Kabanata 30

19.2K 235 12
                                    

Kabanata 30

Heartbreak

"Dev. Let's enroll uno in piano class."

Ngumiti ako ngunit hindi sumagot. Tumango lang at muling bumalik sa pagkain. Ilang linggo ko ng pinaparamdam na wala akong pakialam sa kanya at sa mga sinasabi niya, ngunit heto parin at nagtatanga tangahan siya, waring hindi nahahalata ang panlalamig ko. Lalo lamang akong mahihirapan kung ganito siya. Ito na ba iyong sinabi niya na kahit anong mangyari, hahabol parin siya? Bakit ngayon pa? Yano, huli na ang lahat.

Wala siyang imik na inilayo si uno at sinamahang maglakad papunta sa sala. Iniwan din nito ito pagkatapos at nagtungo pabalik sa pwesto ko.

"You're so cold." saad niya matapos makaupo sa harapan ko. Ramdam ko ang lungkot ng boses niya. Ramdam kong nahihirapan na siya. Huli na ang lahat, yano. Huli na ang lahat.

Hindi ko siya sinagot at nanatili sa pagkain, nagkunwari akong hindi siya narinig. Kahit hirap ko ng lunukin ang kinakain ko ay iyon ang pinagtripan ko upang huwag pansinin si yano.

Natigilan lamang ako ng maramdaman ko ang pag-gagap niya sa kamay ko. Napatingin agad ako sa kanya ngunit ng makita ko ang lungkot sa mukha niya ay agad ko rin itong binawi at tumingin sa ibang direksyon.

"What happen? I thought, we're okay? I thought, you already open your door to me?" he said.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya at umiling na lamang. Muli, ay hindi ko siya nagawang sagutin. Imbes na ituloy ang pagkain ay tumayo na lamang ako upang makalayo.

Pero bago pa ako makahakbang papalayo sa kanya ay naramdaman ko na ang malaking braso na pumulupot sa beywang ko. Hindi ko siya nakikita dahil nakatalikod ako sa kanya pero sa paraan ng pagbuga niya ng hangin ay ramdam ko ang tensyon na bumabalot sa kanya. At first, alam kong kaya ko pa. Pero nang tumagal na ang yakap na iyon at lalong humigpit ay bumagsak na ang kanina pa nakahandang luha sa mga mata ko. Yano!

"Anong nagawa kong mali? Binabawi mo na ba iyong chance ko? Dev, dont dare to. Mamamatay ako." saad niya.

Agad kong pinalis ang mga luhang tumulo sa mga mata ko at buong lakas na tinanggal ang kamay niya sa beywang ko. Hinarap ko siya ngunit malaki ang distansya. Lungkot ang nakadepina sa mga mata niya.

Umiling ako at humakbang pa palayo sa kanya.

"Bumalik ka na kay kara." walang emosyon kong sambit.

Kumunot agad ang noo niya at sunod sunod ang pag-iling.

"No! Bakit ako babalik sa kanya kung ikaw na iyong mahal ko, devon." asik niya. Nanginginig at pinal niyang saad.

"Nasanay ka lang, naguilty, naawa. You dont love me, yano." pamimilit ko.

Nakita ko ang hindi makapaniwalang tingin mula sa kanya. Ang sunod sunod niyang pag iling at ang paniniguradong titig.

"I love you! ikaw na ang mahal ko, devon." pagpupumilit niya.

"Naguguluhan ka lang. Nagi-guilty ka lang, gusto mo lang panindigan ang responsibilidad mo sa akin--"

"Bullshit, devon! I know what I feel, huwag mo akong turuan dahil hindi ikaw ang nakakaramdam ng nararamdaman ko!" bulyaw niya habang nagsasalita pa ako. Ang pagtulo ng malalaking butil ng pawis niya ay nangangahulugan na nagpipigil lang siya.

Nakita kong napatingin sa amin si uno mula sa sofa. Agad itong tumayo at tumakbo palapit sa akin. Niyakap ako ng anak ko at akmang susuntukin si yano.

"Bakit mo shinishigawan ang mama! You are bad dada!" asik niya sa ama. Nakita ko ang malayang paglambot ng mukha ni yano habang nakatingin kay uno. Muli akong niyakap ni uno.

"Im sorry." agad na bawi sa akin ni yano. Hindi naman niya kasalanang masigawan ako, ako ang nagpalabas sa kanya ng ganuong emosyon.

Lumuhod ako upang mapantayan ang lebel ng anak ko. Sinuklay ko ang buhok niya.

"Go to your room, mama is okay. Dont worry, okay?" malambing kong sabi sa kanya. Agad naman siyang tumango ngunit bago siya umalis ay tiningnan niya lamang ang kanyang ama at tinapunan ng masamang tingin ito.

Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga ng makitang magsara ang pintuan ng kwarto niya.

"Devon.." bahid ng pagsusumamong saad ni yano. Lumapit siya sa akin at umiiling.

"Hindi mo ako ipapamigay, diba?" paninigurado niya. Ngumiti ako at sinubukang humakbang palayo sa kanya. Tinalikuran ko siya at akmang tatakas sa presensya niya. Ngunit hindi ko pa nakukuha ang lakas ko upang tumakbo ay agad niyang nahuli ang kaliwang kamay ko, hinila niya iyon ng buong lakas dahilan upang mapaikot ako at dumapo sa makisig niyang katawan. He's now, embracing my trembling body. Nanginginig ako, at alam kong dahil yakap niya ako ay nararamdaman niya iyon.

Pagkuwan, ay naramdaman ko rin ang pagnginig ng balikat at dibdib niya. Agad akong napatingala sa kanya at hindi nga ako nagkamali. He's crying again. Jusko, napakaiyakin na niya talaga.

"You're not going to leave me, right?" pagsusumamo niyang sambit. Gusto ko mang matawa dahil sa nakikita ko sa kanya ngayon, para siyang bata na ayaw maiwan ng kanyang ina at gustong sumama sa anumang lakad nito. Ngunit, hindi ako nagbibiro, hindi siya nagbibiro, at ang sitwasyon namin ngayon ay hindi biro.

"Kung maghihiwalay tayo, paano si uno? dev, hindi lang ako ang sasaktan mo kung iiwan mo ako." saad pa niya.

Gusto kong isigaw na, oo nga eh! iyon nga iyong point ko na habang maaga dapat ay masanay na kayong wala ako, dahil hindi magtatagal, iiwan ko rin kayo!

"Hindi na kita mahal." walang emosyon kong lathala at sinubukang humiwalay sa yakap niya. Ramdam kong nanlambot siya at nanghina pagkarinig sa sinabi ko kaya hindi naging bakbakan sa akin ang pagtanggal sa mga braso niyang nakahapit sa akin. Nakita ko ang mabibigat at malalaking hininga na lumalabas sa kanya, pagkatapos. Ang mga mata niya nakanina'y nababasa pa, ngayon ay hindi mo na mailathala kung anong lamang ng nararamdaman niya. Halo halo ang emosyong nakadepina roon.

"Hindi naman na talaga kita mahal eh, gusto ko lang mabuo iyong pamilya natin para kay uno, gusto kong habang lumalaki siya kasama niya tayo, ayokong mabuhay siya sa mundo na walang buong pamilya. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit pa kita tinanggap sa buhay ko sa pangalawang pagkakataon, pero yano hindi ko pala kaya. Kapag nakikita kita, naaalala ko lahat ng sakit, lahat ng mga mabibigat mong kamay na dumadapo sa akin, lahat ng paglalait at pangmamaliit, Ang lahat ng bagay na nagpaparamdam sa akin na ang dami kong kakulangan, at iyong mga bagay na nagpaparamdaman sa akin na kailanman hindi ako karapat dapat na mahalin. Iyong mga bagay na mas gusto mo nalang akong lumisan kaysa sa masilayan. Yano, sa totoo lang. Hirap na hirap akong pakisamahan ka, nahihirapan ako sa tuwing nakakasama kita. Hindi ko na kaya, yano, hindi ko na kayang makita at makasama ka pa!"

UNWANTED(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon