Kabanata 35

18.3K 282 11
                                    

Kabanata 35

Breathe

Wala akong ibang hiniling sa diyos kundi ang mahalin ng taong mahal ko, pahalagahan ng taong pinapahalagahan ko, maging malakas at punan ng lakas ang mga kahinaan ko.

Napapangiti ako habang inaalala ang mga napagdaanan ko, mga luhang malayang tumulo, mga pag asang halos nanlabo at mga nararamdamang nais lumobo.

Isa akong babae, babaeng naghanap ng pagmamahal, naghangad ng pagpapahalaga, at lumalaban sa kahinaan. Sa mga bagay at pangyayari, sa lahat ng napagdaanan at mga pighati, deserve ko naman na sigurong sumaya. I want to feel happiness, just this once.

"Kara..." bigkas ko habang hinaharap ito, bakas ang gulat at pagtatanong sa aking mukha. She's here. And I dont know why she is here. Dumaan ang kaba at paghihina ng makita ko siyang ngumiti. Ngiting nagdudulot ng kakaibang damdamin.

"You look so messed." she blurted. Wala akong ibang nagawa kundi ang titigan siya sa mapagtanong na mga mata. Tinaasan niya ako ng kilay at pinasadahan ang aking kabuuan.

"Karma is a bitch. Look, who got it?" muli ay sambit niya. Patukoy ito sa akin, alam ko. Kung dati rati, wala siyang laban sa akin. Kung dati rati, iiyak nalang siya kapag nakakaharap ako, dati, wala siyang alam gawin kundi ang magpakumbaba, ngayon ay ibang iba na. Pagkat, wala na akong laban sa kanya. Alam niya at nakikita niya kung gaano na ako kahina. She is kara, our innocent kara. Ang kaibigan naming inosente sa lahat ng bagay, mabait sa kahit sino, at mahina kung titingnan. Noon ay kinakaya kaya ko siya, ngayon ay ako na ang kinakaya kaya niya.

"I have suffer for very long time, this time, you should too. Matagal ang karma mo, pero masyadong delekado." saad niyang muli. Napapailing siyang napapangiti habang madilim na nakatitig sa akin ang kanyang mga mata.

"Anong ginagawa mo rito, kara?" halos pabulong at paos kong tanong. Sa dami ng mga nasabi niya, iyon lamang ang napagtanto kong itanong sa kanya.

"Gusto ko lang siguraduhin na mawawala ka na talaga sa mundo, at sa buhay namin ni yano." asik niya.

Mula sa pagkakahiga ay pinilit kong bumangon. Pero natawa lamang siya.

"uh-oh! Huwag ka ng mag abala, ayokong mamatay ka ng maaga."
Ngayon, sa lahat. Ito ang unang pagkakataong makita ko siyang ganito, puno ng galit at paghihiganti ang nakalehistro sa mukha niya. I made her that way. Sinira ko sila ni yano, sinira ko ang mga pangarap nila, at sinira ko yung pagmamahalan nila. Naging ganid ako at makasarili. I can't blame her for hating, loathing me so much.

"Mahal na mahal ko si yano, siya lang iyong mayroon sa akin, siya lang iyong naniniwala sa akin. Siya 'yung laging nandyan kapag hinang hina na ako. Walang ibang may gusto sa akin sa mundong ito, hindi ako mayaman kagaya mo, hindi ko lahat nakukuha ang mga gusto ko, kagaya mo. Devon, kay yano ko lang naranasan ang kasiyahan at pagpapahalaga sa mundo. Pero anong ginawa mo? Kinuha mo siya sa akin, Iyong mga bagay na ikinatutuwa at ikinagagalak ko sa buhay ko, pinagkait mo. Sinira mo ang kaligayahan ko, inagaw mo ang taong mahal ko, kinuha mo ang mundo ko!" paninimulang sisi niya. Hindi ako nagsalita, wala akong ibang nagawa kundi ang yumuko at magpakumbaba. Konsensya, iyon ang bumalot sa akin sa pagkakatong ito.

"Wala akong ibang ginawa sayo kundi kabutihan. Lahat ng inuutos mo, sinusunod ko. Lahat ng assignments mo, projects at maging thesis mo, ako ang gumawa. Pero anong pinalit mo sa kabutihang inilahad ko sayo? You made my life miserable. Kinuha mo ang nag iisang taong nakaka-appreciate sa akin. Sa barkada, alam kong walang may gusto sa akin, they dont want me there, alam ko. Si yano lang, si yano lang 'yung tumanggap sa kahinaan ko, 'yung tumanggap bilang ako. Lahat sila, ikaw! puro nalang ikaw! Si yano nalang yung nasa sa akin, pero inagaw mo pa, kinuha mo! nilayo mo!"

Naiiyak ako. Naiiyak ako dahil wala sa punto niya ang hindi totoo, puro iyon katotohanan. At nakokonsensya ako.

"You deserve to be miserable too. For all those stupid things you did, you deserve to be miserable, devon. I wish you die, I hope you'll die." mariin at puno ng galit niya saad. Ang ideya kung paano siya nakapasok, kung paano niya nalaman na narito ako ay wala na sa isip ko. Ang tanging laman na lamang niyon ay ang bumalabandrang naging kasalanan ko sa kanya noon. I was her nightmare, ang kakaisang taong nagmahal sa kanya ay inilayo ko para sa sarili kong kapakanan. She's been good to me, back then. Pero ako? wala akong ibang ginawa kundi ang gawin siyang miserable.

Mula sa pagyuko ko ay napaigtad at nagulat ako nang marinig ko ang impit niyang pagsigaw.

"Get off me, yano!" inis nitong bulyaw, habang nanlilisik ang nga matang nakatingin sa nakahawak sa kanyang si yano.

Puno ng pag aalala at pagsusumamo ang nakadepina kay yano habang mahigpit at pilit na hinila si kara palabas ng pinto. This is the first time I saw anger in his face, iyong galit na nagmumula sa kaibuturan. Unang beses kong makitang ito ang ibinibigay niyang reaksyon sa dati niyang pinakaiingatan. Dati rati, ako ang ganyan, ako ang tinatapunan niya ng ganyan. Dati ay sa akin lang siya galit, dati ay hindi niya magawang hawakan ng mahigpit at saktan si kara, dati ay puro ingat at pagmamahal ang ibinubuhos niya dito. Ngunit ngayon ay sadyang nag iba na. Ibang iba na.
"Nasasaktan ako, yano! Ano ba!" bulyaw niya rito. Nakita ko ang lalong nag aapoy na galit sa mukha ni yano habang tinititigan si kara.

"Get the hell out of this place or I'll kill you, kara." mabibigat at nanggagalaiti nitong sabi kay kara na ikinatakot naman nung huli. Pinilit kong tumayo upang pigilin siya sa pananakit kay kara, mahigpit na mahigpit kasi ang pagkakahawak niya rito.

Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ni kara habang hinahawakan ang kaay ni yano na mahigpit na nakahawak sa kanya.

"W-what happen to you, yano? Bakit ka ganito? Nasasaktan ako, nasasaktan na ako! You said I'll wait right! Lagi mong sinasabi na maghintay ako. Ito ba? Ito ba iyong sinasabi mong hintayin ko? You're so unfair, pinaghintay mo ako, pero hindi mo rin naman pala ako babalikan! Bakit! dahil yang babaeng yan na ang mahal mo?" bulyaw nito kay yano. Nanunood lamang ako sa kanila. Ang nag aapoy na galit sa mukha ni yano ay naging kalmado. Binitiwan niya ang hawak kay kara at tinitigan ako. Tinanguan ko siya at nginitian.

"Oo..." sagot niya habang sa akin nakatingin. Tumulo ang luha ko dahil sa bigat ng sitwasyon.

"Im sorry for making you wait, pasensya na kung pinaghintay kita sa wala. Mahal ko na kasi siya, mahal na mahal ko na kasi siya, kara."

UNWANTED(COMPLETED)Where stories live. Discover now