Kabanata 29

18.9K 240 3
                                    

Kabanata 29

Regret

Hindi sa lahat ng bagay, masaya. Hindi sa lahat ng bagay, payapa.
Kung akala mo okay na, maniwala ka! May darating at darating paring problema.

"Nahihirapan kang huminga?" tanong sa akin ng doctor. Tumango ako.

Kasama ko ngayon ang doctor ko, araw araw kasi pagsapit ng gabi ay hindi ako halos makatulog dahil laging naninikip ang dibdib ko. Parang bumabalik iyong dati, iyong dati na halos ikamatay ko na dahil sa sikip at sakit? Iyong mga araw na halos isuko ko na ang buhay ko dahil naiinis ako sa isipang ang hina hina ko. Na kung bakit kailangan ko pang maipanganak kung mahina lang rin naman ako, na kung wala naman na pala akong kwenta sa mundo, na panggulo lang ako. Mga araw na nagtatapang tapangan ako, na hindi ako nasasaktan, na akala ko sa sarili ko ang ang lakas lakas ko kahit na halos hindi ko na kayang tumayo. Lahat ng iyon ay bumabalik sa alaala ko.

Naisip ko, swerte parin pala ako. Nabigyan ako ng pagkakataong mabuhay kahit na dapat ay nagpapahinga na ako. But if this was a sign na kailangan ko ng ibalik ang pagkakataong iyon, tatanggapin ko. Sapat na sakin ang pagkakataong ibinigay sa akin, I already watch my son playing and enjoying everybody's company. I already saw how passionate yano is, in building good relationship with me and with our son. Sapat na siguro iyon.

"If may taning na ang buhay ko, sabihin mo kung kailan ako lilisan sa mundo. Im ready for it." saad ko.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako sumuko sa laban. Ngayon ko lang natanggap ang kahinaan ko. Na hindi ko pala kaya ang patuloy na magmatapang, Im not really a strong and independent woman. Mahina ako.

Nakita ko ang pagkinang ng mata ng doctor ko. She was my doctor ever since. Kung tutuusin ay siya na ang kinalakihan ko. She's good at everything pero sa galing niyang iyon hindi niya ako kayang pagalingin. But I dont want to blame her. Ginawa niya ang lahat upang maging normal ang buhay ko. At sapat na ang mga nagawa niya para sa akin.

I already accepted death nung pinanganak ko si uno. Pero nabigyan ako ng pagkakataon para makasama ang anak at ang asawa ko. That's fully enough for me. If things got complicated, I'll accept my destiny. Siguro ay pinanganak ako, hindi para mabuhay sa mundo, kundi para malaman kung anong kahulugan ng buhay.

"Im sorry, dev." she replied. Ngumiti ako at niyakap siya.

"You dont need to be sorry. It was my destiny. Malaki na ang naitulong mo sa akin. Ikaw ang dahilan kung bakit nagtatagal pa ako sa mundong ito. Hindi mo man ako naagapan, atleast diba? You saved atleast a minute of my life. Im thankful that you are my doctor. And please bear with me. Dont tell, yano about this." hiling ko. Lagi nalang akong humihiling ng isang kasinungalingan sa kanya. Lagi ko nalang siyang dinadamay sa kababawan ko.

"Ayan ka na naman, devon. They need to know." asik niya na agad kong inilingan.

"I dont want yano to burden me. Grabe na iyong pagsisisi at guilt na naramdaman niya noong na-coma ako. At mahal na niya ako, masasaktan siya kapag nalaman niya."

The more he knows that there's a chance, he'll assumed. At kapag umasa siya, masasaktan siya. Ayoko niyon. Mas gusto ko nalang na saktan siya habang maaga pa.

"Do you have contacts with great lawyers?"

Sa pagtatanong ko ay natigilan siya. Napabuntong hininga ako at hinawakan ang kamay niya.

"I will file an annulment" saad ko.

MABIBIGAT ang bawat paghakbang ko habang binabagtas ang kwarto namin ni yano.

Naiiyak ako pero pinipigilan ko. Nanghihinayang ako sa amin, yung nagsisimula ng nabubuo yung sa amin, iyong relasyon na nagsisimula ng umusbong, iyong binubuo naming pamilya. Sayang.

Kung kailan okay na, maayos na at mahal na namin ang isat isa. Duon naman, kailangan ko nang magparaya. Mas masasaktan siya kung makikita akong nahihirapan habang inaabot ang hininga, habang pinipikit ko ang aking mga mata at habang hinahabol ko ang buhay na hindi para sa akin. Habang nakikita niya na hindi ko na kaya, iyong pagkakataon na naglalakbay na ako sa pangalawang buhay. Kapag ako ay namatay.

"Dev.." malambing niyang bungad ng mabungaran ako sa pintuan. Kagagaling lamang niya sa banyo at halatang bagong ligo. Naka white sando siya at boxers. Lutang ang kisig ng pangangatawan niya. Napangiti ako ng mapait, hanggang kailan ko kaya iyan masisilayan?

Lumapit siya sa akin at pinatakan ng halik ang aking labi. Sayang.

Sayang ang lahat ng ito, sayang kasi mawawala lang rin naman ako.

"I miss you, where have you been?" he asked while playing my hair.

Umiling ako at niyakap siya, hindi ako nagsalita. Tama nga iyong desisyon kong tanggapin siya, tama nga na pinagbigyan ko siya , dahil kahit sa kakaunting oras ay nakasama at naramdaman ko ang pagmamahal at pagpapahalaga niya na matagal ko ng hinangad noon pa.

Noon ay inis na inis ako dahil hindi ko makuha ang punto niya kung bakit sobra na lang niya akong sinasaktan, alam kong galit siya dahil sinira ko ang pangarap nila ni kara pero ni konsiderasyon sa akin ay hindi niya noon magawa.

Ngayon ay ako naman ang mananakit sa kanya. kahit pa wala pa akong ginagawa, nagsisisi na ako. Hindi ko siya kayang layuan pero ayoko siyang mas masaktan.

He deserve to be happy. Pinagkait ko iyon sa kanya noon. Sinira ko ang buhay niya, inilayo ko siya sa babaeng mahal niya at ilang taon siyang nagdusa sa piling ko dahil sa pagtitiis na makita ako kahit ayaw niya. Siguro ito na ang pagkakataon upang ibigay ko sa kanya ang noo'y laging hiling niya. Ang lumayo ako sa kanya at ibalik siya kay kara. Kara is his best. Kay kara siya pinakaangat.

Hinawakan ko ang mukha niya at dinampian siya ng halik sa labi, puno ng pananabik, malamyos at may pagmamahal. Sa gitna niyon ay tumulo ang luha ko. Naramdaman kong natuluhan siya niyon kaya natigil siya. Bahid ng kwestyonableng titig ay bumaling siya sa akin. Pag-aalala ang nakatatak sa mukha niya.

Umiling ako at nagsalita.

"I love you.."

*****************************
A/N:
Balik tayo sa heartbreak. 😅 Pasensya po, nadadamay ang takbo ng story sa mood ko.

UNWANTED(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora