Kabanata 20

27.4K 368 3
                                    

Kabanata 20

Off

"Devon.." tawag sa akin ni yano. Agad nawala sa telebisyon ang paningin ko at nagawi iyon sa kanya. Nakita ko ang bihis na bihis na yano na bumubungad ngayon sa pwesto ko. Kunot noo ko siyang tinitigan. Ano naman ba ang trip nito ngayon?

Simula kasi noong sinabi ko ang tungkol sa paghihiwalay namin, narito siya laging nangungulit, laging nagpapalambing. What is his point of doing this things?

"Magyayaya ka na naman bang lumabas?" walang gana kong saad. Dati rati ay kaunting pansin lang niya sa akin ay magkanda-matay matay na ako sa kilig. Isa ito sa mga pangarap ko na ngayon ay unti unti ng natutupad. Ngunit naroon sa akin ang lungkot sa bawat palaisipan. Hindi ko na kayang maging masaya habang ginagawa niya ang mga ganitong bagay, siguro ay totoong napagod na ako. Napagod na akong umasa sa mga bagay na kahit kailan alam kong hindi magkakatotoo. Iyong mga bagay na inaakto lang at pawang wala sa reyalidad. Nabuhay ako sa pantasya na alam kong hindi kailan man mag e-exist sa reyalidad na aking kinabibilangan. Napangiwi ako.

"Yano, tama na yan. You don't need to do this. Tapos na ako sa dramahang ito. Diba sabi ko naman sayo, hindi mo na ako kailangang pag-tiyagaan?" dagdag ko pa. Nakita kong napatigil siya sa paglalakad papunta sa akin.

Ang ngiti na nabuo kanina sa mukha niya ay naging blangko na lamang ngayon.

Im sorry yano, Ito na iyong pagkakataong kinatatakutan ko. Iyong mapagod na mahalin ka. Ngayon kasi wala nalang akong ibang gusto kundi ang malayo sayo ng hindi ko na muling maramdaman ang sakit.

"Magbihis ka na." utos niya. Napailing ako at hindi gumalaw sa pwesto ko. Imbes na sundin siya ay ibinalik ko nalang ang tingin sa screen ng tv.

"Devon.." tawag niyang muli sa pangalan ko. Hinuli niya ang tingin ko at sinakop ang siko ko. Umiling iling akong lumingon sa kanya.

"Yano.." asik ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa siko ko. Hurt plastered on his face. Napangiti ako sa palaisipang nasasaktan siya sa inaakto ko. Naramdaman ko ang pagtutubig ng mga mata ko habang nakatingin sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa akin. Ano na naman ba 'to?

"Bitawan mo ako, yano." Matapang kong saad at nagpumilit kumawala sa hawak niya. Hindi ko kayang tumingin sa kanya kasi lalo ko lang kaiinisan ang sarili ko kapag ginawa ko iyon. Ayoko ng muling lumambot sa kanya. Gusto ko kahit sa pagkakataong ito, maging matapang ako at matutong hindian siya. Im fond of chasing, Im tired of it. Sa buong love story namin, ako nalang palagi ang naghahabol, ako ang nasasaktan.

"please..." ngayon ay ang magkabilang balikat ko na ang hawak niya. Pinilipit akong tumingin sa kanya. Iniwalis ko pakaliwa ang tingin ko upang maiwasan ang mga titig niya. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay ramdam ko ang pag igting ng mga panga niya.

Kunot noo ko siyang hinarap. Tinanggal ko ang pagkakayapos niya sa magkabilang balikat ko.

"Diba ito iyong gusto mo? Ano ngayon ang iniinarte mo?" inis kong singhal dahil alam kong konting paglalambing pa niya ay mahuhulog na naman ako. Baka mamaya hindi ko na talaga kayang kumawala, baka malunod na ako ng kusa. Ayoko 'non. Baka kapag sumobra na ang pagmamahal ko sa kanya, baka hindi ko na kayang kumawala sa sakit na idudulot niya.

"De--"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita, kusang nagboluntaryo ang mga kamay ko upang mapatigil siya. Iyon ay sa pamamagitan ng sampal. Nanginginig ang mga kamay ko habang nararamdaman kong napapatakan ang mga iyon ng aking luha.

"Gusto mo ba talaga akong masaktan ng sobra, bakit.... bakit ganito, bakit ka ganito!" inis kong bulyaw.

Sunod sunod kong ginera ng suntok ang dibdib niya na hinahayaan lang din naman niya. Sinuntok suntok ko siya hanggang sa mapagod ako. Napayuko ako habang mahina parin napapasuntok aa dibdib niya. Kasabay niyon ay ang pagtulo ng mga luha ko at ang paninikip pa lalo ng dibdib ko.

"Mahal na mahal kita... Na halos ang pagmamahal na iyon ay wala ng natira para sa sarili ko.." Pagmamaktol ko habang nakatumo. Naramdaman ko ang pagkagulat at paninigas niya sakanyang pwesto.

"Noon.... noong nalaman kong buntis ako. Hindi ako nag alinlangan na buhayin ang bata dahil alam kong sa'yo ito. Kahit alam kong maaari itong ikakitil ng buhay ko. Tinanggap ko. Dahil, yano... yano, ito nalang. Itong bata nalang ang pinanghahawakan ko upang manatili ka sa piling ko." tuloy tuloy kong maktol. Wala na akong pakialam kung ano na namang isipin niya sa mga pinagsasabi ko. Maniwala man siya o hindi, gusto kong isampal sa kanya na hirap na hirap na ako. Gusto kong malaman niya na napakahirap niyang mahalin. Gusto kong ipaalam na, hindi siya karapat-dapat mahalin.

"Akala ko...." tumingala ako mula sa pwesto niya at agad nagtama ang aming mga mata. Lalo akong naiiyak dahil nakikita ko kung paano mamuo ang luha sa mga mata nito. Hindi ko alam kung parte parin ba ito ng acting niya o ano.

"Akala ko magiging masaya ako kapag nakuha na kita. Kapag naagaw na kita kay kara. Akala ko ako ang panalo sa aming dalawa. Akala ko ako iyong sasaya kasi kasama kita." napapailing ako habang nilalabanan ang maalab niyang titig.

"Hindi pala. Lahat ng iyon, salungat sa inakala ko. Dapat pala ay isinuko nalang kita. Dapat ay hindi na kita minahal ng sobra. Alam mo ba iyong pakiramdam na ginawa mo na ngang kontrabida ang sarili mo, makuha lang ang taong mahal mo. Pero heto, ito parin ako oh! walang pinagbago. Nasasaktan parin. Yano, hanggang kailan mo ako sasaktan ng ganito?" tinanggal ko ang pagkakapatong ng kamay niya sa akin. Hindi naman siya nanlaban upang pigilan ako. Tumayo ako at napapangiting tumingin sa kanya.

"Lahat ng nagmamahal, nagpapakatanga. Pero tama na, tama na ang pagpapakatanga sayo. Hindi na ako kailanman magpapakatanga pa ulit sayo. Tandaan mo iyan." sambit ko bago siya lisanin roon. Impit akong napahikbi habang naglalakad palayo sa pwesto niya. Ang mga paa ko ay nanlalambot pero pinipilit ko parin lumayo dahil kapag tumagal pa ako harap niya, baka mahalin ko na naman siya ng sobra sobra.

UNWANTED(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora