Kabanata 5

24.3K 374 9
                                    

Kabanata 5

Endure

"Matitigas 'yang nga yan, yano!" pigil ko sa kanya ng puro matitigas na laruan ang pinagpupulot niya. Matapos kasi naming bumili ng mga lampin, pampers at ng mga gamit para sa bata ay ito ang inihuli namin, ang pagbili ng mga laruan. Hindi pa man masiyadong umuumbok ang tyan ko ay heto, para kaming tanga na namimili na ng kakailanganin ng baby. Marahil ay dugo pa nga lamang ang nabubuo ngunit walang pakundangan ang excitement ko sa paglabas nito. Pumulot ako ng teether at iwinagayway ito sa mukha niya.

"This is better" saad ko. Ungot siyang umiling at sinamaan ako ng tingin.

"So, bakit mo pa ako isinama dito?" impit na maktol niya.

Ngumiti ako kaya lalo pa siyang sinilaban ng inis.

Hindi ko na lamang siya inimikan. Masigla kong pinulot ang mga nagugustuhan kong teether. Ang mga laruang may tunog ay naenganyo ko ring kunin. Humiwalay sa akin si yano ngunit hindi ko na lang iyon pinansin. Naaliw ako sa mga nakadisplay na laruang pambata.

Hindi ko napansing natagalan pala ako sa pagpili ng mga laruang bibilhin. Duon ko lamang inabala ang sarili ko na hanapin kung nasaan na si yano.

Ilang minuto akong palakad lakad sa buong counter ngunit hindi ko parin ito mahagilap. Nakalabas na ako sa counter na iyon ngunit wala ni anino niya ang nakita ko. Im starting to panicked kasi baka saan na yun napunta. Kahit alam ko namang hindi na iyon mawawala dahil sobrang tanda na niya. Ngunit hindi ko mapigilang mag alala. Para akong isang ina na nawawalan ng anak sa loob ng malawak na mall. Yano is a big guy, nakabuntis na nga't lahat lahat pero bakit para akong tangang naiiyak dahil hindi siya mahagilap? uh, pregnacy hormones.

I was about to report it na, na nawawala ang asawa ko ng bigla itong tumawag. Napahinga ako ng maluwag.

"Yano! Where are you? God, Im dying to find you, ass hole" inia kong bungad rito. Nag-tsk ito bago magsalita. Kahit wala pa mang imik ay mababanaag mo na ang inis sa kaibuturan niya.

"Umuwi ka nalang mag isa. Nasa bahay na ako" walang emosyon nitong saad.

Lumagpas ang init ng ulo ko dahil sa narinig. Habang ako nag aalala rito dahil hindi ko siya mahagilap sa malawak at magulong lugar na ito ay naroon siya, maaaring casual at walang problema na nakahalukipkip sa malaking sofa sa bahay.

Fuck, hanggang kailan ako maliliyo sa pagpapakatanga sayo, yano!

Wala akong nagawa kundi ang humingi ng tulong sa mga salesman na buhatin palabas ng mall ang mga pinamili ko. Agad akong naghanap ng masasakyan at luckily, may nakuha naman agad ako.

Mabait ang nasakyan ko dahil mula sa sasakyan ay siya na ang nag insist na ipasok pa iyon hanggang sa bukana ng pintuan.

Nang makaalis na ang mamang driver ay alisto kong binuksan ang pintuan. Bumungad ang malakas na tunog mula sa pinapanuod ni yano na basketball sa tv.

"Kung may konsensya ka pang natitira, pakipasok nalang ang mga ito. Baka dahil sa kagaguhan mo, magka miscarriage pa ako." inis kong bulyaw sa kanya habang pinulot ang remote ng tv at pinatay iyon.

"tsk" singhal niya. Masama akong tiningnan bago tuluyang ipasok ang mga napamili.

Pagod kong hinayaan ang sarili na hayuin ng sofa. Hawak ko ang tummy ko.

"Binuhat mo lahat ng 'yon?" he suddenly asked na sandali ring nagpamulat sa papikit na mata ko. Hindi ko siya sinagot, tinitigan ko lang ang blangkong titig niya.

"Fuck you woman, you're pregnant. Anak ko 'yang nasa sinapupunan mo at wala kang karapatang pabayaan ito. Paano kung may mangyaring masama sa anak ko, I'll fucking kill you, devon." pagalit nitong saad na inilingan ko lamang. Tumayo ako patalikod sa kanya at nagsimula ng maglakad paakyat ng kwarto.

Ngunit bago pa man ako makahakbang sa unang baitang ng hagdan ay naramdaman ko na ang kamay niya sa braso ko. Marahas ang pagkakahawak niya roon.

"That child's the reason why Im still keeping you. Kung may mangyaring masama sa anak ko, mapapatay kita." muli ay pagbabanta niya. Hinarap ko siya at mariing nginitian kahit nangingig ang aking mga labi.

"Keep me still then." saad ko.

Lumihistro ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha niya na ikinatawa ko. Nangunot ang noo niya dahil sa biglaang pagtawa ko.

"Don't joke around." malamig niyang sabi. Tinapik ko ang pisngi niya ng paglalambing na agad rin naman niyang iniwalis.

"Ingatan mo ang anak ko" madidiin niyang sabi bago ako tinalikuran.

Kagat labi kong tinanaw ang likuran niya at napapatango na lamang. Ang bigat bigat na sa dibdib. Yano.

Dont worry, I love my baby. Aalagaan ko 'to kahit hindi mo sabihin. Sana kaya mo rin siyang alagaan katulad ng hiling mo sa akin, yano. Sana...

"Tulungan mo ako." sambit ko. Natigil siya sa paglalakad at napalingon siya sa akin. Nginitian ko siya ng pagkatamis tamis.

"Tulungan mo akong alagaan siya." sambit ko pa na nagpataas ng parehong kilay niya.

"Kaya kong ipangako na aalagaan ko 100% ang anak ko dahil wala pa man ay lubos na ang pagmamahal ko rito, ngunit sa lahat ay importante rin ang pag aalaga mo, yano." halos pabulong kong lathala.

Nagsisimula na ang hormones ko bilang buntis. Sabi ng doctor ko ay maselan daw ako kaya kailangan ng matibay na suporta ng asawa ko. There's a big chance that if I got in trouble, baka magka-miscarriage.

"I can't promise" gumalaw ang panga niya at kumibot kibot ang mga labi niya.

"You know I can't handle a single day with you, devon." Tumango ako.

"You did.." agap kong sagot. Ngumisi siya at nagpatianod sa sofa na nasa likuran niya. Hinaplos haplos ang sintido habang matiim na nakatingin sa akin.

"Then, If you really want me to keep you. Try to take care my child without my help." saad niya.

Mabigat man ay alam kong wala akong magagawa upang mabago ang isip niya. He'll rather seen his child in death than to take good care of me. Napaka sama niya. Wala siyang kasing sama.

Bakit niya dinadamay ang anak namin sa galit niya sa akin? Puro nalang siya kara. Kapag si kara ang nasa sitwasiyon kahit hindi malala, sobrang nag aalala na siya, Inaalagaan niya ito kahit normal naman ang lahat sa kanya. But when it comes to me, pati bata na dugo't laman niya ay itinatakwil niya. He's worst!

"Don't make me give up on you, yano."

UNWANTED(COMPLETED)Where stories live. Discover now