sina danna at inawat siya. Lou and cad grab albert away from me. Si danna at kara naman ay nakapulupot sa magkabilang braso ko. Alam kong wala akong lakas kung bugbugin man ako ni albert ngayon. Hindi ko kayang lumaban sa pagkakataong ito. Inubos ng buong sitwasyon ang lakas ko. Devon in her condition is making me weak. I need her now, Lahat sila ay kinamumuhian ako. Alam kong siya lang ngayon ang magpapakita sa akin ng halaga ko.

"You don't deserve devon! You ass hole. Ikaw ang nararapat na mamatay hindi siya." bulyaw pa rin ni albert habang inaawat na siya nina lou at cad.

"Bro... calm down" asik sa kanya ni cad. I know why albert acted this way. He's inlove with devon.

"Wala ka ng ibang idinulot kay devon kundi sakit. Do you even took care of her when she's with you? Araw araw! araw araw, dude. Tumatawag siya sa akin, umiiyak. Lagi niyang tinatanong kung anong kulang sa kanya, kung anong mali at kung ano ang mayroon kay kara na wala siya! Mahal na mahal ka nung tao eh, ang swerte swerte mo dahil mahal na mahal ka niya, ang swerte mo para piliin ka niya imbes sa sarili niya! Ang gago mo para gaguhin siya. " lathala pa nito. Bawat letra ng bawat salita mula roon ay nagsusumampal ng katangahan ko. Lahat ng iyon ay totoo. Napakatanga ko para maramdaman ko lang ang pagsisisi ngayong huli na.

Napayuko ako at hindi mapigilan ang pagdaloy ng luha sa mata ko. Damn, Im messed up. I felt damned.

Devon.....

Stay still, please. Dont leave me. Huwag ngayon, hindi ngayon na hindi ko na kaya na wala ka. You are my life, now. Huwag ngayon, dev. Huwag ngayon na mahal na mahal na kita.

******************************
A/N:
Pasensya na if napaaga ang pagluluksa, lol Nagkataong hindi maganda ang mood ko tapos nasipagan akong mag update.. 😌

UNWANTED(COMPLETED)Where stories live. Discover now