Kabanata 21

28K 413 6
                                    

Kabanata 21

Kissed

"She ignored the consequences. Lagi kong sinasabi na hindi siya pwedeng magbuntis. The baby may survive but she may not. But all she's saying is, its okay. Maraming nagmamahal sa anak niyo kahit wala pa siya sa mundo."

Napapitlag ako ng marinig ang sinabi ng doctor ni devon. Hindi ko alam kung bakit nag iinit ang paligid ng mata ko, waring handa na ang mga luha mula sa loob niyon na dumaloy.

"Matagal na kitang gustong maka-usap. Everytime na may check-up siya, inaabangan kita. I want to please you to take good care of her habang nagbubuntis siya. Hindi siya pwedeng masaktan emotionally. Mahina ang puso niya Mr. Kim. Pero sa nakikita ko, sa mga araw na nagpupunta siya dito. I can see sadness in her eyes" she exclaimed.

Hindi ako nakapagsalita. Nanatili akong nakatingin sa hawak kong papel. Ang mga medical results ni devon mula pa noong bata siya. She has heart failure.

"Her home was the hospital when she was a kid. Lagi siya sakit ng ulo ng magulang niya dahil sa araw araw na pananatili niya sa hospital noon ay araw araw rin siya sumubok tumakas. Devon is weak, pero pinakita niya sa mga tao na hindi. Pinakita niyang malakas siya kahit physically weak siya. Ayaw niyang kaawaan ng mga tao. Ni-minsan ay hindi ko siya nakitang umiyak. Halos nakita ko na rin ang paglaki niya dahil ako na ang naging personal doctor niya. Hindi siya yung taong sumusuko. Wala sa bukabularyo niya ang bagay na iyon."

muli nitong saad. Napalukot ako sa papel na hawak ko. I can imagine devon in her braveness. Iyong devon na laging inaaway si kara. Iyong devon na lagi kong pinapagalitan dahil sa pagpapaiyak niya kay kara. Iyong devon na laging napapa-init ng ulo ko. Siya 'yung babaeng naghahabol pero hindi nagmamakaawa. Matapang siya kahit alam niyang siya iyong mali. Napangiti ako ng maalala ang mga bangayan namin.

Flashback:

"Hoy!"

Natigil kami ni kara sa paglalakad dahil sa matinis na pagsigaw at pagtama ng isang bagay sa likuran ko. Nakita ko ang pagkahulog ng isang libro sa paanan ko, siguro ay iyon ang bagay na dumagan sa likuran ko.

"Wow, ang sweet nila!" muli ay sigaw nito. Nakangising devon ang sumalubong sa amin ni kara. Agad pumulupot ang kamay ko sa balikat ni kara upang protektahan siya. Agad na natanggal ang malokong ngiti sa mukha ni devon ng makalapit na sa amin.

"Tsk. Padaan nga!" bwisit nitong sambit sa amin at inihiwalay kami ni kara sa isa't isa. Natanggal ang akbay ko kay kara. tumigil ito sa gitna namin habang pinupulot ang libro na ibinato niya sa akin kanina. Agad akong napalapit kay kara ng isampal ni devon ang libro sa kanya.

"What the hell--- Ano bang problema mo?" bulyaw ko sa kanya. Kinuha ko ang libro sa kanya at ako naman ang sumampal sa kanya gamit iyon. Napaupo siya sa lakas ng pagkakasampal ko.

"Huwag mong subukan ang pasensya ko. Touch everything but not kara. I'll kill you"

Tumingala siya sa amin at tumawa.

"I'll----fuck you?" natatawang saad niya. Lalo siyang nakakapang init ng ulo. Itinayo ko siya at muling tinulak upang mapa-upo ulit. Hindi na siya muling tumingala pa. Nanatili na siya nakatingin sa lupa na kinauupuan niya.

"Mamatay ka na..." sumbat ko bago namin siya nilisan roon.

End of flashback

Kumirot ang puso ko habang inaalala iyon. I once wish her to die--No I wish her die for quite times.

"Is it posible for her to live after giving birth with our son?" nanginginig kong tanong sa doctor.

Hindi nakaimik ang doctor. Nakita ko ang pag aalinlangan sa mata niya. Sa tingin na iyon, alam ko na ang sagot sa tanong ko. Napaigting ako ng panga at napasuntok sa mesang nasa harapan ko.

"Hindi?" nanginginig kong tanong rito na hindi rin niya ulit tinugunan. Nanatili ang malamlam at pag aalala nitong tingin.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa habang binabagtas ko ang daanan palabas ng clinic. Para akong nahigupan ng lakas at hindi na alam kung saan pa babawiin ang mga iyon.

Mabigat kong isinarado ag pintuan ng kotse at malakas na pinagsusuntok ang manibela. Minsan lang ako makaramdam ng ganito kalalang pagkalugmok. This is so shit compare to what I've felt when I had to left kara for devon. I have loved kara, so much. But things go wrong. Nabuntis ko ang babaeng kinamumuhian ko noon pa man. Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit gusto kong maiyak sa sitwasyon. Gusto ko siyang makita at yakapin ng napakahigpit. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi ang pagsisi. I should've love her. I should've protect her.

"Fuck!" sigaw ko habang pinag -uumpog ang ulo sa manibela.
"Fuck! Fuck! Fuck!" paulit-ulit kong singhal. Oh devon...

"I love you"

As I remember her saying those words. I felt heat flowed in my cheek. Fuck, ngayon lang sa lahat. Ngayon lang ako umiyak ng ganito. Nakakabakla ang pag iyak, iyon ang paniniwala ko. Kaya nuong nagkahiwalay kami ni kara ay sinubukan kong maging malakas, hindi ako pulos naglabas ng tubig sa mata. Ngunit hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko nalang na ako na lang ang makaramdam sa lahat ng nabuong sakit kay devon. Lahat lahat, lahat ng sakit na dinulot ng ibang tao sa kanya, sakit na dinulot ko sa kanya. Lahat ng iyon ay sana ako nalang ang makaramdam. Fuck, napakahayop ko! Napakahayop ko para ipadama sa kanya ang araw araw na sakit. Napakahayop ko para kamuhian siya. Napakahayop ko para pabayaan siya at napakahayop ko para hindi mapansin ang nararamdaman niya.

Agad kong binuhay ng manibela at pinatakbo ng mabilis ang sasakyan. Gusto ko siyang yakapin. I miss her so much. Para akong nangungulila sa kanya ng ilang taon. Gusto kong bumawi. Gusto kong iparamdam na mahalaga siya. Iyong mga bagay na kailanman hindi ko nagawang gawin sa kanya.

Halos magkanda dapa dapa ako ng pasukin ko ang loob ng bahay. Agad siyang hinanap ng mata ko. Napapamura na lamang ako ng hindi ko siya mahagilap sa bawat sulok na pinupuntahan ko.

Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto. There she is.

"Kailangan mong umuwi bago ako manganak, A. Malay mo baka hindi mo na ako maabutang buhay." rinig kong sambit niya. Nakatalikod siya sa akin, nakapasak ang cellphone sa tainga niya. Sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ng katawagan niya ay nabatid ko na kung sino ito. Si albert.

"If I'll tell you that I have no longer time to live, uuwi ka? A, umuwi ka na kung gusto mo pa akong makita."

nanuot ang kirot sa puso ko sa sinabi niya. Napaigting ang mga panga ko habang pinapanuod ang pag-alog ng balikat niya.

Lumapit ako sa kanya at ngayon ay mas malinaw na ang rinig ko sa hikbi niya. I didnt give a damn, agad kong pinulupot ang mga braso ko sa maumbok niyang tyan at hinalikan ang pisngi nito. Ramdam ko ang gulat niya ngunit wala na siyang nagawa ng humarap ako sa kanya at tinapunan siya ng malamyos na halik. Halik kung saan naglinaw sa akin kung bakit ko nararamdaman ang ganito ngayon sa kanya. The kiss confirm my feelings towards her.
"I love you..." I whispered as I kiss her again.

UNWANTED(COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang