Kabanata 10

24.8K 393 14
                                    

Kabanata 10

Together

"What do you want, dev?" he asked. Pagkababa na pagkababa ko, iyon agad ang ibinungad niya sa akin. Seems that he likes my idea of letting him go after all this drama. Ngumiti ako, ngumiti rin siya ngunit halatang pilit.

Pinaghila niya ako ng upuan na masyadong panibago sa akin. Kahit pa siguro akto lamang ang mga ito, ay hindi ko mapigilang maliyo sa kilig. Ano bang bago, walang duda, he's Yano Kim.

"Okay na 'to" saad ko habang nilamon na ang nakalahad sa mesa. Wala naman akong cravings, lagpas na ako sa level ng paglilihi. Im seven months preggy already. Kaunting push na lang ay magkakaroon na ng little yano ang mundo. Im so excited, so damn bad. Pero alam ko, sa pagkakaroon ko ng isang mumunting prinsepe ay ang siyang pagkawala ng aking nag iisang prinsepe.

"Good. Were you going to your OB today?" tanong niya. Mahihimigang pilit ang bawat bigkas ng mga katagang iyon. Sabagay, sapat na siguro ang dalawang buwan upang maramdaman ko siya. I wish to feel him, noon pa. At kahit siguro plastikan na lang ay matatanggap ko pa.

Hindi ako umimik at tumango na lamang.

"I'll go with you." saad niya. Hindi ko siya tiningnan dahil baka maiyak lang ako sa pagka-appreciate ng effort niya. Isipin mo, he hate my guts, hindi niya ako matagalan kahit isang segundo lang, pero ngayon, pinipilit niya akong pakisamahan. Sabagay, after two months of being like this, he'll going to get out from hell. Makakalaya na siya sa bitag ko.

"Thank you." bulong ko, sakto lamang upang marinig niya. Nakatingin ako sa kinakain ko ng biglang hawakan niya ang kamay kong nakahawak ng kutsara. Wala akong magawa kundi ang mapatingin sa kanya, sa pag angat ng ulo ko ay mukha niya at ang mapanuring titig niya ang bumalandra sa akin. Ngumiti ako sa kanya, ngunit siya ay nanatili lamang kunot at busangot ang mukha.

"Im sorry..." he whispered. Pilit akong tumango at ngumiti. I wish him to be like this, I badly want this.

UMALIS rin agad si yano, pagkahatid sa akin sa clinic ng doctor ko. Gustong gusto ko pa naman sanang ipakilala ito dito dahil bawat punta rito ay siya itong hinahanap. She badly want to see whose the father of my son pa naman. Hindi ko alam kung bakit gigil siyang makilala ang ama ng dinadala ko.

"Alone?" bungad nito na nakataas ang kilay.
"Again?" natatawa nitong dagdag sa naunang sinabi. Napailing ako.

"Kailan ko ba makikilala ang asawa mo o baka naman imaginary husband lang yan?" pagbibiro pa niya.

"Makikilala mo rin siya." natatawa ko lamang na sagot. Napailing siya tsaka ako inobserbahan na. She's jolly and sarcastic person but when it comes to her work, you can see how passionate she is. Halata mo sa kanya ang pagkagusto niya sa trabaho niya, mahal niya iyon kung kayat maging ang mga pasyente niya ay minamahal narin.

"'Wag ka masyadong magpagod, bedrest ka more often, okay? And dont stress your self to much." pangangaral niya. Tumango lamang ako at ngumiti.
Kita sa mga tingin niya ang pagtatanong. Waring may gustong ilahad ngunit ayaw isiwalat. She's a surgeon too, madami sa madami na itong achievement sa larangan ng medisina. Kaya kahit ilang milyon pa ang ilaan ko para sa kanya ay gagawin ko, siya lamang ang maging doctor ko. Alam kong mapapangalagaan kami ng baby sa pangangalaga niya.

"Thank you, doc" I muttered.

"Yeah, next time you'll visit kasama mo na dapat si Mr. Kim. I have things to discuss on him." seryoso nitong saad.

SINUNDO agad ako ni yano pagka-text na pagka-text ko. Normally, walang dadating na yano kahit ilang messages pa ang ibato ko sa kanya. Ngunit ngayon ay narito siya, tahimik ngunit narito siya. Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Are you hungry?" he asked sa kalagitnaan ng daan. I responded yes.

Agad niyang ipinark ang sasakyan. Agad akong napatitig sa kanya habang seryoso siyang nakafocus sa pagda-drive. Gusto kong manlambot dahil sa mga inaakto niya ngunit habang naaalala ko, hiling ko lamang ito sa kanya. Na ngayon, ay pinagbibigyan lamang niya. Ngumiti ako nang mapadapo ang tingin niya sa akin.

"What?" he asked. Umiling ako at nanatili ang ngiti. Gusto ko siyang yakapin at paghahalikan ngunit baka mainis siya kapag ginawa ko iyon. That's too much for him to handle. Kaya niyang makipagplastikan sa akin ngunit alam kong nanginginig parin sa galit ang kaibuturan niya sa akin.

"Wala. Gusto ko lang magpasalamat for letting me feel you, finally." I said, hindi ko mapigilan ang mga luha sa pagdaloy nila sa mga pisngi ko.

"Ang tagal tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, yano. Ang tagal tagal kitang hinintay. Kahit pa alam kong tinutupad mo lang ang kahilingan ko sayo, kahit pa alam kong hindi ito totoo, kahit pa labag ito sa puso mo. I'll forever be greatful na at at once naramdaman ko ang pagpapahalaga mo. Salamat... Kapag darating yung araw na--" I paused as my tears runs after my drama. Pinunasan ko agad iyon at muling nagpatuloy.

"Ayoko na.... kapag dumating yung araw na sasabihin kong tama na. Tandaan mong mahal na mahal parin kita. huh?"

Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga lumalabas sa bibig ko. Nakakainis, nakakahiya!

Hindi siya sumagot, pero hindi rin naman siya kumontra. Nakatitig lamang siya sa akin na parang pinag aaralan ang bawat reaksyong ibabato ko. His thumb gently touch his lips.

Ito ang unang beses na sinabi ko sa kanyang mahal ko siya. I always run into him, I always chase him. But never in my entire existence that I told what I felt towards him.

Ang paraan ng pagkagat niya ng labi ay nagbigay sa akin ng tabo tabong kilig.

"Ay, ano ba naman yan. Ang drama ko. Tara na nga lang..." pagwawala ko ng tensyon. Ayokong marinig ang mga isusumbat niya sa mga naging lathala ko, masasaktan lang ulit ako.

Pagkababa na pagkababa ko ay hinila niya ako pabalik kung kayat nabangga ako sa matikas niyang pangangatawan ngunit sa halip na ilayo niya ako sa kanya ay pinulupot niya ang isang kamay sa baywang ko at ang isa nama'y nasa likod ng ulo ko.

"I know you want this, but you cant.... kaya ako na lang ang gagawa nito para sayo." mas lalo niya akong isinubsob sa kanya, alam kong napapatingin na sa amin ang mga tao, nakaumbok kaya ang pwet ko dahil malaki laki na ang tyan ko't hindi na iyon mapiga upang diretso lamang sana akong mayakap ni yano. Ang kaso malaki na ang umbok niyon. Para tuloy akong ewan habang niyayakap ng mala-adonis na katauhan. Pero higit sa mga worries ko, namutawi sa akin ang kilig at gayak. Niyayakap ako ni yano, Isa ito sa mga pangarap ko.

******************************
A/N:

Dumarami ang mga bagong commentors and readers, pati narin followers ko, wow naman po, million thanks to all of you, loves  😘😘 (hug and kisses)

Stay tune! dont forget to vote and comment, thank you!

UNWANTED(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora